Chapter 4 - Sorry

12 4 2
                                    

"Parang napahiya si Havier kanina bessy" hindi makapaniwalang sabi ng isa sa mga kaklase ni Clarinza. "Parang biglang nag transform sa pagiging tuta si Havier"

Napatingin sakanila si Clarinza. Kahit sya ay di makapaniwala sa nangyari. Kahit isa sakanila ay wala pang kumontra kay Havier. Anak ito ng isa sa mga malalaki ang donation sa unibersidad kaya kahit sino ay natatakot na kalabanin ang anak ng mag asawang Santos.

"True sis, antapang pala ni Sammie. Tsaka mukha syang matalino mag salita" sa hindi malamang kadahilanan ay napangita si Clarinza. Kahit papaano ay sang-ayon sya sa sinabi ng isa nyang kaklase.

Nang dumating na ang kanilang teacher sa math ay agad silang nag balikan sa kani kanilang mga upuan. Napatingin si Sammie kay Clarinza. Nakatingin lamang ang dalaga sa harapan, maayos itong nakaupo at kitang kita ang angkin nitong ganda.

Halos natapos ang subject na walang naintindihan si Sammie. Kanina nya pa pinag mamasdan si Clarinza pero kahit isang tingin ay hindi sya binigyan nito. Hindi nya alam kung bakit anlakas ng dating ng dalaga para sakanya.

Maayos na nakikinig si Clarinza sa kanilang teacher. Last subject nalang kaya nakikinig sya ng mabuti. Hindi nya man gustuhing umuwi sa bahay ng kanyang papa pero gusto nya na mag pahinga. Nang matapos ang klase ay agad agad lumabas ni Clarinza sa kanilang classroom.

Nagulat sya ng makita nya si Sammie sa may hallway. Parang may hinihintay ito at halatang kinakabahan ang dalaga. Magpapatuloy na sana sa pag lalakad ni Clarinza ng bigla syang tinawag ni Sammie. Agad lumapit sakanya si Sammie at ngumiti.

"Clarinza sorry ha" malamig lang na nakatingin si Clarinza kay Sammie. "Nag ssorry ako kasi may kasalanan ako hindi dahil trip ko lang. Dahil sakin hindi ka nakaabot sa meeting alam kong first time mong di nakaabot kaya I'm really sorry. Kung di mo ako mapapatawad okay lang sino kaba?"

"Clarinza"

"Ah oo nga sabi ko nga si Clarinza hehe" marahang ngumiti si Sammie "Pero Clarinza seryoso ako walang halong liquid gas. Sincere tong pag hingi ko sayo ng sorry"

Hindi alam ni Sammie ang gagawin nya halos ilang minuto na pero di parin nag sasalita si Clarinza. "Clarinza hindi ka naman siguro ano yung" tinuro turo ni Sammie ang bibig ng dalaga.

"Hindi ako pipe" ngumiti si Sammie at kumindat kay Clarinza.

"Alam ko. Inaway mo nga ako kanina para ka ngang dragon yung wow ganon anlaking dragon para mo akong kakainin kanina nako nalang mabuti maganda ako kaya di mo ako kinain hays"

"Bat naman kita kakainin? Ang asim mo kaya" napanganga si Sammie sa sinabi ng dalaga. "Tsaka di naman ako halimaw katulad mo"

"S-sabihin mo joke"

"Joke" malamig na sabi ni Clarinza. Pilit nyang pinipigilan ang kanyang pag tawa. Parang nakakita ng multo si Sammie. Mas natatawa pa sya dahil tulo laway na ito. "Tinatanggap ko yung sorry mo okay lang yon. Punasan mo na yang laway mo"

Hindi na napigilan ni Clarinza na matawa nang nahihiyang punasan ng dalaga ang laway nito.

"Sorry ulit ha. F-friends?"

"Friends"

Alam nya sa kanyang sarili na hindi nya makakalimutan ang paghingi ng tawad ni Sammie sakanya at ang araw na naging magkaibigan sila. July 20, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now