Chapter 8

49 3 0
                                    


Hindi umalis ng lamesa namin si zel kahit sinasabi naming asikasuhin niya yung mga bisita niya. Ayaw niya daw umalis sa lamesa namin at ang mommy niya nalang daw ang bahala sa mga bisita niya.

Paminsan minsan ay lumalapit ang mommy ni zel samin at tinatanong kung may gusto ba daw kaming kainin o inumin. Sinabi namin na si zel nalang ang pakukuhanin namin kung sakaling may gusto kami.

Biglang tumayo si cavin at sinabing kukuhanan niya daw ako ng pagkain. Pinigilan ko ang ngumiti dahil kasama namin ang baklang magaling mamintas!

"Nako ghurl! Pagpinakawalan mo pa yan ewan ko nalang sayo" sabi ni andie nang makalayo na si cavin.

"Tch! Baka kamo siya ang pakawalan" nagsalita na ang baklang bitter "Wala daw siyang mapapala kay sky eh" sabi niya at saka tumawa.

Inirapan ko lang siya at sinimangutan. Hindi ko alam kung manhid ba tong baklang to o sadyang gusto lang akong binubwisit!

"Wag naman kayong ganyan kay sky" singit ni abbey "Malay niyo naman diba?" dagdag pa niya.

"Malay niyo ano? Iwanan talaga si sky?" sagot ni carly "Hindi ka pa sigurado kung anong tumatakbo sa isip niyan kaya maghinay hinay kang babae ka" sermon niya "Masaydo mong pinapakitang gustong gusto mo siya. Ako na ang magsasabi sayo na masakit yan sa huli" dagdag pa niya.

"Sa tingin ko tama si carly. Mabuti pa munang alamin mo yung nararamdaman niya against you para hindi lang ikaw ang hohopia" sabat naman ni zel.

"Masyado niyo namang sineseryoso yung usapan" singit ulit ni abbey "Wag niyo namang ipressure si sky. For sure alam niya naman sa sarili niya kung anong dapat niyang gawin" dagdag pa niya.

Bigla akong natahimik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko lalo na kung anong kilos ang gagawin ko. Nalulungkot ko at sa kabila ng lungkot na yon ay naguguluhan ako.

Bigla silang nag change topic nang makita pabalik na si cavin. Nilapag niya yung plato na punong puno ng pagkain sa harap ko.

Nanlaki ang mga mata ko at saka tumingin sakanya "Bibitayin ba ako?" gulat na tanong ko.

"Hindi ba't ganyan ka naman kadami kumain sa bahay" sagot niya.

"Pero duh! Ang elegante ko tignan ngayong gabi tapos papakainin mo ako ng ganyan karami?" reklamo ko sakanya.

Narinig kong nagtawanan yung mga tao na nakapalibot sa lamesa namin. Inusod ko yung plato papunta sa kanya at saka humarap kila zel para matalikuran ko siya.

"Hati nalang tayo" biglang sabi niya kaya napaharap ako sa kanya.

Hindi na ako sumagot dahil nagsimula na siyang kumain! Hindi manlang ako muna ang pinaunang kumain. Bastos din tong lalaki na to eh.

Matapos naming magsikain ay kumuha ng alak si zel sa loob ng bahay nila. Paglabas niya ay may dalang isang bucket ng alak yung katulong nila.

"Eto talaga yung pinunta ko dito eh!" masayang sabi ni andie.

Nilapag na nung katulong nila zel yung bucket ng alak sa lamesa at saka umalis. Naunang kumuha ng alak si andie at binigyan ang kasama niya. sunod namang kumuha ng alak sina abbey at naya na sinundan ni carly at zel. Kukuha na sana ako ng alak pero agad akong pinigilan ni cavin. 

Agad ko siyang tinignan ng masama "Bakit?" takang tanong ko sa kanya.

"Baka kung ano ano nanaman ang sabihin mo kapag nalasing ka" sagot niya sakin.

"Tahimik lang ako promise" nagmamakaawang sabi ko "Tsaka wala namang pasok bukas kaya pagbigyan mo na ako" dagdag ko pa.

"Oo nga cavin pagbigyan mo na, minsan lang ulit makainom yan" pagsulsol sakin ni zel

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now