Chapter 27

36 4 0
                                    


Cavin's Pov

"Anong plano mo cavin? Three days nalang at birthday na ni sky" sabi ni juliet.

"Hindi ko pa alam kaya wag ka masiyadong maingay" sabi ko sa kanya kaya natahimik naman agad siya.

Gusto kong maging memorable ang proposal ko peri hindi ko sigurado kung magiging memorable nga ba ito para kay sky.

"Kilala mo ba si chantal?" tanong ko kay juliet

Agad siyang umiling "Hindi bakit?" tanong niya

"Kailangan mo siyang kilalanin" sabi ko "Kailangan ko ang tulong ng mga pinsan niya" dagdag ko pa habang nakatingin sa singsing na binili ko sa paris.

Balak kong magpropose sa kaarawan ni sky. Gusto kong maalala niya ito kasabay ng kaarawan niya.

Mahirap magplano nang dalawa lang kami ni juliet. Agad ko siyang hinatid sa school nila chantal. Nakausap ko na din through call si chantal at pumayag naman kaagad siya sa plano namin.

                              • • • • • • • • • •

Kinabukasan ay inantay kong makaalis si sky bago ko papuntahin ang mga pinsan ni sky at kaibigan niya. Kasama din nila ang kanya kanya nilang partners at hindi ko alam kung bakit kailangang kasama pa nila ito.

"Ano ang magiging plani captain?" tanong ni zel sakin.

"Ayain niyo sanang kumain sa labas si sky. Mga tanghali para maisagawa ko ang pagaayos dito sa bahay" panimulang sabi ko at nagtanguan naman sila "Matapos non ay dumiretso kayo sa amusement park para makita niya ang will you marry me na ididikit sa ibang rides" dagdag ko pa at nakinig naman sila "Palipas lang kayo ng konting minuot bago niyo iwan at hayaang umuwi pero syempre kailangang mauna kayo sa kanya na makarating dito"

"Parang medyo boring" komento ni zel "lagyan natin ng twist" nakangiting sabi niya.

Hindi ko gusto ang pagkakangiti niya pero pagkakatiwalaan ko siya since mas alam niya at mas kilala ang trip ni sky kaya bahala na siya. Nakinig ako sa sasabihin niya.

"Naikwento sakin ni sky one time na may nakilala daw siyang nagngangalang candice" panimula nito at una palang parang ayoko na ituliy ang planong sinasabi niya "Bago ang birthday niya ay kailangan magpakita kayong magkasama kayong dalawa kila sky. Pero syempre kailangan mo ng katulungan sa part na yon at ikaw yon- sorry what's your name again?" tanong niya kay juliet.

"Juliet" nakangiting sabi ni juliet.

"Ayon! Juliet. Pupuntahan mo si sky. Diba ngayon mo palang makikita ulit si sky after bumalik ng memories niya? Good opportunity right?" nakangiting tanong niya "Magkekwentuhan kayo hanggang sa makita niyo sila cavin at gumawa ka ng paraan para mapagaway sila" dagdag niya.

"Bakit niyo kami pagaawayin? Baka mamaya mapikon ang isang yon at mahirap suyuin" sabi ko.

"Trust me in this plan captain" sabi ni zel kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumunod sa plano niya "Kinabukasan ay wag mo siyang babatiin at hayaan mo siyang magoverthink at kami na ang bahala sa ibang plano na labas ka" pagpapatuloy niya.

"Para hindi halata, bakit hindi mo itry na kunyari sinabi mo ang plano sa kanya" biglang sabi ko kay juliet at agad namang nangiti si zel

"Good idea! Para hindi masyadong halata" nakangiting sabi niya "Ikaw na ba ang bahala sa diskarte mo dito o kailangan mo pa ng tulong namin?" tanong niya.

Agad akong nagisip "Yung pagkain lang ang kakailanganan ko ng tulong" sabi ko at agad naman silang tumango.

"Sigirado ka ba sa plano mo zel?" dinig kong tanong ni andie kay zel.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now