Chapter 21

1.4K 38 0
                                    

REINA

Ng makaalis na ako sa sala ay dumiretso muna ako sa kwarto namin.

Kanina pa ako nag-iisip kung kamusta na si Kuya, okay pa ba siya?, kumakain ba siya sa oras? At kung may trabaho na ba siya.

Matapos kong malaman na buntis ako ilang gabi ko ng pinag-iisipan kung pano ko to sasabihin sa kaniya.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon niya.
Magagalit ba siya o hindi kasi diba siya ang umayos ng kontratang maikasal ako kay Arron upang pambayad sa utang.

Kahit galit ako sa kaniya sa ginawa niya, inaalala ko parin kung kamusta na siya.

Kinuha ko ang phone ko at hinanap sa namelist ng contacts ang pangalan niya.

Ng makita ko na yun ay tinawagan ko siya.
Hindi na ako nagdadalawang isip na kausapin siya dahil namimiss ko na din siya.

*Phone ringing*
.
.
.

"Hello rein? Kamusta?" Bungad niya agad sakin matapos niyang sagutin ang tawag.

Pati rin naman siya nag-aalala na sa akin, akala ko ako lang.

Natural lang naman eh pinasok niya tong gulo na to.
Pero nawala na rin naman ang galit ko Kay kuya.

"Kuya? Mabuti naman po ako dito. Mabait na rin sa akin si Arron. Ikaw po kamusta?" sagot ko sa kaniya.

"Don't tell me nagmamahalan na kayo? Diba ang sabi ko sayo mag-iingat ka sa mga patibong ng gagong yan!" nararamdaman kong umuusok na naman ang ilong nito.

Tskk may pag-asa pa siyang magalit ehh ilang buwan na kaming magkasama ni Arron mag-aapat na buwan na nga ehh di naman siya tumawag sakin.
Kahit na kumapit ako sa pinangako niyang babawiin niya ako kay Arron.

Dahil sa kakahintay ko sa pangako niya, natutunan ko na lang mahalin pabalik si Arron.
At ang mas malala pa sa kakahintay Kong ililigtas niya ako ehh nabuntis pa ako ni Arron.

"Tinatanong ko ho na kamusta ka? Hindi yung tungkol sa amin ni Arron. At tska mag-iisang taon na ngang wala kang aksyon na bawiin ako dito ehh, may gana ka pang magalit sakin." tuloy na pagsabihan ko siya eh totoo naman na pinabayaan niya ako kasama si Arron eh.

Tss talagang nakasaad na hindi natin masasabing pag ang tao ay magbitiw ng pangako gagawin niya ito.
Kasi hindi lahat ng pangako natutupad, minsan itoy napapako.

"Bakit sumuko ka na bang mababawi Kita? Maghintay ka lang malapit na kitang mabawi rein. Kumapit ka lang sa pangako ko. Babawiin at babawiin Kita. 'Wag kang mag-alala okay lang ako at mayron na akong stable job." Hanggang Kailan ako maghihintay sa kaniya? Sa tingin ba niya maliligtas ako sa paghintay kong mabawi niya ako.
Tss si Kuya minsan ehh padalosdalos lang. Kaya nawalan na rin ako ng tiwala sa kaniya.

"Hanggang Kailan mo ako gustong maghintay ha kuya? Hindi ka ba nag-aalala na baka may masamang mangyari sakin dahil lalaki si Arron? Pano pag marape niya ako? San ka? Maliligtas mo ba ako? Kuya ikaw Ang nagdala sakin sa panganib na to diba, kaya nawalan na rin ng tiwalang matutupad mo ang mga pangako mo. Basta ang importante ligtas at nasa maayos ka kuya." Parang binuhusan ako ng isang baldeng tubig sa panahong nagtiwala akong babawiin ako ni kuya.
Bawat gabi natatakot akong kasama si Arron.

I Sold My Dignity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon