Chapter 29

40 2 0
                                    


"Kumakain ka ng bata?!" pasigaw na tanong ni carly.

Agad ako nakahinga ng maluwag. Hayop na carly kasi toh! Hindi ko akalaing magsasabi si zel ng biglaan.

Kung ang kaninang reaksyon ng mga pinsan ko at kasama namin ngayon ay gulat, ngayon tawa na at pawang joke lang ang sinabi ni zel dahil sa sinabi ni carly.

"Alam mo minsan napapaisip nalang ako kung belong ba ako dito sa circle na to eh" natatawang sabi ni naya.

"Agree girl, parang nagkasapak na mga tao dito" sulsol naman ni andie.

"Ay wow! Maka sapak akala mo siya wala" parinig ni carly "Pero mabalik tayo sa bata, anong ibig sabihin mo zel?" biglang seryosong tanong ni carly.

Lahat ng mata ay nakatutok ngayon kay zel, inaantay ang magiging sagot niya. Ako ang kinakabahan para sa kanya. Kahit gusto kong sabihin na sa buong kamag anak at kakilala namin ay hindi ko inaasahang magiging ganito kaaga ang pagsasabi niya.

"Sabi ko may bata na sa tiyan ko" seryosong sagot ni zel.

"Bata? As in baby?" nanlalaki ang matang tanong ni abbey.

Nakangiting tumango si zel "Alam ko namang hindi ko maitatago ng matagal sa inyo to kaya mas maiging sabihin ko na ng maaga" sabi niya habang pinipigilan ang luha niya.

"Buntis ka?" gulat na tanong ni andie.

"Wag niyo muna sanang sabihin kila lola at mommy, hahanap lang ako ng pagkakataon para masabi sa kanila" sabi niya at tumango naman ang mga pinsan ko "Wag niyo...rin san...sanang sabihin kay... Kay" nahihiyang sabi niya tsaka tumikhim "kay reijhin" dagdag niya.

Agad kumunot ang noo ni carly, sa lahat siya talaga ang napansin ko "Bakit naman? Wag mo sabihing yung bata sa kanto ang may gawa niyan?" nanlalaki pa ang matang tanong niya

Agad dinampot ni zel ang tsinelas niya tsaka binato kay carly "Kahit kelan wala ka sa hulog!" inis na sabi ni zel na tinawanan lang ni carly "Ayoko na magkaroon ng koneksyon sa kanya kaya please lang wag niyo nalang sabihin" nagmamakaawang sabi ni zel.

Naramdaman ko ang braso ni cavin na yumakap sakin mula sa gilid. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko habang nakikinig sa kwentuhan namin.

Nang matapos ang kulitan ni zel at carly tungkol sa batang dinadala niya ay agad nagrequest sila abbey kay carly.

"Ang tagal ko nang hindi narinig ang boses mo carly, kanta ka naman!" sabi ni abbey kay carly.

"Do re mi fa so la ti do" si carly habang nakatapat sa tenga ni abbey. Agad siyang sinamaan ng tingin neto.

"Pangit kabonding amp" bulong ni abbey at tinawanan lang siya ni carly.

"Dala ko ang gitara ko" biglang sabi ni ivan at tumayo.

Dumiretso siya sa pinagparkingan namin at saka pumunta sa likod ng kotse niya. Kinuha niya ang gitara doon at nang makuha niya ay agad siyang lumapit kay carly at inabot ang gitara sa kanya.

"Hindi ako marunong mag gitara" mataray na sabi niya kaya natawa ako "Ikaw nalang ang tumugtog tapos ako ang kakanta" sabi niya "O kaya ako ang gawin mong kapo para may ambag ako sa tugtugang ito" sabi niya na naging dahilan ng tawanan namin.

"Anong kanta?" tanong ni ivan kay carly.

"All my friend by Aj Mitchell" sagot ni carly kay ivan.

Agad nagstrum si ivan ng kanta. Agad namang sumeryoso si carly at medyo nakakunot ang noo na parang inaalala ang lyrics.

"These rooms got a lot of space Crowded but a lonely place Sittin' at a table full of double dates
And everywhere I go I wanna see your face" panimulang pagkanta ni carly

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now