Chapter 25

1.2K 34 0
                                    

REINA


Kinontact ko na si Bea tungkol sa plano kong doon muna sa kaniya tumira.
Napagkasunduan naming mga 6:00 pm niya ako susunduin.
Dahil 7:30 pm na kung umuwi si Kuya at sa tingin Ko'y bumalik Siya sa bisyo niyang pagsusugal.

Malapit ng mag 6:00 pm at umalis na si Kuya  sa bahay kanikanina lang.
Kaya siniguro kong umalis muna siya bago ko kinontact muli si Bea na sunduin na niya ako.
Lumabas na ako sa bahay daladala ang dalawang maleta at isang bagpack at shoulder bag.
Parang magbabakasyon ako ng mahabang taon sa dala Kong gamit, dahil wala akong planong bumalik pa at masaktan muli ng paulitulit.
Napapagod na rin ako sa mga ginagawa nila.
Nakasuot ako ngayon ng kulay itim na tshirt at itim na jeans na nakasumbrero din ng itim.
Para hindi nila ako mamukaan dahil madami ng tsismosa sa paligid at walang pinipiling oras yan, sumuot din ako ng facemask na kulay itim.
Final na ang plano kong lumayo sa gulo.
Gulong mula Kay kuya at pati na rin Kay Arron.
Kahit pinaplano Kong alamin ang katotohanan pero Wala akong mapagkukunan ng imporamasyon at kakayahan, kung sana hindi kami naghiwalay ni Arron ehh pwede ko sana maiutos Kay Smith na mag-imbistiga sa mga kilos ni kuya at kung Kay Arron naman wala kang makukuha Kay Smith dahil sa napakaloyal nito Kay Arron.
Kahit nga na mismo akong Asawa ni Arron ay hindi niya sinasabihan ng katotohanan patungkol sa tunay na pagkatao ni Arron.
Pero susubukan ko paring macontact si Smith at hihingi ako ng tulong sa kaniya.

Sa ngayon lalayo muna ako sa kanila at mamuhay ng payapa kasama ang magiging anak ko.
Ilang months pa Kasi bago ako manganak, meron pa akong 4 months and a weeks remaining at hindi na ako nakakapagcheck up, umaasa nalang ako Kay God kaya mas ikasasama ni baby kung mananatili pa ako sa subrang gulo na buhay.
At isa pa ayaw kong lumaki Siya sa ganiyang buhay.

Matapos ang ilang minutong paghintay ko Kay Bea nasa labas na ako ngayon ng bahay at huminto sa harap ko  ang isang itim na kotse, hindi ako nagkakamali kotse to ng dad niya.
Bumukas ang pinto nito at bumungad sakin si Bea.
Tinulungan na niya akong kargahin ang gamit ko at ipasok sa kotse.
Sumakay na ako sa front seat at nagsimula na ang plano kong paglayo.

Napakahabang byahe  na ang tinahak namin at mahigit anim na oras na ang pagmamaneho ni Bea, ngayon lang akong hindi natulog sa byahe kahit na noon hindi pa nga isang oras tulog na ako.

Nanatili akong nakatitig sa bintana.
Lumilipad ata yung utak ko, hanggang kailan pa ba ako magiging ganito.
Haysssttt lilipas din to.
Hindi ngayon pero malapit na.

Napagtanto kong parang iba ang direction ng pagmamaneho ni Bea at hindi naman ganito kahaba ang byahe papuntang Damar Kasi nasa Rizal kami at ang alam ko 1 hour and a minutes lang ang byahe eh.
Alam ko kasi kung san ang bahay niya itinuro sakin ni kuya ang location nito ilang araw makalipas bago kami mag-away.
Pero napapansin kong parang hindi to ang daan patungo sa bahay niya.

"Mads teka teka, ba't parang iba ata ang direksyon mo. Diba hindi to ang daan papuntang Damar ?" Hinawakan ko ang braso niya at curious na naghihintay sa magiging sagot nito.

"Uhmm kasi sa bahay bakasyonan kita itatago. Btw pano mo nalaman ang bahay ko na nasa Damar??,, wait sinabi na ni Avier sayo?  Well yan naman ang inasahan ko kaya hindi na kita kinontact about that. Mayroon kasing binili si dad sa Baguio City at dun Ka muna titira. Hindi na naman dun  pumpunta Sina mom at dad Kasi nag vacation sila abroad.
So safe ka dun trust me pramis mas matatahimik ang buhay mo dun." sabi nito habang nakatotok parin sa pagmamaneho.

"Ahh okay.....
.
.
.
Waittt bakit hindi na kuya ang tawag mo Kay Kuya Avier?? Hindi naman sa nangingialam ako pero umamin ka nga may something ba?" tanong ko sa kaniya.

I Sold My Dignity Where stories live. Discover now