Chapter 22

43 3 0
                                    


Dumating ang linggo at yun ang inaantay kong araw para makausap ang mga pinsan ko. Nagtext ako sa kanila nung wednseday pero ang sabi nila ay busy daw sila at sunday lang ang bakanteng araw nila.

Biglang nagring ang cellphone ko at nang makitang sa gc namin ang tumatawag ay sinagot ko yon agad.

("Amabagal niyo naman magsikilos kanina pa ako nandito") bungad ni zel nang masagot namin ang tawag.

("Malamang bahay mo yan!") sabi ni carly at tumawa naman si zel.

("Bahay ko pala toh?") natatawang tanong niya.

"Papunta na ako zel" sabi ko at pinatay ang tawag.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanila. Siguro hayaan ko nalang kung anong lalabas sa bibig ko.

Pumasok muna ako ng kwarto para magpaalam kay cavin. Tulog pa siya dahil 8 am palang. Bumabawi ng tulog si loko eh.

"Babe" mahina ko siyang tinapik

Sandali siyang umungol bago dinilat ang mata "Hmm?" napipikit na tanong niya.

"Pupunta muna ako kila zel ah may paguusapan lang kaming magpipinsan" paalam ko.

"Sige" sabi niya at niyakap ako tsaka humalik sakin. Tch! Akala mo naman sa ibang bansa pupunta.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Kinuha ko lang ang gamit ko sa sala bago tuluyang lumabas ng unit. Dumiretso ako sa unit ni zel at nang makarating sa tapat non ay kumatok na ako.

Si andie ang nagbukas ng pinto kaya pumasok na ako. Lahat sila ay nandon na malibas sakin.

"Ambagal naman ng papunta mo. Ang layo ng bahay mo teh ha?" sakastikong sabi ni carly.

"Oh ano na nga ba ang atin at nagpatawag ng meeting ang mayora?" tanong ni zel.

Umupo ako sa single sofa bago sumagot "Wala lang namiss ko lang kayo! Ang tagal nating hindi nagkita eh" sabi ko nalang.

Bumuntong hininga si carly "Spill the tea sis" sabi niya kaya wala akong ibang nagawa kung hindi ikwento ang nangyari, na bumalik na ang alala ko at ang naging usapan namin ni ma- tita yna.

"Congrats! You're back!" masayang sabi ni andie.

"Wala beh dun ka sa enemy mo" sabi ni carly sa kanya at pinanlakihan naman siya ng mata ni andie "Ay sorry" biglag bawi ni carly.

"Hoy! Hoy! Hoy! May tinatago kayo samin ah!" biglang sabi ni zel kaya sumingit na din ako.

"Sino kaya yung walang tinatago dito? Hindi kaya ako yun?" patanong na sabi ko.

Agad namang natahimik si zel. Tumingin sila sakin bago hampas hampasin si zel at andie.

"Mga traydor kayo! Anong meron ha?!" sigaw ni carly.

"Ang sakit sa tenga ng bunganga neto" reklamo ni abbey.

"Sows! Di porket nakahanap ng b-" biglang tinakpan ni abbey ang bunganga ni naya.

"Ahh so tagu- taguan lang tayo dito?" nakataas ang kilay na tanong ko "Hindi ba lugi ako dahil alam niyo ang buong pagkatao ko?" dagdag na tanong ko pa.

Nagtawanan sila. So si carly ay alam kung sino ang kay andie. Si naya naman ay alam kung sino ang kay abbey habang ako naman ay alam kung sino ang kay zel.

"Si naya nga eh. Patahimik tahimik lang pero may savior yan" natatawang sabi ni zel kaya nabato siya ni naya ng unan.

"Sabi ko na eh! Hindi talaga matitiis ng maingay mong bibig ang manahimik eh" sabi niya.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now