Prologue

23 2 0
                                    

Masayang naglalakad si Azelianna papunta sa bahay ng kanyang yumaong lola. Nais nyang bisitahin ang kanyang may sakit na lolo. Kasama nyang naglalakad ang mag-asawang Canindo, ang kanyang mga magulang.

"Papa nandito na po kami" dahan dahang binuksan ni Axel ang lumang pinto ng bahay nang kanyang ama. "Yaya where's dad?"

"Nandon po sya sa kwarto nya sir" masaya silang sinalubong ng mayordoma ng bahay.

Agad lumapit sakanila si Azelianna at naupo sa mahabang sofa. "Papa puntahan na natin si lolo. He told me kasi nung last natin syang binisita he would tell me something" nagkatinginan ang mag-asawang Canindo.

"Ano naman yung sasabihin nya sayo Azeng?" Tanong ni Glenna, Axel's wife.

"I don't know. Kaya nga puntahan na natin sya" tumayo si Azelianna "Yaya puntahan na natin si lolo gusto kong malaman kung ano yung sasabihin nya" matamis na napangiti ang mayordoma. Hindi nya mapagkakailang kamukhang kamukha ni Azelianna ang yumao nitong lola.

Agad silang umakyat sa pangalawang palapag ng tahanan. Kahit laging nalilinisan ang bahay hindi pa rin matatago ang kalumaan nito. Agad binuksan ng mayordoma ang pinto ng ikalawang kwarto. Marahang pumasok si Azelianna at inilibot ang kanyang paningin sa paligid.

"Lolo are you there?" Mahinang tanong ni Azelianna. Napakalaki ng kwarto ng kanyang lolo kahit isa lang naman itong natutulog doon. Naglakad si Azelianna papunta sa kama ng kanyang lolo at nakita nya na naman itong nakatingin sa larawan ng kanyang lola. "Hi lolo it's me Azeng, your apo" agad napalingon sakanya ang kanyang lolo. Hindi nya mawari kung bakit na lamang ito biglang tumangis.

"Patawarin mo ako, alam kong mahal na mahal mo sya. P-patawad..." Agad naupo si Azelianna sa malapad na kama ng kanyang lolo.

"Lolo si Azeng po ito. Bakit po kayo nag s-sorry? Are you okay? Wait lang po tatawagin ko si dad—" hindi na natuloy ni Azelianna ang sinasabi ng bigla syang hawakan sa kamay ng kanyang lolo. "Bakit po?"

"Do you still remember what I told you last time?"

"Yes po, sabi mo po may sasabihin ka sakin" umayos ng upo si Azelianna at inalalayan ang kanyang lolo dahil nais nitong maupo sa paborito nitong upuan. "Ano po pala yon lolo?"

"Ikukwento ko lang naman sayo ang buhay pag-ibig ng lola mo bago...bago ko sya nakuha" napahinga ng malalim ang kanyang lolo. Kumuha ng bangko si Azelianna at inilagay iyon sa tabi ng kanyang lolo. "Umupo ka apo at ikukwento ko sayo ang lahat"

Marahang naupo si Azelianna. Hindi nya maitanggi sa sarili na nasasabik na siyang malaman ang buhay pag-ibig ng kanyang lola noon. Marami ng mga katanungan na naglalaro sa kanyang isipin.

"Isa ako sa mga pasaway na estudyante sa aming unibersidad noon. Isang spoiled brat bad boy. Halos lahat kinamumuhian ako lalong lalo na ang lola mo. Ayaw na ayaw nyang mapalapit sa akin. Sino ba naman kasi ang loko na lalapit sa katulad ko?" Marahang natawa ang lolo ni Azelianna. "Hindi ko alam pero bigla nalang ako nagising na mahal ko na ang lola mo. Ginawa ko ang lahat para makuha ko sya. Sinira ko ang realsyon nila ni Clarinza. Malaki ang kasalanan ko sa lola mo, malaki ang kasalanan ko kay Sammie and Clarinza"

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now