Chapter 28

1.2K 24 1
                                    

AVIER

Nandito ako ngayon sa loob ng bar na palagi naming pinupuntahan ni Arron. Ang Costa Bar, ito ang nag-iisang sikat na bar na kung saan nangyayari ang lahat ng malagim na ganap.

Mayroon itong 4 rooms para sa mga VIP at isa na dito ang room namin ni Arron.
It's been so many years na palagi kaming tumatambay sa bar na ito. Simula nung maligtas ko Siya sa isang aksidente naturingan na niya akong parang tunay na kapatid. Pero ang lahat ng ito ay isang matagal na lihim na hindi alam ni Reina.

Magkaibigan na kami ni Arron nung hindi pa niya Kilala si Reina. Wala naman talaga akong balak o plano na ipalam Kay Arron na mayron akong kapatid na babae, dahil ang bilin sakin no Dad ay huwag ipagsabi na may anak Siyang babae. Itinatago niya si Reina dahil sa isang napakamahalagang sekreto. Sekretong tungkol sa kanilang tatlong magkakaibigan.

Ako lamang ang pinagsabihan ni dad ng kanilang sekreto. Dahil ako mas matanda ako sa mga anak ng kaniyang kaibigan kaya naabutan ko kung ano ang mga plano nila noon.
Habang sila'y nag-uusap sa room ni Dad aksidenteng naglalakad ako papasok ng kwarto ko ng marinig ko na may kausap si Dad sa kaniyang room. Dahil sa bata pa, 8 yrs. old, kusa akong lumapit sa pinto nito at nakinig sa mga pag-uusap nila.

*Flashback*

Ron (Ronald) malaki na si Avier Kailan mo balak umalis?

-Naghihintay pa ako ng tamang oras.
Al(Alejandro-).

Paulitulit kong sinasabi sa kaniya Al na umalis na  hanggat maaga pa dahil ikapapahamak ng mag-ina niya kung ipagpatuloy niya pa ito.


Nagpaplano ako na magpatayo ng Isang negosyo Xan(Xandrino) kahapon ko pa gustong sabihin sa inyo to. Bago ako umalis sa grupo gusto ko sana na may dagdag Kita ako bilang Isang engineer.

Maari kitang tulungan Jan, kung papayag ka sa iooffer Kong Plano?
-Xan

Well pwede ka naman magtrabaho sa Company ko, pwede naman kitang Kunin na engineer sa Company ko Ron.
At mas makabubuti Yun dahil hindi ka na mahihirapan.
-Al

Sang-ayon din ako sa offer mo Al kung gugustuhin mo din Ron handa akong tumulong.
-Xan

Salamat sa inyong dalawa, hindi ko pa masasagot yan pag-isipan ko muna.
-Ron

*Phone ringing*

Mauuna na ako sa inyo Al tumatawag na si Misis alam mo naman.

Tskk pag si Misis niya ang tumawag alistong uuwi yan siguro ipapasundo na Ang anak niya sa paaralan.
-Ron

Sinabi ko ng ako lng ang kakausap Sayo eh Kasi susunduin pa niya si Arron pero ayaw niya gusto niyang puntahan ka sa iooffer niyang trabaho sa Company.
-Xan

Gusto ko sana ng negosyong ako ang hahawak, maganda rin naman ang offer niya.
-Ron

Maganda rin kung uutang ka sa kanya at tutulungan kitang lumago ang negosyo mo. Matanda na ako sa usapang negosyo Ron makasisiguro na ako na success ang Plano ko.
-Xan

Bakit hindi natin sabihin kay Al, Xan?
Para malaman niya ang plano mo, sigurado akong tutulong Yun.
-Ron

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now