Chapter 26

35 2 0
                                    

Humiwalay na samin si reijhin tsaka si adam. Sabi nila zel ay pupunta kami sa isang amusement park nagkanya kanya kami ng sakay sa kanya kanya naming kotse. Sinundan namin ang sasakyan ni zel na patungo sa isang amusement park.

Nang makarating ay nag kanya kanya na kami ng park. Nagsibabaan na kami at pumasok sa amusement park na pinuntahan namin. Agad nangunot ang noo ko nang makitang parang walang tao sa loob ng amusement park na yon.

Inilibot ko ang paningin ko at sinilip ang mga stalls sa tabi tabi pero wala akong makitang tao. Hinayaan ko nalang at hindi pinansin na walang tao.

Inaya kami ni zel sa roller coaster na katabi ng ferris wheel. Hindi na ako umalma dahil hindi naman ako ganon katakot sa pagsaakay ng mga extreme rides.

"Walang iyakan ah" sabi ni abbey.

"Baka nga mauna ka pang umiyak eh" natatawang sabi ni zel sa kanya.

"Ang kapal nito" bulong niya kaya agad kaming nagtawanan.

Tatlo kami nila abbey at zel dito sa harap. Ginitna nila ako habang sila naya at andie naman ang nasa likod namin. Sinigurado naming naka safety na ang belt saka namin binaba ang bakal na pangsuporta para hindi ka mahulog.

Dahan dahan munang gumalaw ang sinasakyan namin bago malaglag at dahan dahan muling umakyat. Habang umaakyat ng dahan dahan ang sinasakyan namin ay nilibot ko ang paningin ko. Wala talagang tao.

Natigil ako sa pagtingin sa paligid ko nang biglang bumagsak ang sinasakyan namin dahilan para magsigawan kaming magpipinsan. Parang naiwan yung kaluluwa ko nang bumagsak ang sinasakyan namin! Akala ko hindi ako matatakot. Medyo pala.

Natigil ulit ang sinasakyan namin at bumwelo ulit. Pero this time pinanatili kong bukas ang aking mga mata dahil may kulay puting tela akong nakikita sa tuktok ng ferris wheel. Bago bumagsak ang sinasakyan namin ay nabasa ko ang nakasulat sa tela.

Will

Hanggang sa matapos ang unang ride. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo! Una palang extreme agad! Ang sakit na agad ng ulo ko. Nahihilo at parang gusto kong masuka! Boset.

"Ano sis kaya pa?" tanong sakin ni zel at tumango lang ako.

Sunod naming pinuntahan ang vikings. Mygosh! Hilong hilo na ako, hindi nga ako matatakot pero mahihilo namana ako! Bowsett.

Umupo na kami sa bandang dulo. Bago magsimula ay nilibot ko ang paningin ko. May nakita akong tela sa taas at may nakasulat na..

You

Nagsimula na ang rides namin at nasa bandang gitna na ang pagsakay namin sa rides nang biglang makakita nanaman ako ng tela sa kabilang rides.

Marry

Hindi na takot at hilo ang nararamdaman ko sa pagsakay ko sa ride na ito. Napapaisip na ako sa mga words na nakikita ko sa bawat rides na nasasakyan namin.

Natapos na ang rides namin at nagyaya na si zel na umuwi. May isang salita pa ang natitira sa hinahanap kong tanong. Pero mukhang nagkamali ako dahil nagpaalam na sila at naunang umalis si andie.

Kung ng me ang nakita ko. Siguro naiwan lang yon ng naunang nagpropose. Masyado nanaman akong nagooverthink! Masyadong naging malawak ang imahinasyon ko.

Wala ng sumunod na nangyari. Nagtext nalang sila sakin na nagenjoy sila sa araw na ito. Ligtas naman akong nakauwi sa unit namin. Nang tignan ko ang orasan ay mag aalasais na ng gabi.

Nagdirediretso ako sa pagsakay ng elevator. Hanggang sa makarating ako sa floor kung nasaan ang unit namin. Dumiretso ako sa unit namin at nang buksan ko yon ay napakadilim. Hindi ko pinatay ang ilaw nang umalis ako kaninang tanghali kaya imposibleng patay ang ilaw neto.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now