Chapter 12 (Sportsfest)

54 4 0
                                    


Nagising ako dahil may naramdaman akong mabigat sa bandang tiyan ko. Pagdilat ko ay nakita ko yung braso at binti ni cavin na nakayakap sakin. Wala na yung unan namin sa gitna at nasa likod na niya yon.

Tinulak ko siya pabalik sa pwesto niya pero mas humigpit yung pagkakakayakap niya. Aishh! Ambigat kaya. Tinulak ko ulit siya pero hindi niya padin ako binitawan and this time ay siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko.

"Wag mo na ako itulak dahil hindi ako aalis dito" pabulong na sabi niya. Naramdaman ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa leeg ko.

"Mabigat ka kaya" reklamo ko.

"Anong oras na ba?" tanong niya.

Tumingin ako sa orasan na malapit sa pinto ng cr niya "7am" sagot ko.

"Maaga pa" sabi niya at siniksik ulit ang mukha sa may leeg ko.

Mahina kong hinampas yung braso niyang nakayakap sakin "Pag hindi ka umalis diyan sasampalin kita tignan mo" banta ko sa kanya.

"Okay lang" ramdam kong nakangiti siya nang sabihin niya yon.

Itutulak ko sana siya pero biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko yon sa katabi kong lamesa at tinignan kung sino ang nagmessage.

@reizelzelyne: Hindi ka namin maayusan :( may mga tama pa yung mga kasama ko.

@babysky: okay lang :)

@reizelzelyne: I-message mo nalang kami kung saan gaganapin para susunod nalang kami :)

@babysky: noted.

Nang matapos kong ireply ang huling message ko ay agad kong nilapag ang cellphone ko sa bed side table at saka kumuha ng lakas at buong pwersang tinulak si cavin palayo sakin.

Successful ang ginawa ko. Tumatawa tawa pa siya habang niyayakap ang unan. Tch! Baliw. Agad ko siyang hinampas ng unan.

"Bumango kana! Sabi mo may laro kayo ng 11" sabi ko habang hinahampas hampas siya ng unan.

"Teka lang" sabi niya at pumikit ulit.

"Bumangon kana!" sigaw ko sa kanya.

"Ikaw nalang kaya ang maglaro" reklamo niya.

"Ah ganon?" nakataas ang kilay na tanong ko.

Agad siyang tumayo at ngumiti sakin "Joke lang!" sagot niya at dumiretso sa banyo sa labas.

Ako naman ay dumiretso sa banyo ng kwarto at saka naligo. Ako lang ang mag aayos sa sarili ko dahil wala sila zel. May mga hangover pa.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasang maalala yung deal na ginawa namin ni cavin. Ready na ba ako? Mananalo ba sila?

Nang matapos maligo ay lumabas na ako. Naabutan ko si cavin na nagsusuot ng sapatos niya habang nakaupo sa gilid ng kama na nakaharap sakin. Naka jersey shorts siya tapos naka black shirt.

Nang mapansin ako ay agad siyang tumayo at lumapit sakin "Mauuna na akong umalis sayo kasi may practice pa kami bago magsimula yung laro. Wag kang magdadala ng sasakyan dahil sabay tayong uuwi" nakangiting sabi niya. Tinanguan ko naman siya. "Ingat ka ah" pahabol na sabi niya at kinuha na ang bag at susi niya.

Nang makalabas si cavin ay agad akong nagtatatalon! Kinikilig ako mga beh! Kahit kinikilig ay mabilis akong lumapit sa cabinet namin at kinuha ang damit ko.

Ang sabi ni thea sakin ay kailangan nakabihis na daw kami kapag pumunta doon. Wala daw magaganap na q and a saming mga muse. Dahil magfofocus daw sila sports dahil apat na school ang maglalaban laban.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now