Chapter 3 - New Classmate

11 2 0
                                    

Maagang nagising si Clarinza at nagluto ng agahan nilang mag kakapatid. Halos walang imik ang lahat habang sila ay kumakain. Gustuhin man ni Clarinza na huwag sumabay sa pagkain ngunit hindi nya gustong mahuli sa unang subject.

"Aalis kana ba Clarinza?" Napalingon si Clarinza kay Ianna, ang kanyang kapatid sa labas.

"Ah oo bakit sasabay kaba? Akala ko ihahatid ka ni papa?"

"Oo nga ihahatid nya ko hahaha ang swerte ko nga naman. Hatid sundo ako ng papa ko"

"Oo nga, aalis na ako Ianna" Gusto mang mainggit ni Clarinza sa kanyang kapatid ngunit pinigilan nya ang kanyang sarili.

Nang makarating si Clarinza sa unibersidad ay agad syang dumiretso sa kanyang classroom. Nasa pintuan pa lamang sya ay narinig nya na ang ang usapan ng dalawang babae.

"Yes, literal na kawawa yung girl. Alam ko naman na nag mamadali din yon kasi tumatakbo sya e"

"Oh e bakit di mo hininto yung sasakyan mo? Naawa ka diba?" Puno ng kuryosidad na tanong ng isang babae.

"Nag mamadali nga din kasi ako. Di naman ako makakabawi sakanya kasi di ko nakita yung peystak nya" tumayo ang babae at akmang lalabas ng classroom ngunit napatigil ito ng makita nya si Clarinza. Maging si Clarinza ay natigilan.

"I-ikaw yung barumbado na nag ddrive ng kotse kahapon?!" Hindi mapigilan ni Clarinza na mainis, ng dahil sa babaeng nasa harapan nya ngayon ay hindi sya nakaabot sa meeting ng Section A.

"Oh wait Clarinza easy ka lang para mo akong kakainin ng buhay ah" natatawang sabi ng babae. "Tsaka di ko naman sinadya yon. Kasalanan ko bang tumatakbo ka don?"

"Oo kasalanan mo! Kasalanan mo talaga! Ano nga ulit pangalan mo? Sammie? Tama ba?" Napatango nalang si Sammie kay Clarinza. "Ikaw Sammie ka dahil sayo di ako nakaabot sa meeting kahapon. Tsaka bat nandito ka sa classroom namin? Parang di naman kita kaklase ah"

Halos lahat ng estudyante na nasa loob ng classroom nila ay napatingin kay Sammie at Clarinza. Ngayon pa lamang nila narinig na magsalita ng ganon kahaba si Clarinza.

"Anong hindi–" hindi na natapos ni Sammie ang kanyang sasabihin ng biglang dumating si Sir. Randney.

Napatingin ang kanilang teacher sa kanilang dalawa na hanggang ngayon ay nakatayo pa din sa harap ng pintuan.

"Anong ginagawa nyo dito Clarinza? Bat di ka pa pumasok sa loob?" Agad natauhan si Clarinza at yumuko. Dahan dahan syang naglakad sa nag-iisang upuan sa likod, ang upuan nya. "Okay class so most of you kilala na ang bago nyong classmate. Pinakilala ko naman na sya sa meeting kahapon. For those na hindi nakaabot or naka attend ng meeting ipapakilala ko sya sa inyo"

"Halika dito Sammie" Lahat ng mga estudyante ng Section A ay napatingin kay Sammie maging si Clarinza. "This is Sammie Jasiel Tolentino your new classmate" Hindi alam ni Clarinza kung bakit sakanya nakatingin si Sir. Randney habang sinasabi nito ang 'your new classmate'

Lahat sila ay napatingin sa kaklase nilang tumayo, isa ito sa nangunguna sa kanilang section. Si Jovihanno Havier Santos.

"Uhm don't get me wrong Sammie pero deserve mo ba talaga mapunta dito sa Section A? Like look ang dami mong issue tsaka we all know na wala kang pakealam sa pag-aaral mo. Ilang beses kana nga dati bumagsak e, diba? So bakit? Bakit nandito ka? Bat ginusto mo mapunta sa Section A?" Halos kalahati sa mga kaklase nila ay sumang-ayon kay Havier.

Napatingin si Sammie sa mga kaklase nya lalo na kay Clarinza. Maging ang dalaga ay hinihintay ang sagot nya. "Kung sa tingin mo ay matalino ka? Hindi. Uhm...educated but not well mannered. Don't get me wrong din Havier pero yaan ba ang asal ng rank 1 since junior highschool? Kung sa tingin nyo ay hindi ako karapat dapat na mapabilang sa inyo. I will prove myself, then"

Napatingin si Clarinza kay Sammie. Tipid itong nakangiti kay Havier na nakaupo na ngayon.

Alam nya sa kanyang sarili na hindi nya makakalimutan ang araw kung saan nakilala nya ang kanilang bagong kaklase at nalaman nya kung sino ang naging dahilan kung bakit hindi sya nakaabot sa meeting. July 20, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant