Chapter 11

45 4 0
                                    


Dumaan ang araw na puro school works lang ang iniintindi ko. Ginawa nila kaming busy dahil pagdating daw ng sportsfest ay hayahay ang buhay namin.

Laging maaga umaalis ng unit si cavin dahil sa training nila. Lagi niya din ako dinadalhan ng lunch sa school tuwing tanghali. Siya din ang nagsusundo sakin tuwing hapon.

Ngayon ay wednesday at bukas na ang sportsfest namin. Tatlong araw lang ang sportsfest na yon pero after non ay may tinatawag silang School Basketball League kaya todo talaga ang paghahanda ng bawat school pagdating ng sportsfest.

Wala kaming pasok ngayon dahil ipapahinga daw ng ibang students ang katawan nila kung sakali mang kasali sila sa iba't ibang sports. Katabi ko si cavin ngayon habang kumakain ng chichirya at nanonood ng tv.

"Masarap yan?" sarkastikong tanong ko kaya agad niya akong inalok "Nakaramdam" parinig ko.

Kinuha ko ang cellphone ko nang biglang mag ring yon. Agad napatingin sakin si cavin na parang hinuhulaan kung sino ang tumatawag. Hinarap ko sakanya ang cellphone at pinakitang si zel ang tumatawag.

"Hello?" tanong ko nang masagot ko ang tawag.

("Buksan mo ang pinto! Nandito kami sa labas ng unit mo") sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

Agad akong napatingin kay cavin at tinignan ko siya ng may nanlalaking mata. Hindi pa nila alam na nagsasama kami sa isang unit. Pero hindi naman na siguro big deal sakanila yon dahil alam naman nilang naka arrange marriage kami.

"Bakit?" tanong ni cavin.

Hindi ko na siya sinagot at saka dali daling tumayo. Lumapit ako sa pintuan at dahan dahang binuksan yon. Agad bumulaga sakin ang mga mukha nilang nagtataka nang makita ako.

"Bakit nandyan ka?" agad na tanong ni zel.

"Lumipat kana ba ng unit?" inosenteng tanong ni naya.

Umiling ako sakanila at saka malaking binuksan ang pintuan. Agad kong sinenyasan si cavin na lumapit at sumunod naman siya kaagad.

"Oh my gosh! Magkasama na kayo sa iisang unit?" Tili ni zel nang makita si cavin sa likod ko. Oa talaga!

"Bakit ba nandito kayo?" tanong ko.

"Wow! Para istorbo kami sa araw niyo ah" sarkastikong parinig ni carly.

Natawa nalang ako sa sinabi niya "Pasok kayo" sabi ko at lumabas para hindi ako harang sa dadaanan nila.

"Saan dito, dito?" tanong ni carly habang tinuturo pa ang pintuan ng unit ko at unit ni cavin.

Inirapan ko siya "Malamang dito" sagot ko sakanya habang nakaturo sa loob ng unit ni cavin.

"Aba malay ko ba! Lumabas ka kasi eh" sagot naman niya.

Naunang pumasok si naya at sumunod naman sila. Huling huli na ako pumasok dahil ako ang nagsara ng pintuan. Nakaupo na sila sa sofa ngayon habang nakatingin kay cavin na may kausap sa telepono.

"Huy!" sita ko sakanila.

Agad naman silang tumingin sakin at binigyan ako ng nagtatanong na tingin. Wala akong nagawa kung hindi ang iexplain kung bakit kami magkasama sa iisang unit.

"Ang chaka niyo! Kunyari pang ayaw sa umpisa pero gusto din naman pala" komento ni carly.

"Bakit ba kasi nandito kayo?" muling tanong ko.

"Dito sana kami matutulog sa unit mo para matulungan ka namin bukas. Pero mukhang hindi mo na kailangan ang tulong namin" sagot ni zel.

"Sa unit nalang ni zel kami matutulog" singit nanaman ni abbey. Lagi nalang sumisingit to "Puntahan ka nalang namin dito bukas para maayusan ka namin" nakangiting dagdag niya pa.

Memories With You (SARSA Series #1)Where stories live. Discover now