Chapter 23

1.3K 27 2
                                    

REINA

Tunay nga ang kasabihan na hindi natin alam ang bukas.
Matapos ang nangyaring hindi ko inaasahan, parang wala na akong saysay sa mundong to na mabuhay pa.
Kung hindi lang dahil sa magiging anak ko siguro tumalon na ako ngayon sa bangin.

Sino pa ba ang may ganang mabuhay sa mundo kung nabubuhay ka na wasak ang puso?.

Minsan lang naman ako nagmahal, at bakit napakasakit ng kapalaran sa akin.

Sa kaunaunahang pag-ibig na inalay ko sa taong una Kong minahal hindi ko inasahang ito ang mangyayari.

Masakit pala ang masaktan.
Ngayon lang ako nakaranas sa buong buhay ko.
Sana ginawa ko na lang ang sinabi Kong magtatandang dalaga ako.
Dahil ganito pala kasakit ang umibig...

Dahan dahan Kong iminulat ang aking mga mata.
Bumungad sa akin ang kesaming napupuno ng bituwin.

'Nanaginip pa ba ako? Baka panaginip parin to?'

Kinurot ko ang aking pisngi

'Arrayyy'

Muli Kong hinawakan ang aking pisngi.

'Hindi to panaginip. Nasa kwarto ko na pala ako.'

Parang nawawala na ang utak ko, ni kwarto ko ay hindi ko naalala.
Nagising na pala ako matapos akong mawalan ng malay.

At ng bumukas ng buo ang aking dalawang nga mata, nararamdaman kong parang may tubig sa gilid nito.
Hinawakan ko at subrang basa na Pala ng luha ang aking pisngi.

Hindi ko alam na umiiyak ako habang natutulog.
Pinunasan ko na ito at dahan dahan akong tumayo.
Ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo.
Pati tiyan ko ay sumisigaw na rin.
Umupo muna ako Kasi nahihilo parin ako.

Makalipas ang ilang minuto habang nanatili akong nakaupo sa kama hindi ko namalayang nakatulala lang pala ako.

Nawawala na talaga ako sa sarili.
Ang hapdi na dulot ng sakit ay nanatiling nabubuhay sa puso't kaluluwa ko, isang dahilan na subrang hirap kalimutan.

Natatakot akong hahantong sa ikasasama ni baby ang nangyari sakin.
Kaya pinalakas ko ang loob ko.
Sinubukan Kong tumayo ulit at kinaya ko naman.
Naglakad ako palabas ng kwarto at tinawag ko si kuya.

"Kuyaaa..
Kuyaaa.
Kuya Avier nasan ka?"
habang lumalakad ako papuntang kusina.

May pumasok na naman na Kong ano sa utak ko na may gusto na naman akong kainin.
Kahit na ganito ang nararamdaman ko hindi ko maiwasan ang pagkaing gusto Kong kainin.

Kay muli kong tinawag si Kuya.

Maya maya pay lumabas siya galing sala.
Bitbit ang paborito kong fried chicken.

"Ohh Reina bat ka lumabas sa kwarto mo hindi ka pa magaling, dadalhan sana Kita ng paborito mong ulam at alam kong nagugutom kana." Lumapit siya sakin at inalalayan ako papuntang kusina.

Tama nga si Kuya kanina ko pa gustong kumain.
At dahil sa nagugutom ako nawala na rin sa pag-iisip ko ang tungkol sa bastardong..

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now