Chapter 17

45 3 0
                                    


2015

Kakatapos lang ng subject namin at palabas na kami ng classroom ngayon. Kasama ko si juliet na dala dala ang science project nila. Tapos na kasi ang project namin at naipasa ko na kahapon pa kaya wala na akong problema ngayon.

Nang makalabas ng classroom ay may mga lalaki nanaman na nagaabang sakin. Paulit ulit ko nalang sinasabi sakanila na ayoko nga magpaligaw!

"Hi sky" sabi ni jonathan at inabot sakin ang isang bulaklak. Napairap ako sa hangin bago yon tinanggap.

Bago pa ako makalakad ay may nagabot nanaman sakin ng bulaklak "Mukha ba akong patay?!" pasigaw na tanong ko "Kahapon niyo pa ako binibigyan ng bulaklak! Baka sa susunod na pagbigay niyo ng bulaklak sa kabaong ko na!" inis na sabi ko tsaka padabog na naglakad.

"Masyado namang mainitin ang ulo mo ghorl, gusto mo ibigay mo na sakin ang iba" sabi ni juliet.

Agad akong tumingin sa kanya "Kunin mo na parang awa mo na" nagmamakaawang sabi ko at tumawa naman siya.

Paniguradong papagalitan ako ni daddy kapag nalaman niyang may mangliligaw sakin. Sagabal lang daw yon sa pagaaral kaya hindi na dapat pa inaatupag.

Nang makarating sa Scilab ay agad pumasok doon si juliet para ipasa ang kanilang project. Kasama niya ako sa paggawa ng project na yon kaya dapat may grades din ako.

"Tara" aya niya nang nakalabas na siya ng scilab.

Dumiretso kami sa labas dahil may nakita kaming sorbetes. Eto ang paborito naming ice cream ni juliet dahil special ice cream siya

Habang kumakain ng ice cream ay may narinig kaming tilian ng mga babae. Yung tilian na akala mo artista ang sinisigawan. Agad kaming napatingin ni juliet sa harap para makilala kung sino at agad napairap nang makilala kung sino yon.

"Hi sky. Namiss mo ba ako?" tanong ng pating.

Nakataas ang buhok niya na akala mo eifel tower. Meron pang nakalagay na shades sa bandang gitna ng v line ng damit niya habang nakasunod sa kanya ang mga aso niya.

"Hoy vin! Chocolate?" biglang sabi ni juliet.

"Dalhin ko sa classroom niyo bukas" nakangiting sabi niya "Pwede ko na bang kausapin ang daddy mo?" tanong niya.

Agad umasim ang mukha ko "Bakit mo kakausapin ang daddy ko?" tanong ko.

"Para tanungin kung pwede kang ligawan" sagot niya.

"Hindi na bale" sabi ko.

"Bakit naman? Papayag ka na ligawan kita kahit hindi alam ng daddy mo?" nanlalaki ang matang tanong niya.

"Hindi! Baka mamaya mapagkamalan ka pang aso ng daddy ko, isama mo pa yang dalawang aso-ngut na nakasunod sayo parati!" pasigaw na sabi ko at saka naglakad palayo.

Narinig ko ang tawanan sa paligid. Lagi talagang kumukulo ang dugo ko kapag kausap ko tong pating na to! Hindi ako natutuwa sa ginagawa niya. Mukha siyang pating tch!

"Bakit naman pinahiya mo. Wala pa nga yung chocolate natin eh" bulong ni juliet habang naglalakad kami pabalik ng classroom.

"Maraming chocolate sa bahay juliet! Kung gusto mo dadalhan kita bukas" pairap na sabi ko.

"Joke lang eto naman!" sabi niya.

Nang makalabalik sa classroom ay saktong dumating at teacher namin sa Mapeh. Music ang topic namin ngayon kaya may dalang instruments ang mga kaklase namin.

"Ms. Gonzales at Ms. Doriano, asan ang mga instrument niyo?" masungit na tanong samin ni sir pablo.

Sasagot na sana ako kaso biglang nangibabaw ang tunog ng ukelele sa labas ng classroom. Napasilip ang lahat doon at nakita namin si vince na tumutugtog sa labas na may gitara pa sa tabi niya

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now