Chapter 5 - Friends

14 2 1
                                    

Araw ng huwebes kaya nag babasa ng mabuti si Clarinza sa kanilang pinag-aralan nong nakaraan, paniguradong mag bibigay ng long quiz ang kanilang teacher sa science.

Samatanla, tahimik na pinag mamasdan ni Sammie si Clarinza. Nakikita nya kung gaano ito kapursigido mag-aral. Natutuwa si Sammie dahil iba sa mga nakilala nyang babae si Clarinza. Tahimik lang ang dalaga ngunit napakaganda nito.

"Paniguradong hindi ka mapapasakin hay buhay" bumuntong hininga ang dalaga. "Kung lalake ako paniguradong magugustuhan mo ako hahahaha syempre ako na'to. Matalino ako, gwapo, hindi ganon kayaman pero at least may pera okay na din yon. Marunong mag luto ng pancit canton tsaka dagdag nyo na din yung noodles pati it-"

"Ms. Sammie sino ang kinakausap mo? Ayaw kong isipin na nababaliw na ang anak ni sir. Randney" natigilan si Sammie. Halos lahat ng kaklase nya ay nakatingin sakanya pati na rin ang dalagang kanyang pinapantasya. "Thursday ngayon diba? So may long quiz kayo sa subject ko? Bakit hindi ka nag babasa ng notes mo?"

Napatingin ang lahat sa anak ng mag-asawang Santos nang mag salita ito. "Aba syempre nag mamagaling. Hindi sya nag babasa ng notes nya kasi she can pass the long quiz, right Sammie? Basic lang yon sayo 'cause you are so, so, so...smart, right? Mas matalino ka pa nga kay William James Sidis, right Jasiel? Hahahaha ambisosya"

"Hahahaha ulol" nanlaki ang mata ng teacher nila sa Science. Nag tawanan naman ang mga kaklase nila maliban kay Clarinza na tahimik lang na nakikinig. "Puro ka right ayaw mo ba ng left? Hoy Havier sumusobra kana ah! Bat ba ang pakielamero mo? Kulang kaba sa pansin? Ksp ang peg? Hahahaha big yak sayo! Tsaka hindi ako ambisosya wala naman akong sinabi na matalino ako ah tsaka may pa William ka pang nalalaman. Ikaw lang naman tong biglang pumuputak e!"

"Hindi ikaw yung kausap ni ma'am so better shut up! Wag ka ngang bastos kaya walang nagkakagusto sayo e kasi masyado kang epsi" napatayo si Havier sa kanyang inuupuan. Hindi nag patinag ang dalaga at tumayo din sya "Hindi mo ako matatakot Mr. Santos! Santos ka lang Tolentino ako! Wala sa vocabulary ko ang matakot sa nag ffeeling magaling sa lahat e hindi nga naka pasa sa scholarship ng unibersidad. Iw!" Lahat ng mga kaklase nila napa-ow

"How dare you Sammie Jasiel! Wala kang karapatan na pag salitaan ako ng ganito! Hindi mo ba kilala ang parents ko ha!" Pinigilan ng teacher nila si Havier. Natatakot ang teacher nila na baka makarating ito sa magulang ni Havier at maalis sya sa trabaho. "Malaki ang contribution namin dito sa unibersidad na'to! Kahit anong oras pwede kitang ipachupe dito!"

"Wow" pumalakpak ng napaka lakas si Sammie. Hindi alam ni Clarinza kung kakabahan ba sya sa ginagawa ng dalaga. Santos ang kinakalaban nito hindi kung sino sino lang sa tabi. "Contribution lang pala wews! Akala mo naman sila may ari ng unibersidad! Wews pa ulit"

"Alam mo Havier kung yan lang palagi ang sasabihan mo, ang gagawin mong panakot madali ka talagang malalaos hahahahaha hindi na uso ang ganyan Havier" napatingin si Clarinza kay Havier halatang nagagalit na ito ng husto. "Kung ako sayo gumawa kana ng bago! Duh 2018 na haler"

Akmang susuntukin ni Havier si Sammie nang biglang pumagitna si Clarinza. "T-tama na!" Nagulat ang lahat sa ginawa ni Clarinza. "H-hindi mo s-sya dapat saktan! Bakla kaba?" Nanlaki ang mata ng lahat sa tanong ni Clarinza. Habang si Sammie naman ay pinipigilan ang kanyang tawa.

"W-what did you say?"

"Hindi ako unli call, unli text at sirang plaka para ulitin. Itigil nyo na yan kasi nag babasa ako ng notes ko sa likod! Nakakaistorbo kayo" bumalik sa upuan nya si Clarinza. Tumingin sya kay Havier at ngumiti. "Wag mong saktan si Sammie. Friends na kami nyan. Ayokong sinasaktan ang kaibigan ko"

Bago pa mag salita si Havier ay nag salita na ang teacher nila sa Science. "You two! B-bat ganyan ang inasal nyo? Hindi na kayo nahiya. Sammie ikaw! Kababae mong tao ganyan ka!" Tumahimik lahat ng estudyante ng section A. "Ewan ko ba bat di ka nag mana kay Sir. Randney"

"Guys, ngayon alam nyo na" tumayo si Sammie at kinuha ang bag nya. "Ito ang nagagawa ng pera. Kapag mapera ka ikaw ang pinapaboran. Kapag mapera ka ikaw ang kakampihan kahit ikaw pa ang may mali. Hay buhay napaka powerful talaga ng pera, ano? Hahahaha" bago umalis sa classroom nila ay nag babye pa ito kay Clarinza.

***

Halos usap usapan sa loob ng canteen ang nangyaring sagutan ni Sammie at Havier. Kung anong kutso kutso ang naririnig ni Clarinza sa mga estudyante na naroroon. Gusto nya man sundan si Sammie kanina pero ayaw nyang ipatawag ang papa nya.

Habang kumakain ng biscuit si Clarinza ay may lumapit sakanyang babae. Hindi ito pamilyar sakanya ngunit napakaganda nito. "Hi, may nakaupo ba dito sa vacant sit?" Tanging pag iling lang ang isinagot ni Clarinza.

"Sammie told me na friend ka daw nya that's why I'm here. I want to talk to you" napatingin si Clarinza sa babae. "Sammie is my childhood friend. She's so nice talaga medyo pasaway pero hindi sya nag mamataas. Matalino sya pero wala syang pakealam sa pag-aaral nya. Nawala lang naman yung pag susumikap nya mag-aral when Keila died"

"Bakit mo'to sinasabi sa'kin?"

"Because I want you to know. Keila is her fist love. Naging friend namin si Keila nung grade 1. Sobrang bait ni Laylay at same sayo masipag mag-aral. Habang nasa school noon si Laylay nirape sya ng isang teacher" natigilan si Clarinza. "Tapos...pinatay. Galit na galit non si Sammie pero wala syang magawa. Teacher si Sir. Randney pero wala din magawa. Mapera yung teacher kaya hindi nakulong"

"Itigil mo yan. Di mo'to dapat sinasabi sa'kin"

"Miss, sinasabi ko to sayo para alam mo ang gagawin mo. Ingatan mo ang sarili mo. Sa tingin mo ba't ginusto ni Sammie mapunta sa section A, e wala namang syang pakealam sa pag-aaral nya?"

"Hindi ko alam. Tsaka friends lang kami"

"Uhm yeah" tumayo ang babae at ngumiti sakanya "Friends lang din ba ang tingin sayo ng Tolentino na iyon? Isipin mo ganda. Bye" lumabas na ng canteen ang magandang babae. Hindi alam ni Clarinza ba't sinabi sakanya iyon ng babae.

"Friends lang kami..." Bulong nya sakanyang sarili.

Alam nya sakanyang sarili na hindi nya makakalimutan ang araw na nakita at nag kwento sakanya ang babaeng nag pakilalang kababata ni Sammie. July 23, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin