Chapter 7 - Mama

19 3 2
                                    

TW. Please note: This chapter may contain some scenes that can make you uncomfortable.

Isang malakas na sampal ang bumungad kay Clarinza pag pasok n'ya sa Bahay ng kan'yang papa. Napayuko ang dalaga at nag patuloy nalang sa pag lalakad hindi pa sya nakakalayo sa ama ay nag salita na ito.

"Clarinza gan'yan kaba pinalaki ng nanay mo?!" Napatingin ang dalaga sa ama. Kahit kailan ay hindi nya gustong idamay ang kan'yang mama. "Yan gan'yan! Napapabarkada ka sa mga tomboy kaya gan'yan! Akala mo ba hindi ko alam na meron kang kalandian na tomboy?!"

"P-papa..."

"Hahahaha hindi na ako mag taka na nag mana ka sa nanay mong malandi–"

"Hindi malandi si mama!" Nag mamadaling lumabas sa kwarto ang kan'yang stepmother at ang kapatid sa labas. "Hindi kami malandi ni mama!"

"Hephep! Anong nangyayari dito? Clarinza?! Ano na naman ito? Kanina pinag taasan mo ako ng boses at ngayon jusmeyo" lumapit ang matapobreng babae sa kan'yang anak. "Mabuti nalang at hindi nagaya sa'yo ang anak ko"

"Mas mabuti pa si Ianna! Kaya sya Ang paborito–"

"Oo...s'ya naman parati! Si Ianna palagi! L-lagi mong pinapamukha sa akin na si Ianna yung paborito mo...n-na 'yang anak n'yo ng kabit mo ang p-paborit mo!" Napayuko si Clarinza, hindi namalayan ng dalaga na umaagos na ang kan'yang luha. "Si mama...namatay si mama ng dahil sa inyo! K-kayo ang pumatay kay mama!"

"Namatay yung nanay mo na 'yon dahil patuloy pa din s'yang nag hihintay sa wala! Kahit alam n'yang hindi na ako sa kan'ya uuwi hinihintay n'ya pa din ako! Ginusto yon ni Clara!"

"K-kasi mahal ka n'ya..." Bumuntong hininga ang dalaga. "M-mahal na mahal ka ni Mama kaya handa s'yang hintayin ka. Ikaw...ikaw parati ang pinipili nyang mahalin" naalala ni Clarinza ang pag dudusa ng ina.

"Ma..." Napatingin si Clara sa anak. Hating gabi na pero nasa labas pa din s'ya ng bahay nila, hinihintay ang asawa n'ya.

"Anak matulog ka ulit. Susunod si mama ha? Sige na" umiling ang batang Clarinza. Tumabi sya sa kan'yang mama at tumingin sa kalsada. "Anak hating gabi na. It's not good for your health kung lagi kang magigising ng ganitong oras"

"It's not good for your health too" ngumiti si Clara sa anak. "Mama ang payat mo na po. Halos luluwa na yung mata mo. Namumutla ka din po"

"Mama bakit si Papa pa? Pwede ka namang mag hanap ng ibang lalake pero bakit sya pa? Mama iba nalang" hindi napigilan ng batang Clarinza na maiyak. "Mama ayaw kong nakikita kang gan'yan. Mama halos liliparin kana ng hangin sa payat. Mama gusto pa kita makasama ng matagal kaya ingatan mo po yung sarili mo"

Marahang tumawa si Clara. Agad s'yang napaubo ng dugo. Nagulat si Clarinza ngunit tumawa lang si Clara. "A-anak..." Hinawakan ni Clara ang dalawang kamay ng anak. "K-kahit masakit. S'ya...s'ya pa din ang pipiliin kong mahalin"

"K-kaya wag mo akong sabihan na iba nalang kasi...si Zino lang ang mamahalin ko. Ang papa mo lang ang m-mamahalin ko..." Napahawak si Clara sa kan'yang dibdib, hindi na s'ya makahinga ngunit pinilit nya pa ding ngumiti sa anak. "Kung mawawala si Mama ayaw ni Mama na iiyak ang maganda n'yang anak"

Bago mawalan ng buhay si Clara ay niyakap n'ya ang kan'yang anak. Malakas na umiyak ang batang Clarinza habang yakap yakap ang walang buhay na katawan ng ina.

"Namatay si mama kakahintay sa asawa n'yang mas pinili ang kabit!" Masamang tumingin si Clarinza sa mag inang nasa harapan n'ya ngayon. "Kayo! Kinuha n'yo lahat ng pag mamay-ari namin ni Mama! Inangkin n'yo lahat!"

Malakas na itinulak ni Ianna ange dalaga dahilan para tumama ang likod nito sa pader. Hindi na nagawang makatayo ng dalaga dahil sa sakit ng kan'yang likuran.

"Wala kang magagawa Clarinza! Kami ang pinili ni Papa...wala kaming pakealam kung namatay man 'yang nanay mo!"

"Hindi namin kasalanang namatay ang kaibigan ko. Nag mamahalan kami ng Papa mo kaya wag mo nang ungkatin ang nakaraan! Past is past kumbaga!"

"P-past..." Mahinang tumawa ang dalaga. "Kahit kailan hindi ko malilimutan kung paano nag dusa kung paano nahirapan yung nanay ko ng dahil sa inyo! Madaming lalake sa mundo pero ang Papa ko pa ang dinali mo! Siguro ito na...ito na yung sign para matuto akong lumaban sa inyo"

Marahang tumayo ang dalaga. "Lagi n'yo nalang binabastos ang mama ko! Si mama na walang ginawa kundi mahalin ka Papa! S-si Mama na walang na tiniis lahat..." Pinunasan ng dalaga ang kan'yang luha. "Sana...sana hindi na lang ikaw yung naging asawa ni Mama. Sana iba nalang! Sana hindi na lang ang walang hiya na Zino!"

"Sana nga Clarinza! Sana nga! Nakakapag salita ka ng gan'yan dahil sa galit mo, galit mo sa 'min pero hindi mo alam yung buong kwento anak ko"

"Mabuti nga at hindi ko alam. Dahil panigurado kapag nalaman ko mas kakamuhian ko kayo" agad ng pumasok ang dalaga sa kwarto nito. Agad s'yang humiga sa kama at umiyak ng umiyak.

***

Araw ng sabado kaya mayroong oras si Clarinza para bisitahin ang puntod ng ina sa Heavens's gate, Antipolo.

"Hi Mama. Pasensya kana po kung minsan na lang ako makadalaw sa'yo. Naging busy po kasi ang anak n'yo pero hayaan mo, Ma. Kapag naka graduate na ako lagi kitang bisitahin dito" nilagay ng dalaga ang hawak n'yang bulaklak sa puntod ng ina.

"Alam mo tita mabait na kaibigan to si Clarinza" napatingin si Clarinza sa kan'yang likuran. Hindi n'ya inaakalang nandito din ang babaeng 'yon. "Anong pinaglihi n'yo sa anak mo hahahaha ang ganda e! Tas ang talino pa nako na lang"

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Binisita ko si Mama" ngumiti si Sammie kay Clarinza. "Aalis na ako ganda baka hinahanap na ako ni Sir. Randney mo hahaha"

Alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi nya makakalimutan ang araw na naungkat ulit ang pag kamatay ng kan'yang ina. July 27, 2018 - August 2, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now