Chapter 29

1.1K 26 0
                                    

REINA

Naninibago ako ngayong magsesevenmonths na Ang pagbubuntis ko.
Madalas na akong late gumising at minsan parang gusto kong kumain ng kumain.

Hindi ko nga maintindihan kung normal ba to sa mga buntis.
Siguro kung nandito si mama may mag gagabay sakin.

Dahil sa late na ako bumangon, agad na pumunta ang mga paa ko sa mesa at nakaamoy ako ng mabangong pagkain.

Pagkain talaga ang sumasagi sa utak ko sa tuwing gising ako.

Kaya dahan dahan akong bumangon at naglinis ng sarili pagkatapos dumiretso sa kusina.

Alam kong si Bea ang nagluluto dahil hilig niyang umawit habang nagluluto noon pa man.

Kaya ng makarating na ako sa kusina ay walang dudang siya nga.
Nagtitimpla siya ng kape.
Itong babae na to kahit umaga nagkakape.
Kahiligan niya talaga ang pagkakape kahit noong nag-aaral pa kami.

"Ang aga mo naman madss. Kumain ka na ba?"
Sabay kuha ko ng panslice at strawberry jam.

Nilagyan ko lamang ito ng kaunting palaman at kinain.

"Well sa totoo lng 9 Am na po.. Kanina pa ako nandito mga 7 ng umaga at tsaka may dala akong kiwi Yung hiningi mo sakin nung nakaraang araw.
Andun sa Ref Kunin mo nalang."
Sabay turo ng ref at ininom ang tinimpla niyang kape.

Pumunta ako sa Ref at kinuha ang binili niya.
Iniwan ko ang sandwich na Yun at kinuha ang kiwi dahil gusto Kong kumain nito.
Hindi naman masama dahil fruit din to.

"Salamat pala dito ha...
Hayaan mo pag nanganak na ako, ako naman ang tutulong sayo madss pramiss."
Sabay nguya ng kiwing ibinili niya.

"Maliit na bagay, ano kaba para naman talaga sayo yan, at wag ka ng mag-isip ng kung ano ano.
Ang isipin mo yung nasa tiyan mo.
Siya lng okay."
Tong babae na'to talagang superr dabest.
Malaki na ang utang na loob ko sa kaniya, dahil Isang buwan na akong nakatira sa bahay niyang to.

Hindi ko nga alam kong pano ko siya masusuklian.
Well aalagaan ko na lang si baby ng mabuti. Dahil ito din ang nagpalasaya sa kaniya.

"Kumain ka muna ng agahan. Tama na yang kiwi na yan, hindi naman mabubusog si baby jan kaya kumain kana."
Inakbayan niya ako at ibinalik ang kiwi sa Ref.

Buti nalang dahil nandito si Bea, siya lang ang meron ako kaya masasabi kong swerte pa rin ako kahit na maraming masasamang pangyayari ang naganap sa buhay ko.

Nilagyan niya ako ng kanin sa dining table at inihain ang tenolang manok at chopsuey.
Hindi ako masyadong kumakain ng mga frozen foods dahil naiinis talaga ako sa tuwing naaamoy ko ito.

Kaya madalas akong bilhan ni Bea ng gulay at karne.

Nagsimula na akong kumain at talagang napakasarap ng luto nito.

'Teka teka bakit parang iba ang lasa nito?, parang luto ni.....'

"Madss, ikaw ba ang naluto nito?"
Kunot noo kong tanong sa kaniya.

"Uhmm Oo bagong search ko yan sa YouTube, anoo masarap ba??"
*Bea's mind- sorry Reina dahil nagsinungaling ako sayo..*

Marami talagang nalalaman tong babae na to.

"Masarap siya at siya ang lasang namimiss ko ng tikman...."
Napatigil ako bigla habang pikit matang inaasam ang sarap ng lasa ng tenola.

"May... natikman ka na bang ganiyan ang lasa?"
Di inaasahang yan ang itatanong ni Bea sakin .
Kaya dumilat ako at nagpatuloy sa pagkain.

"Hindi ngayon lng."
Tipid kong sagot upang hindi siya mag overthink sa sinagot ko kanina.

Hindi ko rin alam bakit napakafamiliar ng lasang to.

Siguro namimiss ko na siya.
Hindi pwede wala ng kami.

'Nag move on ka na diba, matagal na..Yan ang totoo Reina...'
Sabay kain ng kanin.

Ipinagpatuloy ko na ang pagkain habang si Bea naman ay umiinom pa rin ng kape.
.
.
.
.
Hindi ko pa kayang masilayan siya, matapos Ang lahat na ginawa niya sa kin.

Ang tanging ikinagalit ko lamang ay ang Hindi ko Siya kayang burahin sa mga memories ko lalong lalo na sa mga bagay na mga ginagawa naming dalawa.

ARRON

"Bea ano? kinain niya ba Ang luto ko?"
Di na ako mapakali sa irereply ni Bea.

Hindi man ito ang kaunaunahang kinain niya ang luto ko pero namimiss ko na kung paano niya ito idescribe at kainin ng Puno ng pagmamahal sa luto ko.

*Text message
*Tone- Lovee may message ka!!! Basahin mo dali...ang bagal naman.. ako na nga!*

Boses Yan ni Reina Yan ang ginawa kong text message tone.
Simula ng maaayos na ang pagsasama namin ni Reina.

Honestly....
I really missed her a lot..
Nawawala rin naman ang pangungulila ko kahit na more than a month na kaming hindi nagkikita palagi ko naman siyang binabantayan.

Ang lahat ng cameras sa tinitirahan niya ngayon ay hawak ko.

Kaya nagagawa ko ring tumawa kahit minsan dahil sa Cctv Cameras.

'Arron kinain niya nga... at namimiss niya daw ang lasa na yun.
Bakit kasi hinahayaan mo siya na malayo Sayo.
Parang napatawad kana rin naman niya kaya Kunin mo na Siya malaki na Ang tiyan niya dahil 7months na.
Anong pang hinihintay mo ha ang mas mapalayo pa siya Sayo?
Tsk tsk tsk ang mga lalaki talaga...

-from: Beabenene'

Matapos kong basahin ang reply ni Bea ay inoff ko na ang phone at muli siyang tiningnan habang sarap na sarap sa pagkain.

Hindi ko mapigilang hawakan ang screen Kong saan ko Siya parating masisilayan.

Isa itong lihim na hindi ko sinasabi kahit Kay Avier o Kay Bea.

'I'm sorry wife for doing this to you. But this is the only way for you to be safe.
I love you'

Lumabas na ako sa kwarto ko at tiningnan ang schedule ng transaction dahil sa Hindi natuloy ang pinlano namin ni Avier noong nakaraan.

Nabalitaan nalang naming namatay ito dahil sa ambush.

Kaya magpaplano na naman kmi muli.

Kinuha ko na Ang tablet at pati ang black blazer ko saka susi ng sasakyan.
Babalik muli ako sa office dahil may meeting pa ako mamayang 10am.

*A miles Past*

....

"Good morning sir! Here's your time schedule for the meetings today.

10:0 Am sa mga stakeholders

1pm naman sa Corpuz Company

3pm sa Kay Sir Avier

Yan lng po sir."

So far hindi naman full ang sched ko kaya after Kay Avier babalik ako sa paghahanap Kay Xander.

He's so wise..
Tskkk maghintay ka lng mahahanap din Kita

"Okay thanks Andie"
matapos sabihin ng secretary ko ay dumiretso na ako sa office ko at balik trabaho dahil 20 minutes nalang magsisimula na ang meeting.

Nasa harap ko parin ang picture ni Reina kung saan nasa gitna Siya ng mga tulips.

Nilagay ko Siya sa office ko after naming umuwi galing Amsterdam.

Since before ito ang nagpapalakas sakin sa anumang trials and burdens about sa company.

'How I wish that you're here beside me, wife..
I missed you so much..
I love you'

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now