Chapter 20

40 2 0
                                    


Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil may aasikasuhin kami ni chantal na performance sa History. Nagpaalam ako kay cavin na papasok na ako. Gusto niya pa akong ihatid pero sinabi kong ako nalang dahil baka pagod siya sa training niya kagabi. Alas otso na siya nakauwi kaya paniguradong pagod to.

Nagabang ako ng jeep pero walang dumadaan kaya wala akong choice kung hindi sumakay ng tricycle. Hindi ako pwedeng magantay pa ng jeep dahil baka malate pa ako sa usapan namin ni chantal.

Pagkasakay ko ay agad kong sinabi kay kuyang driver ang school ko tsaka niya pinaandar ang tricycle. Nang makarating sa school ay agad akong nagbayad at patakbong pumasok.

Dumiretso ako sa gym at naabutan ko doon si chantal na gumagawa ng props. Agad akong lumapit sa kanya at binaba ang bag ko sa monoblock chair na nasa tabi.

"Goodmorning" bati ko sa kanila.

Agad akong tiningala ni chantal "Goodmorning" nakangiting bati niya din "Sky pwedeng pakiasikaso yung mga speakers?" sabi niya at agad naman akong tumango.

Dumiretso ako kila rhea at nevi na kinakausap ang staff ng school namin. Paniguradong sinasabi na nila kung ano ang gagawin namin at kung anong kailangan namin.

"Ano pang kailangan?" agad na tanong ko nang makalapit sa kanila.

Agad na humarap sakin yung dalawa pati nadin yung staff "Absent daw si miss grace ngayon kaya hindi matutuloy ang performance natin ngayon" sabi ni rhea kaya agad nanlaki ang mata ko.

"Meron po ba siyang sinabi sa inyo? Binilin or what?" tanong ko sa staff.

"Ang sabi lang po ni miss grace sa amin ay sabihin sa inyo na hindi matutuloy ang gagawin niyo dahil hindi siya makakapasok" sabi nung staff.

Sabay sabay kaming napabuntong hininga at saka naglakad palapit sa mga kaklase namin na busy gumawa ng props.

"Ano sky? Okay na ba yung mga speaker? Hindi ba sabog or mahina?" tanong ni chantal nang makalapit kami.

Agad inexplain ni rhea yung napagusapan nila nung staff ng school at kagaya namin ay nadismaya at nagulat sila dahil sayang yung effort namin. Maaga kaming pumasok para maging maayos ang performance namin ngayon tapos ganon lang?

Habang nakatulala dun sa mga props na bulaklak at mga dahon dahon ay may agad akong naalala.

"Hindi ba sabi ni miss mariano na wala siya next week?" tanong ko sa kanila kaya agad silang humarap sakin.

"Miss mariano? Artista ba yun?" tanong ni nevi kaya hinampas ko siya sa braso.

"Si miss mariano music teacher natin" sabi ko kaya natawa siya.

"Oo sabi niya wala siya next week at hindi niya alam kung paano natin magagawa an-" napahinto si chantal sa sasabihin niya nang may maalala siya "Bakit hindi natin kausapin si miss mariano ngayon na pwede nating gawin yung performance natin sakanya?" agad na tanong niya.

"Paano naman yun eh hindi naman tayo nagpractice?" tanong ni rhea.

"Kakausapin nga muna. Paladesisyon ka sa buhay mo. Ano gusto mo ngayon na agad?" sarkastikong sagot ni nevi sa kanya.

"Edi sky at chantal puntahan niyo na si miss mariano para malaman na natin yung gagawin natin" sabi samin ni rhea.

Agad na pinatigil nila nevi at rhea ang mga kaklase namin sa paggawa ng props. Para sana yon sa acting namin. Iaact namin yung lesson namin sa history kaso hindi dumating si miss grace kaya hindi na namin magagawa.

Dumiretso kami sa faculty room kung nasaan si miss mariano at nadatnan namin siyang nagkakape at may binabasa sa libro. Nang makita niya kami ay nagulat siya.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now