Chapter 9

41 3 0
                                    


"Okay ka lang?" tanong niya habang inaabot sakin ang tubig.

Nabigla talaga ako sa sinabi niya. Hindi ko kineri mga mars. Kinuha ko yung tubig na inaabot niya tsaka ininom yon hanggang sa mawala yung nakabara sa lalamunan ko na naging dahilan ng pagkasamid ko.

"Seryoso ka ba?" Nanlalaki ang mga matang tanong ko matapos uminom ng tubig.

"Mukha ba akong nagjojoke?" seryosong tanong niya.

"I mean, bakit gusto mong mag date tayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Kailangan pa ba ng explanation tungkol diyan?" mabilis na tanong niya.

"Sagutin mo nalang!" reklamo ko.

"Manhid" dinig kong bulong niya "Syempre..ano" parang napapaisip pa siya kung sasabihin niya o hindi.

"Syempre ano?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Ano..." nagaalinlangan pa siya.

"Ano nga!" naiiritang tanong ko.

"I like you" biglang sabi niya. Magugulat na sana ako pero naalala kong may isa pa akong tanong.

"Paano?" tanong ko at saka umaktong nagulat.

"Anak ng. Wag na nga tayo mag date!" reklamo niya at agad na sumubo ng pasta.

Natawa ako sa reaksyon niya. Sa kabila ng gulat at kaguluhang nararamdaman ko ay may nararamdaman akong kilig at tuwa sa puso ko. Ngayong alam kong may gusto sakin tong taong to. Kailangan ko nang mag pa hard to get.

"Hindi ako ganun kadali makuha" seryoso kunyaring sabi ko.

"Hindi naman kita kinukuha" sabi niya na ikinabwisit ko.

"Alam mo ikaw" panimula ko at saka tinuro siya sa mukha "Hindi ko alam kung may lahi ka bang demonyo o sadyang ganiyan lang talaga ang ugali mo" naiinis na dagdag ko pa.

"Ano ba kasing gusto mong sabihin?" tanong niya "Gusto mo ligawan kita?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Obvious ba?" sarkastikong sabi ko.

Tumawa siya "Ang tigas mo naman" natatawang sabi niya. Sinamaan ko siya ng tingin at saka ako tumayo.

"Kumain ka mag isa mo!" inis na sabi ko at saka lumakad palabas.

"Joke lang eto naman!" dinig kong sigaw niya.

Pero nagpatuloy padin ako sa paglabas hanggang sa marating ko ang pinag-parkingan ng kotse niya. Pumasok ako at padabog na sinara yon.

Akala ko magiging okay na yung gabi namin eh. Tapos sabay ginulo yung mood. O baka sadyang pikunin lang ako? Ah basta! Bahala siya sa buhay niya.

BWHAHAHAHA dahil alam ko ng may gusto siya sakin ay bahala siyang maghirap diyan. Pinahirapan niya din ako kaka overthink ah bahala ka sa buhay mo ngayon :)

Maya maya lang ay pumasok na siya ng kotse at saka humarap sakin "Alam mo ang pikunin mo" nakasimangot na bungad niya sakin "Pasalamat ka" binitin niya pa ang sasabihin.

"Ano?" nakataas ang kilay na tanong ko.

"Mabait sakin si tita yna" patukoy niya kay mama

"Wow!" nakanganga pang komento ko "Edi si mama yung ligawan mo" dagdag ko pa.

Narinig ko siyang tumawa kaya humarap ako sakanya "See, ang pikunin mo" sabi niya at saka nagsimulang mag drive.

Inirapan ko nalang siya at humarap sa bintana. Hindi ko na kasi mapigilan yung ngiti ko eh. Merong kung ano sa tiyan ko na parang kinikilig na ewan. Bahala na.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now