Chapter 19

45 4 0
                                    


Natapos ang mga events namin at bumalik sa normal school days ang araw araw namin. Biglang naglabasan ang mga projects at activities na pinapagawa ng mga prof namin.

Naging busy kami nang nagdaang araw dahil sila cavin ay nagpatuloy sa pag t-training dahil may laban sila sa SBL. Pero okay lang sakin na hindi kami masyadong nagkakaroon ng time sa isa't isa dahil alam kong for school naman ang reason non.

Halos palabas labas kami ni chantal ng school dahil panay ang pabili ng prof namin ng mga gagamitin namin for projects. Ang ibang school supplies kasi sa canteen ay pili lang at hindi nila kinukumpleto.

"Nahaggard na ako sis ha" sabi ni chantal habang palabas nanaman kami papunta sa school supplies store na malapit sa school namin.

"For grades" hinihingal na sabi ko.

"Lintek na grades yan eh magtitinda lang naman ako ng isda sa palengke" biro niya.

Agad ko siyang hinampas "Pag yan nagkatotoo ewan ko nalang sayo" sabi ko sa kanya.

"Joke lang naman sis. Edi sana inadvance nalang nila ng announce para kahit papaano hindi ako nageeffort dito na tumakbo takbo" sabi niya

"Ano ka special?" tanong ko sa kanya at saka tinulak ang glass door at saka pumasok doon.

"Oo" sagot niya tsaka sumunod sakin

"Child" dugtong ko kaya hinampas niya ako at tumawa naman ako.

Nang makalapit dun sa tindera ay agad kong nilinga ang paningin ko. Maghahanap na ako ng gamit na pwede kong gamitin sa next sub.

"Dalawa nga pong illustration board na 1/8 tsaka dalawang cartolina na red" sabi ko "Padagdag na din po ng double sided tape at glue stick" dagdag ko pa.

"Ganon na din po ang akin" nakangiting sabi ni chantal

Agad na tumango ang tindera at kinuha ang kailangan namin. Nang makuha ang lahat ay nilagay niya yon sa bukod na plastik at saka kinwenta.

"Magkano po lahat?" tanong ko.

"212 po lahat kasama na po yung sa kanya" nakangiting sabi ni ate at tinuro pa si chantal.

Dudukutin ko na sana ang wallet ko pero agad nanlaki ang mata ko nang makapang wala doon ang wallet ko. Agad akong napatingin kay chantal.

"Bakit?" kunot noong tanong niya

"May dala ka bang pera?" tanong ko sa kanya pero agad siyang umiling.

"Diba iniwan ko ang wallet ko kase sabi mo dala mo naman ang sayo para hindi na tayo babalik ng classroom" sabi niya kaya agad akong napapikit.

Nasa cr kasi kami ni chantal kanina nang maalala kong may pinapadala palang materials ang science prof namin. Saktong wala din siyang dala kay inaya ko siya. Babalik na sana siyang classroom para kumuha ng pera pero agad ko siyang pinigilan at sinabing ako na muna ang magbabayad at bayaran niya nalang ako kapag nakabalik na kami ng classroom. Para derederetso na sana kami.

"Ate" agad akong lumapit dun sa tindera "Pwedeng babalik nalang namin yung bayad?" tanong ko.

"Balikan niyo nalang tong binili niyo mam kapag may dala na kayong pera" sagot ni ate.

"Pero kailangan na po kasi namin yan eh. After sana nung subject nalang namin ibibigay yung bayad" pakiusap ko pa.

"Bakit wala kang pera?" biglang tanong ni chantal.

Agad akong umiling "Nakalimutan kong pinagpalit ko pala ang cellphone ko at wallet ko kanina bago tayo magcr. Nilagay ko sa bag ang wallet at sa bulsa ko naman ang cellphone ko" paliwanag ko.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now