Chapter 13 - Gusto kita

8 2 0
                                    

Mahigit isang buwan nang tinuturuan ni Clarinza si Yuaño. Hindi naman s'ya nahirapan sa binata dahil madali lang itong matuto ngunit ubod ng katamaran. Naging malapit sila ni Yuaño sa isa't isa. Kahit papaano ay nakalimutan n'ya na ang hindi nila pag papansinan ni Sammie.

Mahigit isang buwan na din silang hindi nag papansinan ng dalaga. Simula noong nakita n'yang may kasama itong babae ay hindi na sila gaanong nag kausap ni Sammie hanggang nauwi sa hindi pag papansinan.

Napatingin si Clarinza sa bumaba sa isang magarang sasakyan. Suot ng simple ngunit mamahalin na damit ay bumaba si Yuaño sa magarang kotse.

Halos araw-araw nang hinahatid at sinusundo ni Yuaño si Clarinza sa unibersidad. Silang dalawa ang halos laman ng usap usapan sa unibersidad katulad ng sila naba o kung may namamagitan naba sakanila. Ang iba ay masaya ngunit mayroon ding naninibugho.

Araw ng linggo ngayon kung kaya't tuturuan ni Clarinza si Yuaño. Kahit papaano ay gumagaan na ang loob n'ya sa binata. Habang nakaupo sa sofa sa salas ng mansion ng pamilya Canindo ay napalinga linga si Clarinza sa paligid. Ilang beses na s'ya nakapasok dito ngunit ngayon ay manghang mangha pa rin s'ya sa desenyo at ganda ng tahanan ni Yuaño.

"Kukuhaan na lang po kita ng tsaa ma'am" ngiti ng isa sa mga kasambahay nila Yuaño. "Mukang matatagalan pa po si Sir. Yuaño sa taas"

"Ano bang ginawa n'ya? Malapit na mag tanghalian pero di pa kami nakakapag simula"

"Ewan ko nga po ma'am, eh. Pag kahatid n'ya po sa'yo dito ay pumunta agad sa taas. Ang sabi n'ya may kukunin lang po s'ya pero halos mag iisang oras na–"

"Sorry natagalan" nag mamadaling bumaba si Yuaño sa hagdan at ngumiti kay Clarinza. Hindi naman maipinta ang mukha nang dalaga. Hindi n'ya mawari kung bakit nagiging mainipin na s'ya kung minsan.

"10 minutes na lang lunch na. Ano bang ginawa mo sa taas at ang tagal mo ha?"

"Ito" binigay ni Yuaño kay Clarinza ang isang maliit na karton. "Buksan mo"

Agad kinuha ni Clarinza sa kamay ni Yuaño ang maliit na kahon at binuksan iyon. Hindi n'ya alam ang mararamdaman. Nasa loob ng maliit na kahon ang isang mamahaling kwintas na ang pendant ay isang maliit na heart.

"Gift ko 'yan sa'yo Clarinza" napatingin ang dalaga kay Yuaño na ngayon ay matamis na nakangiti. "Bukas na ang birthday mo Clarinza kaya 'yan ang gift ko sa'yo. Advance birthday gift"

"Hindi mo naman kailangan bigyan ako nito Yuaño. Sinasayang mo lang ang pera mo" marahang umiling ang binata at hinawakan ang kamay ni Clarinza. "Kung binili mo na lang ng pagkain 'yung pinambili mo sa kwintas na'to edi sana parehas pa tayong busog ngayon"

Natatawang napailing si Yuaño. "Ayaw ko talaga isipin na patay gutom ka"

"Hoy grabe ka! Hindi porket medj close na tayo ginagan'yan gan'yan mo'ko ha" kinuha ni Yuaño ang kwintas sa loob ng maliit na kahon at isinuot yon sa dalaga. Hinawakan naman iyon ni Clarinza at marahang ngumiti. "Sige na nga, thank you"

Hindi na naturuan ni Clarinza si Yuaño dahil agad na silang niyaya ni Lolo Iño na kumain. Nang matapos kumain ay agad inihatid ni Yuaño si Clarinza sa tinitirhan nito. May pupuntahan sila Yuaño kung kaya't hindi matuturuan ni Clarinza ang binata hanggang alas kwatro ng hapon.

"Sige, Yuaño. Salamat ulit sa kwintas ha" ngumiti si Clarinza at akmang papasok na sa bahay ng kan'yang Papa ngunit agad bumaba si Yuaño sa magara nitong kotse.

"All for you, Clarinza" niyakap nito ang dalaga. Gulat man ngunit yumakap pabalik si Clarinza.

Halos ilang minuto pa silang nag usap hanggang umalis na si Yuaño. Napag pasyahan na ding pumasok ni Clarinza dahil sobrang init sa labas. Nang makapasok s'ya sa bahay nang kan'yang Papa ay bumungad sakanya ang stepmother at ang mga kumare nito na nag lalaro ng tong it.

Papasok na lang sana sa kwarto ang dalaga nang mapansin n'ya ang tinataguan n'ya ng pera sa lamesa kung saan nag lalaro ang stepmother n'ya at mga kumare nito.

Agad lumapit si Clarinza at padabog na hinablot ang tinataguan n'ya ng pera. Halos maiyak ang dalaga nang makita na walang laman ito kahit piso. Nag tatakang napalingon sakanya ang mga kumare ng kan'yang stepmother dahil sa kan'yang ginawa.

"K-kinuha n'yo ang pera ko?!" Bulaslas ni Clarinza. Hindi n'ya na ngayon maramdaman ang buong katawan sa galit. "K-kinuha mo ang pera ko?!"

Sa lakas ng pag kakasigaw ni Clarinza ay napababa ang kan'yang Papa at agad s'yang nilapitan nito. "Clarinza ano bang nangyayari–" natigilan ito nang makita na hawak hawak ni Clarinza ang tinataguan ng pera nito na wala nang laman.

"K-kinuha n'yo ang pera ko?! A-alam n'yo ba k-kung saan ko gagamitin 'yon ha!" Halos sasabog na sa galit ang dalaga. Umaagos na rin ngayon ang kan'yang mga luha. "P-para maka alis sa impyernong bahay na'to!"

Agad pinaalis ng stepmother n'ya ang mga kumare nito at hinarap si Clarinza. "Hoy Clarinza na palamunin–"

"Huwag mo akong sasabihan na palamunin dahil sa atin kayo ng anak mo ang palamunin!" Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Clarinza.

"Wala kang karapatan na pag salitaan ng gan'yan ang Mama mo!"

"Mama?! Hahaha wala akong Mama na magnanakaw ng asawa pati pera!" Napa awang ang bibig ng kan'yang stepmother sa tinuruan ni Clarinza. Samantala, natigilan naman ang kan'yang Papa. "Simula ng tumira ako dito tiniis ko lahat! Lahat ng pang aapi! Lahat lahat! Pero ito?! Kinuha n'yo ang pera ko! Ang pinag hirapan ko ng mahigit isang buwan nawala lang ng parang bula!"

"Matatanggap ko pa sana kung nag paalam kayo! Kung sa maayos n'yo g-ginamit yung p-pera ko!" Binato ni Clarinza ang walang laman na taguan n'ya ng pera sa gilid ng kan'yang stepmother. "Siguraduhin n'yong mababayaran n'yo ang kinuha n'yo! Dahil sa oras na hindi n'yo mabayaran isusunod ko kayo kay Mama!"

Agad pumasok si Clarinza sa kan'yang kwarto. Hindi na s'ya nag hapunan at mas pinili na lang na umiyak ng umiyak. Hindi n'ya namalayan na umaga na ng huminto s'ya sa pag iyak.

Alas sais ng umaga ay napag pasyahan na ni Clarinza na pumasok sa unibersidad. Hindi na s'ya nag umagahan dahil ayaw n'yang makita ang mga taong nag nakaw ng pera n'ya.

Katulad kung paano s'ya pumasok noong unang araw na nakilala n'ya si Sammie ay ganoon ang awra ni Clarinza. Tahimik s'yang pumunta sa field ng unibersidad kung saan sila nag fflag ceremony. Araw ng lunes kung kaya't mayroong flag ceremony.

Nang matapos ang flag ceremony ay tahimik lang s'yang pumasok sa classroom nila. Umupo s'ya sa kan'yang upuan at tumingin sa bintana. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam n'ya sa simoy ng hangin.

Hindi namalayan ni Clarinza ang pag upo ng isang babae sa bakanteng upuan na nasa tabi n'ya. Nang akmang aayusin ni Clarinza ang kan'yang palda ay napatingin s'ya sa babae na malungkot na nakatingin sakanya.

Hindi alam ni Clarinza ang mararamdaman. Kung maiinis ba s'ya o magiging masaya. Sa mahigit isang buwan nilang hindi pag papansinan ni Sammie ay alam n'ya sa sarili na namiss n'ya ang dalaga.

"Clarinza sorry" agad nag iwas ng tingin si Clarinza. "Hindi ko kasi alam kung paano ka no'n haharapin. Hindi ko s'ya kaibigan. Nakilala ko lang s'ya no'ng hapon na 'yon"

"Ba't mo ba'to sinasabi? For what Sammie?"

"Kasi gusto kita–ay hindi lang pala gusto. Mahal na kita Clarinza. Mahal na mahal" natulala si Clarinza sa sinabi ng dalaga. "Kaloka talaga dapat sa romantic place ko 'to sinasabi. Ikaw kasi eh!"

"Oh ba't ako?"

"Ginayuma mo kasi ako Clarinza! Alam mo ba nung hindi tayo nag papansinan para akong mag kakasakit sa puso. Ang sakit palang makita ang mahal mo na lumalayo sa'yo tapos may kasamang unggoy"

"Sammie..."

"Wala ka bang sasabihin Clarinza? Like gusto mo rin ako? Ano ba 'yan kahit kailan ka talaga"

"Abnormal ka talaga"

"Alam ko naman na ayaw mo sa mga katulad ko hays sino ba naman ako, 'di ba? Sana pinutok na lang ako sa ku–"

"G-gusto rin kita"

Alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi n'ya makakalimutan ang araw na umamin sila ni Sammie sa isa't isa. September 30, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now