🍂 Epilogue 🍂

40K 755 73
                                    


Wala ng sasaya pa sa babaeng nakangiti at nakasuot ng white wedding gown, at nakaharap sa isang full length mirror.

Punong-puno ng kasiyahan ang mukha niya, at kaligayahan na hindi na mapapalis kailanman.

And yes, I’m so very happy yet super nervous this time, habang inaayusan ako ay hindi na ako mapakali pa.

Ngiting-ngiti sina Rose at Shine sa'kin nang matapos na akong ayusan.

“What a gorgeous woman” Rose said napangiti ako at yumakap sa kaniya pabalik.

“Thank you so much Rose, lalo na sa mga itinulong ninyo ni Shine” mangiyak-ngiyak kong sabi.

“Ops…Wala ng iyakan ito Yssa, it might ruin your make up, just smile okay? Sobrang ganda mo ngayon” hirit pa ni Shine.

And yes, thank god dahil ligtas sila ni Sandro. At sobrang laki talaga ng utang na loob namin sa kanilang dalawa, dahil sa pagsagip nila sa buhay namin ni Tauruz.

“Thank you so much guys”

“You’re welcome” sabay pa nilang sabi kaya nagkatawanan kaming tatlo. And there, bigla nalang pumasok ang ina ni Tauruz.

Napatingin sila sakin atsaka nagsenyas na lalabas na muna sila.

Nagkatitigan muna kami at sa huli ay ngumiti siya sa'kin, at hindi ako makapaniwala dahil sa mga ngiting nakikita ko sa mga mata niya.

“First of all Yssa, I just want to apologize. I know hindi ako naging mabuting ina at manugang sa iyo. But there, hindi ka sumuko na ipakita ang good side, mo I’m really sorry darling”

Bigla nalang siyang napaiyak sa harap ko, hindi ko mapigilang matouch at nag-init bigla ang sulok ng mga mata ko.

“I’m sorry Ija, I’m so mean to you all this time. But, pinagsisisihan ko ang lahat ng nagawa kong pang-aapi sa'yo. Akala ko kasi kayamanan lang ang habol mo sa anak ko, I never thought he did a very big mistake on you, at siya pala ang nakagawa ng kasalanan sa inyong dalawa. I’m really sorry”

Napailing-iling ako at hinawakan siya sa kamay.

“It’s nothing tita, huwag mo na pong isipin ‘yon matagal na po kitang napatawad” napatitig siya sakin at sa huli ay niyakap niya ako.

“Thank you so much, and call me Mommy…it’s Mommy”

Muli ay napangiti ako dahil sa sinabi niya, ganito pala ang pakiramdam kapag pinalaya ko na lahat ng sakit, hapdi at galit sa puso ko. Para na nga akong lumulutang sa kasiyahan.

“Okay are you ready?” Tanong niya sa'kin kaya napangiti ako at napatango.

“Oh right, so let’s go, and I’m pretty sure naiinip na ang anak ko kakahintay sa'yo” at sabay kaming napatawa.

Hindi ko parin maiwasang kabahan nang makarating kami sa church, ngiting-ngiti si Trez nang makita niya ako. Siya kasi ang maghahatid sakin.

“You look beautiful Yssa. Tsk! Dapat may pa-eksena ka” napakunot noo ako sa kaniya at napatitig habang natatawa siya.

“Ano na namang eksena ‘yang naisipan mo?”

“Like, tawagan mo si Ruz and sabihing you don’t love him na hindi mo siya kayang pakasalan. Runaway bride ba, then sabihin mo sa huli it’s a prank” sabay taas baba niya ng kilay niya.

“Siraulo!” Narinig ko ang paghalakhak niya nang sabihin ko ‘yon.

“Just kidding, I know you love each other, so tara na? Hinihintay ka na sa loob” napatango ako sa kaniya.

Secretly Born The Billionaire's Son (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon