Chapter 16

45 3 0
                                    


Kinabukasan ay nagising ako dahil sa amoy ng maasim na sinigang. Agad akong bumangon at dumiretso sa banyo tsaka naghilamos. Nang matapos akong maghilamos ay agad akong lumabas at dumiretso sa kusina.

May nakahain nang pagkain sa lamesa pero wala doon si cavin. Nasa sofaa siya at nanonood ng tv. Merong pagkain sa center table pero hindi pa nagagalaw yon.

Kumuha ako ng plato ko at saka naglagay ng pagkain doon. Matapos kong magsandok ay tumabi ako kay cavin sa may sofa.

"Goodmorning" nakangiting sabi ko sa kanya.

Parang wala siyang narinig. Nang sumubo ako ng pagkain ay doon niya lang ginalaw ang pagkaing nasa center table. Mag g-good morning sana ulit ako sa kanya kaso bigla siyang tumayo at lumipat sa lamesa.

Agad akong napanganga dahil sa inaakto ni cavin. Ang childish niya!!! So hindi niya ako kakausapin and papansin dahil sa naging away namin kahapon?

Okay! Dahil hindi ako marunong manuyo, bahala siya diyan magtampo basta ako hindi ako manunuyo dahil never pa akong nanuyo ng lalaki tse!

Dahil sunday ngayon ay wala kami masyadong gagawin. Dumiretso nalang ako sa kwarto ng hindi pinapansin si cavin. Tch! Akala niya siya lang ang may kayang hindi mamansin? Neknek niya!

Pumasok ako sa kwarto at namili ng susuotin. Pupunta nalang ako sa unit ni zel baka sakaling may mapala pa ako don. Wala namang kakausap sakin dito kaya doon muna ako.

Naligo lang ako tsaka tinext si zel na pupunta ako ng unit niya. Inayos ko na ang sarili ko tsaka ako lumabas ng kwarto dala dala ang cellphone ko.

Palabas na sana ako ng unit pero may biglang nagsalita mula sa likuran ko na lechugas.

"Saan ka pupunta?" tanong ng impakto.

Humarap ako sa kanya "Doon sa lugar na may papansin sakin" pairap na sabi ko tsaka padabog na sinara ang pintuan bago magdire-diretso sa paglalakad.

Mabilis akong naglakad papubta sa unit ni zel dahil baka mahabol ako ni cavin. Pero nakarating na ako sa unit ni zel nang walang humabol na cavin. Tch! Taas talaga ng pride...ko.

Kumatok lang ako sa pinto ni zel at bumukas naman agad yon. Pumasok na ako sa loob nang hindi siya pinapansin pero agad akong napatigil nang may paa akong makita sa likod ng mini drawer sa tabi ng sofa.

Agad akong napatingin kay zel na may nanlalaking mata na nakatingin doon sa paang yon. Agad akong tumikhim para agawin ang atensyon niya.

"Hindi ko alam na may nagkalat na mannequin pala dito sa bahay mo" natatawang sabi ko tsaka patalon na umupo sa may sofa para maipit ng bahagya ang nasa likod non.

Nakangiti akong humarap kay zel na may nanlalaking mata padin. Ngunit siya sakin nang may nanlalaking mata.

"Baka mapuhing ka, anlaki ng mata mo" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Huh? Hindi ah" nanliliit naman ang matang sabi niya "Bakit ba nandito ka?" biglang tanong niya.

Umakto akong nagulat "Hindi mo ba nabasa ang text ko?" gulat na tanong ko.

Agad siyang napatingin sa cellphone niyang nakapatong sa drawer na malapit sa pintuan.

"Baka hinahanap ka na ni cavin. Alam mo na sunday ngayon. Date diba?" tunataas taas pa ang kilay na sabi niya.

Agad nawala ang ngiti ko "Mukha niya!" sabi ko at saka tumayo at patalon na naupo ulit sa sofa.

"Anak ng! Wag kang tumalon ng tumalon diyan!" pasigaw na sabi niya kaya natawa na ako.

Agad kong isinampa ang tuhod ko sa sofa tsaka akmang sisilip "Ano bang meron dito na parang ingat na ingat mo" nangaasar na tanong ko at sisilip na dapat peri agad akong hinila ni zel.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now