Chapter 20

1.5K 36 0
                                    

REINA

Nang makaalis na si Arron ay talagang kumukulo parin ang dugo ko sa kaniya.
Bigla nalang akong nagalit sa kaniya at ewan ko ba kung bakit galit ako sa kaniya.

Pumunta ako sa kusina at naghanap ng suka at asin isasawsaw ko sa singkamas na binili niya.
Pero bago ko kainin ang singkamas syempre naman ipapalinis at pahuhugasan  ko muna sa kaniya.

"Loveeee... hali ka muna dito." nagwawave ang mga kamay ko na nagnanais na papuntahin yung asawa ko.
Syempre gusto ko na siya ang maghugas basta gusto Kong siya ang maghugas at sa tingin ko ay magiging mas masarap yun.

"Wait, coming wife... " Naglakad na ang kaniyang mga paa papalapit sa tinatayuan ko.

Bakit ang bagal naman niya lumakad grrr mas naiinis ako sa kaniya ehh.
'Ano to nagpapapogi sakin? Tskk wag niyang subukan at sa ngayong may nabuo na kami.'

Hayy naku bat nag soslowmo  ang mga lakad niya, ano ba to ang mata ko ang may sira o talagang mabagal siya.

"Arron. Noah. Riego!!!, Nag pafashion show ka ba ano ba 'yan bilisan mo dali!!!" napameywang ako at lumalabas na naman ang dragon sa katawan ko.

Mabilis na naghahabulan ang dalawa niyang paa papunta sakin.

"Eto na po. Bakit ano bang kailangan mo na naman wife? Don't tell me magpapabili ka na naman ng wala sa tindahan??" taas kilay pa itong nakahawak ang kamay niya sa kaniyang baba.

Ayyy talagang ginagalit ako neto!

'Gggrr nakakainis na talaga siya!'

"Bakit naiinis ka na ba sa mga hinihingi ko!? Sino ba ang gumawa nito diba ikaw? Kaya panindigan mo!" parang kalabaw na manunungay ang epekto sakin ng mga asal ni Arron.
Buti na lang dahil tao ako kung hindi talagang susungayin ko siya.

"No...,I mean what can I do for you my precious wife?" sabay awra ng kamay niya habang nakalahad sa harap ko.

Kinuha ko ang tatlong malalaking singkamas at inilagay yun sa mga nakalahad niyang kamay.

Nagmamadali na akong makakain ng singkamas..

"Hugasan mo yan ng mabuti hanggang sa walang lupa ang matitira siguradohin mong walang lupa ha! Kundi lagot ka sakin!"
at tumalikod ako papuntang mesa tsaka ng handa ng sawsawan.

Makalipas ang ilang minuto wala parin si Arron.

Nanaman ang bagal niya talaga kumilos.

Pumunta ako sa lababo at nakikita kong binubrush niya ng toothbrush na bago ata kasi iba ang kulay sa ginagamit namin.
Nagmamadali siyang binubrush yun ng maigi.
Tumutulo na ang mga pawis niya sa kahuhugas ng tatlong singkamas man lang.

Di ko alam kung matatawa ba ako o magagalit sa ginagawa niya ngayon.
Dahil nga sa kanina pa ako naghihintay, naiinis akong hindi parin siya tapos sa paghuhugas ng singkamas.

Kaya pinuntahan ko siya dahil sa hindi na ako makapaghintay.

"Love bat ang tagal mo naman! Ngipin ba yan ba't mo ginagamitan ng toothbrush ha!?" Bigla niyang napalo ng toothbrush yung singkamas ng lumapit ako sa kaniya.

Galit na ba siya sa singkamas ehh parang sinasaktan na nito ang singkamas.

"Wife,, Kasi it's hard  Kunin yung lupa sa mga butas ng singkamas kaya ginagamitan ko ng toothbrush.. ohh heto na tapos na yang tatlo." saka niya inilahad ang tray na may lamang singkamas.

Ano!!
.
.

Wawaiitt!
.
.
.

Hinugasan ba niya talaga to?!
.
.
.
Arron!!
.
.
.

Hinding hindi na ako magpapahugas ng kakainin ko sa kaniya.
Ehh hindi ako satisfied sa paglilinis niya.

(A/N: tskk sadyang maarte ka lang Reina.. )
.
.
.

-try niyo po maglihi author para malaman niyo:)

...

At  bakit may natitira pang lupa sa singkamas, sana ginamitan niya na lang ng toothpaste para mas pumuti.

'ehh sa hindi satisfied sakin yung paghuhugas niya.!'

Kinuha ko yung singkamas at muli itong hinugasan.

'Gggrr ang haba na ng oras na kinunsume niya at bakit hindi parin malinis at puti ang palibot ng singkamas.'

"Ohh what are you doing? Bat huhugasan mo na naman ehh nahugasan ko na yan." Pangangagaw niya ng singkamas sa mga kamay ko habang hinuhugasan ko ito.

Tinapik ko ang hawak niya sa singkamas at saka inalis niya yun.
Ako naman ang kakain ng singkamas kaya gagawin ko ang gusto ko.

Wala siyang imik kundi nagsabi lang ng katagang 'okay' at saka tumalikod siya paalis sa akin.

Pinaalis ko na siya at muling hinugasan ang singkamas hanggang sa itoy naging maputi ng subra at maging satisfied na sakin ang linis niya.

Sinlice ko na ang tatlong singkamas pagkatapos inilagay ko sa mesa.

Hindi ko na alam kung san na si Arron dahil pinaalis ko.
Tskk sino bang hindi maiinis ehh hindi gaanong linis ang paghuhugas niya sa singkamas.

Basta ang importante kakain ako ngayon ng singkamas.
Halos isang mangkok ang hiniwa Kong singkamas at subra akong nasasarapan sa tingin palang.

Dahil sa hindi na makapaghintay ang bunganga ko na makatikim ng singkamas ay kumain na ako ng isang slice.

Sinawsaw ko muna yun sa ginawa Kong sawsawan at kinain.

'super ang sarap at nakakatakam. nabusog na ako sa isang slice.'

Paulit ulit ko inamoy ang mga singkamas at hindi na ako kumain muli matapos ang isang slice.

Kaya tinawag ko si Arron baka gusto niyang kumain ng singkamas.
Kasi busog na ako sa kinain ko.

"Lovvee, punta ka nga dito." Hindi ko siya hinahanap bagkus tinatawag ko nalang Kasi naman pupunta din Siya agad agad.

Lumabas na siya galing sala  at  may kausap sa phone niya.
Pinatay niya muna yun at mabilisang humakbang ang dalawa niyang paa papalapit sa akin.

Mabuti naman at natutu na siya kapag tinatawag ko siya.

"Yes, wife what's wrong?" Umupo siya sa silyang katabi ko.

"Kainin mo na lang tong hiniwa kong singkamas busog na ako ehh." Inilahad ko ang singkamas at inilagay yun sa harap niya.

"Again??.. nakita Kong Isa lang Yung kinain mo busog ka na?" minamasdan pala ako neto.

"Kasi nga busog. na. ako. Basta sayo na Yan lahat kumain ka ng marami ha makabubuti Yan Sayo." Tumayo ako at hinalikan siya sa pisngi tsaka tinapik ang Kaniyang mga balikat.

"Tataba ako sa ginagawa ng babaeng to!." mahinang salita ang kaniyang binitawan sabay kamot sa kaniyang ulo.

Akala niya siguro hindi ko maririnig.
Muli akong bumalik sa kaniya at nagbitiw ng mga salitang.

"Dahil mahal kita kaya pinapakain Kita ng prutas at tska healthy yan. Bye. Love you."

Wala siyang sinabi kundi tumango lang at hinalikan ako tsaka nagmukhang lantang gulay ng ako'y makaalis na sa harap niya.

Tss natural lang na siya ang kaagapay ko sa paglilihi ehh pano ang hirap naman maglihi.


A/N:

Thank you for reading my story!.
Until next episode God Bless...

Lapag lang kayo ng kumento niyo wag kayong mahiya dahil open si author.

'XX'

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now