Chapter 1

277 8 0
                                    


"Sure ka bang hindi ka sasama mama?" tanong ko kay mama

"Hindi na, kayo nalang dahil kailangan ako ng lola mo sa probinsya" sagot niya habang nagsisilid ng damit sa bag niya.

"Edi sasama nalang kami sayo" pangungulit ko "Kailangan pala ni lola ng tulong edi sasama ako" dagdag ko pa

Agad na umiling si mama "Sumama kana! Paano yung kapatid mo edi naiwan yan" sigaw niya sakin kaya napanguso agad ako.

Sa totoo lang ay ayokong sumama dahil wala naman akong makakausap doon. Sinong kakausapin ko doon? Buhangin? Aba! May buhangin din naman dito pang mahirap nga lang. Pero pwede na yon. Ano? Mageeffort pa akong bumyahe mula bulacan papuntang bataan para lang kumausap ng buhangin? Tch!

Kung sasama si mama ay baka may tsansa o magkaroon pa ako ng ganang sumama dahil kahit papaano ay may makakausap ako don. Pero wala si mama at yung nakababatang kapatid ko lang na asungot yung kasama tapos gagawin pa akong bantay niyan? Che!

Kahit papaano naman ay libre ako ng entrance ni lola ko sa side ng mama ko. Pero yung pupuntahan ng mama ko ay sa side ng papa ko. Mas close ko yung sa side ng papa ko dahil hindi ganoon ka toxic yung mga kamag-anak namin doon. Hindi naman toxic yung sa side ng mama ko pero masasabi kong may pagiging pakielamera sila. Lahat nalang napapansin nila. Hindi ko nilalahat ah :)

Kilala ko naman ang mga makakasama namin don at isa lang ang close ko! Close ko pero minsan ko lang makausap. Si Carly. Ang pinsan kong bakla. Actually hindi ko siya pinsan pero mas tanggap ko siya as pinsan ko hehe.

Yung iba ay close ko nung bata ako! Pero duh! Dalaga na ako at hindi na ako bata. Masasabi kong nahiwalay ako sakanila dahil sila ay madalas magkakausap sa tinatawag nilang 'GC' na hindi naman ako kasali. Nabanggit lang ni Carly

"Nakaready na ba yung damit mo?" biglang sabi ni mama

Tinignan ko ang dadalhin kong duffle bag at isang eco bag na may lamang chichirya at cup noodles.

Tumango lang ako kay mama at nilapitan yung gamit ko para icheck kung nadala ko ba ang kailangan naming gamitin ni ailee. Pero ganon nalang ang gulat ko nang makitang wala na ang mga gamit ni ailee!

Napatingin ako kay mama at nginitian niya naman ako "Enjoyin mo yung three days kasama ang mga pinsan mo. Alam kong kailangan mo ding magpahinga at magrelax" nakangiting sabi niya sakin kaya napangiti din ako.

"Pero paano si ailee ma?" takang tanong ko

Nginitian niya ako "Ako na ang bahala sa kapatid mo. At saka gusto siyang makita ng lola mo" sagot niya na ikinguso ko

"Hindi manlang ba ako gusto makita ni lola?" nagtatampong tanong ko.

Narinig kong tumawa si mama "Sige na magayos kana dahil alas dose daw kayo ng madaling araw aalis dahil first come first serve daw doon" imporma ni mama kaya napatingin ako sa orasan.

11:30 na ng gabi pero parang hindi ako inaantok. Napatayo ako nang may biglang kumatok sa pinto ng bahay namin at may tumatawag ng pangalan ko.

Tumayo ako at tinignan kung sino yon. Napangiti ako nang makita si carly sa pinto at tinatanong kung okay na daw ba ang dadalhin ko para maisakay na sa jeep. Tumango lang ako at kinuha ang gamit ko tsaka nagpaalam kay mama na aalis na ako.

Marami pang inaantay kaya nagkwentuhan muna kami ni carly.

"Excited kana ba dahil magiging kumpleto ulet kayong magpipinsan?" gaya ng sinabi ko ay hindi naman talaga namin pinsan si carly pero tinuturing ko siyang pinsan.

"Paano magiging excited eh magiging tahimik lang ako don dahil hindi naman kami close" malungkot na sabi ko

"Tiwala lang kase tangek ka. Masyado mong dinadamdam eh" sabi niya sabay tawa ng malakas.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now