Chapter 3

69 5 0
                                    


Nang makauwi ay dumiretso na ako sa bahay agad. Unang bumaba yung mga lechugas kanina at ang masama pa ay malapit lang sa amin! Boset.

Nang makapasok sa bahay ay dun ko lang napagtantong wala nga pala sila mama. Magisa lang ako dito sa bahay at hindi ko alam kung kelan sila uuwi.

Hindi kami mayaman pero hindi din kami mahirap. Gitna lang :) Meron akong sariling condo pero minsan lang ako umuwi don dahil maiiwan sila mama at ailee dito sa bahay nang walang kasama. Walang magiging katulong si mama dito sa bahay kung doon pa ako uuwi.

Inayos ko na ang mga gamit ko sa kwarto ko. Pinaglalalagay ko na rin ang mga nagamit kong damit sa laundry basket para malaban kapag hindi na ako tinatamad hihi.

Umupo nalang ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko. Inistalk ko ang mga following ni hunter para mahanap ang account ni cavin at hindi naman ako binigo ng account niya! Salamat hunter magkatuluyan sana kayo ni zel.

Pinindot ko ang account ni cavin at bumungad sakin ang mukha ng isang babaeng mukhang modelo! Tinignan ko ang followers niya at ganon nalang ang panliliit ko sa sarili ko.

@yaoncavin_

Ball is life🏀

2 post           13,549 followers           8 following

Tinignan ko ang isa pang post ni cavin at nakita ko ang dalawang magkahawak na kamay! Nagiging bitter ako! Ilayo niyo sakin tong account na ito kung hindi sasakalin ko yung may ari neto!

In fairness andami niyang followers ah! Sabaok beh! Lumapat ang tingin ko dun sa mukha nung babae. Tinitigan ko ng maigi yon at dun ko lang napagtantong kakilala ko to!

Chineck ko ang following list ni cavin para masiguro ko kung tama nga ang hinala ko at ganon nalang ang gulat ko nang makita ang bestfriend ko! Siya ang girlfriend ni cavin?

Pero teka! Hindi naman si cavin yung kasama niya nung time na may reunion ang batch namin last year! Hindi rin siya yung kasama ni chantal-ang bestfriend ko- nung birthday niya.

Agad kong tinawagan si chantal para makumpirma kung tama nga yung hinala ko. Kung ganitong bestfriend ko pala ang girlfriend niya ay handa akong kalimutan ang nararamdama ko para sakanya :(

Nakadalawang ring muna bago niya sinagot ang tawag ko.

("Hi sky!! Ang aga mo namang tumawag! Anong balita sa outing niyo?") bungad na sabi niya pagkasagot ng tawag.

"Hoy chantal!" biglang sigaw ko "Umamin ka sakin!" dagdag pang sigaw ko.

Ako lang naman ang magisa dito sa bahay kaya okay lang kahit magsisisigaw ako dito dahil wala akong maiistorbo hihi.

("Masakit sa tenga sky tutuktukan kita!") reklamo niya.

"Anong pangalan ng boyfriend mo?" diretsong tanong ko sakanya.

Natahimik sa kabilang linya at wala akong marinig na kahit anong tunog o kaluskos.

"Chantal" nagbabantang tawag ko "Pwede kang magsabi sakin" kalmadong sabi ko.

("Sky") parang maiiyak na tawag niya sa pangalan ko ("Ginawa ko talaga lahat ng makakaya ko promise") kwento niya ("Sa totoo lang ay meron akong dalawang boyfriend") pag amin niya.

Mabait naman si chantal. Sadyang naiimpluwensyahan lang ng mga magulang niya. Ginagamit nila si chantal para sa business nila.

"Ang haba naman ng buhok mong gaga ka" biro ko at narinig ko naman ang tawa niya sa kabilang linya kaya napangiti ako.

("Pero pano ko sasabihin kay cavin na iba ang gusto ko?") parang maiiyak ulit na tanong niya.

Nang sabihin niya ang pangalang cavin ay doon ko nakumpirmang siya nga ang girlfriend ni cavin. Kilala ko ang boyfriend ngayon ni chantal at hindi ko alam na meron pa palang isang boyfriend si gaga.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now