Chapter 15

1.7K 51 0
                                    

REINA

Kinaumagahan nagising ako sakto alas-sais ng umaga.
Naramdaman Kong parang hindi unan ang aking hinihigaan. Dahan dahan kong iminulat ang aking nga mata, at nasilayan ko ang natutulog na si Arron.
Masarap siyang pagmasdan habang natutulog.
Ang mahahaba niyang pilikmata, matangos na ilong, at ang Kaniyang kissable lips.

Dahan dahang hinawakan ko ang kaniyang ilong mula sa una hanggang sa tuktok at bumaba sa kaniyang mapupulang labi.

Parang nahuhulog na ako sa kaniya. Oo namamalayan kong bumibilis ang kabog ng puso ko na parang nagkakarera sa tuwing malapit kaming dalawa, sa tuwing hinahawakan niya ang mga kamay ko, at higit sa lahat sa tuwing ninanakawan niya ako ng halik.

Ito na ba ang pag-ibig?? sabihin niyo nga sakin kung ang nararamdaman ko ba ay dahil sa nahuhulog na ako sa bastardong kayakap ko ngayon?
Hindi ko parin naiinitindihan ang  babalewalain ko nalang ba ang galit ko sa kaniya?
Ggrr subrang nalilito na ako.

Sana mahanap ko na ang sagot....

Wait lumilipad na naman ang utak ko aystt babangon na lang ako baka matunaw pa to sa kakapantasya ko.

Dahan dahan akong umalis sa mga bisig niya ng bigla niyang hinila ako pabalik at muling niyakap.
Ngunit nanatiling pikit parin ang Kaniyang mga mata.

"Huwag ka munang aalis, wife. I will miss your scent pag-aalis ka." mahinahong sabi niya habang pikit parin ang mga mata.

"Tskkk hindi naman ako aalis ehh magtitimpla lang ako ng kape." sabi ko sa kaniya habang niyakap siya pabalik.

Hala ba't kusang gumagalaw ang katawan ko at at at niyakap ko siya pabalik. Oo niyakap ko siya pabalik.
Nagiging Tanga na ata ako pagkasama siya.

"Ibig sabihin ba nito mahal mo na ako?" biglaang niyang tanong saka dumilat ang Kaniyang mga mapupungay na mata.

"Hindi no! hindi!, mali ang iniisip mo, ano ahm Kasi ahm baka nalalamigan ka at nakasando ka lang naman." putol putol na sagot ko sa kaniya, buti na lang may naisip akong paraan pheww.

"Tsk itatangi mo pa kahit obvious na sa mga kilos mo." mangisingisi niyang sabi habang yakap parin ako.

Maya-maya pay tumunog ang phone ni Arron.
Kaya bumangon Siya at sinagot ito.
'Tskk kanikanina lang ayaw mong umalis sa tabi ko tas sa Isang tawag lang aalis ka na agad.'

"I'll be right back, just wait for me wife." yan ang mga sinabi niya at saka tumalikod papunta sa sala.

'Babalik daw sinong niloloko mo, magtitimpla na ako sa ngayon ng kape. Tawag well ka muna Jan' 

Habang nagtitimpla ako ng kape narinig Kong babae ang kausap niya.
Syempre hindi naman sa nangengealam pero curious lang ako at parang umuusok ang mga ilong niya habang kausap ang babae sa phone.

"Well, gather all the mens now and I'll be there right away." Yan ang klarong narinig ko habang humihigop ako ng kape.

'Ano ipapasyal niya ako ngayon diba at bakit maaga palang aalis na siya, tas iiwan niya ako dito?'
Pwes sasama ako sa kaniya, at ngayon naman hindi na niya ako kailangan pang gapusin o kung ano dahil nga Amsterdam na to, oo ang pinapangarap Kong lugar.

"Aalis ka? San ka pupunta iiwan mo ko dito?" agad na bungad ko sa kaniya at nakataas ang nguso.

'Totoo naman ehh pinilit niya kong dalhin dito tas iiwan niya lang ako sa araw na papasyal kmi.'

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now