Chapter 11 - Luha

9 2 2
                                    

Napatingin si Clarinza sa repleksyon n'ya sa nakaparadang sasakyan sa harapan ng unibersidad. Araw ng lunes kaya maagang pumasok ang dalaga. Dumiretso s'ya sa kanilang classroom. Bumungad sakanya ang maiingay na kaklase.

Napansin ng dalaga na simula noong lumipat sa section nila ang bent ruler ng unibersidad ay mas umingay ang section nila.

Napailing iling si Clarinza sa sarili. Agad s'yang umupo sa kan'yang upuan. Alas sais pa lang ng umaga pero nangingibabaw na sa buong building ng senior high school ang tawanan at sigawan ng kan'yang mga kaklase. Kung minsan nga ay nakakalimutan n'yang section A sila.

Napatingin si Clarinza sa bintana. Hindi n'ya maitatanggi na hanggang ngayon ay hindi n'ya makalimutan ang kuwento ng buhay ni Sammie, naaawa s'ya sa dalaga. Napabuntong hininga na lang si Clarinza.

Samantala, halos hindi mapakali si Sammie habang naka tayo sa harapan ni Sir. Randney. Halos walang kurap ang kan'yang Papa Tiyo habang nakatingin sakanya.

"May gusto lang akong itanong Jaja" natigilan si Sammie ng marinig ang kan'yang palayaw. Noong s'ya ay nag dalaga hindi n'ya na narinig ang pangalang Jaja.

Yumuko si Sammie at nag salita. "Ano po 'yon?"

"Gusto mo ba si Clarinza?" Sandaling natigilan si Sammie. Agad s'yang umiling upang itanggi. "Tumingin ka sa mata ko at sabihin mong hindi Jaja"

"B-bakit mo ako tinatawag na Jaja...ang sabi mo no'n 'yan ang tawag ni Papa sa akin kaya..." Napalunok si Sammie at pinigilan ang sarili na maluha. "Simula no'ng nag dalaga ako ay hindi mo na ako tinawag sa palayaw ko"

Narinig ng dalaga ang buntong hininga ng kan'yang Tiyo na nag palaki at nag aruga sakanya. "Alam mong may galit ako sa Papa mo, hindi ba? Kaya alam kong naiintindihan mo"

"Pero bakit mo ako tinatawag na Jaja?"

Nagtaka ang dalaga ng biglang tumawa nang malakas ang kan'yang Papa Tiyo. "Jusko ka talagang bata ka! Kahit kailan ay hindi ka pa rin nag babago hahahaha" tumingin ang dalaga kay Sir. Randney "Katulad ng dati ay iniiba mo pa rin ang usapan kapag pinapa amin kita"

Bahagyang natawa ang dalaga. "Eh kasi..."

"Kasi gusto mo nga s'ya? Hays Sammie. Kilala mo si Clarinza alam mong hindi mo s'ya katulad na nag kakagusto sa kapwa babae. Sa tingin mo ba kapag nalaman ni Clarinza na gusto mo s'ya ay gugustuhin ka din n'ya?"

Natulala ang dalaga sa sinabi ng kan'yang Papa Tiyo. Nang matauhan ay agad s'yang tumingin sa mga mata nito. "Wala po akong balak sabihin sakanya"

"Pero malalaman at malalaman n'ya" tumango si Sammie bilang pag sang ayon. Alam n'ya na kahit hindi n'ya sabihin kay Clarinza ay malalaman at malalaman ito ng dalaga. "Pero wag kang mag alala alam natin na walang imposible. Malay mo gusto ka rin ng dalagang gusto mo, diba?"

Lumabas na ng kanilang tahanan si Sir. Randney. Walang nagawa si Sammie kundi ang sumunod na Lang at sumakay sa kotse nito. Ayaw n'yang mag lakad papunta sa unibersidad sa kadahilanan na baka mangamoy putok s'ya sa harapan ni Clarinza.

***

"Clarinza!" Kasalukuyang nasa library si Clarinza at tahimik na nag babasa sa tabi ng bintana ng mapatingin sya sa dalagang tumatakbo papunta sa kan'yang inuupuan.

Napatingin si Clarinza sa librarian at agad sumenyas s'yang sumenyas kay Sammie na hinaan lang nito ang boses. Nang makaupo si Sammie sa bakanteng upuan sa harapan ni Clarinza ay agad itong nag kuwento tungkol sa kung ano-anong bagay.

Nakikinig lang si Clarinza sa kuwento ni Sammie ng bigla itong tumawa ng malakas. Muling napatingin si Clarinza sa librarian na masama na ang tingin sakanila. Muling sinenyasan ni Clarinza si Sammie na hinaan lang nito ang boses.

Muling nag kuwento si Sammie hanggang mapag usapan nila ang tungkol sa pag-ibig. Hindi alam ni Clarinza ang isasagot sa mga katanungan ni Sammie katulad ng kung ano ang gusto n'ya sa isang lalake.

"A-ano ba 'yang tanong mo?" Mahinang tumawa si Sammie dahil parang walang kaalam alam si Clarinza sa salitang pag-ibig.

"Ano nga ang gusto mo sa isang lalake?" Halos ilang ulit n'ya na itong tinanong sa dalaga. "Parang ano like gwapo ba? Mayaman–"

"Wala. Ayoko mag-asawa" pinigilan ni Sammie na matawa sa sagot ni Clarinza. Alam n'yang hindi karaniwan ang kan'yang mga tanong ngunit nais n'yang malaman ang sagot ng dalaga para alam n'ya ang kan'yang dapat gawin.

"I'm just asking kung anong gusto mo sa lalake hahahahaha bat may asawa asawa na 'yan" natawa na lang si Clarinza kay Sammie. Ang pag tawa nito ay nakakahawa talaga.

"Gusto ko eh, bakit ba? Pake mo?"

"Masungit talaga simula umpisa" hindi narinig ni Clarinza ang sinabi ng dalaga.

"Ano 'yon?"

"Wala, ang sabi ko maganda ka" naningkit ang mata ni Clarinza dahilan upang matawa pa si Sammie. Napalakas ang tawa nito dahilan upang lapitan na sila mg librarian.

"You two get out!" Sigaw nito dahilan para tumakbo ang dalawa sa labas. Napailing iling si Clarinza dahil kahit kailan ay pasaway talaga ang kaibigan.

Babalik na lang sana si Clarinza sa classroom nila ngunit hinarangan s'ya ni Sammie. "Pwedeng mag tanong ganda?"

"Tatanungin mo ako kung bakit maganda ako? Kung bakit sobrang ganda ko? Asus syempre ako na'to eh" nag tawanan silang dalawa. Umiling si Sammie at seryosong tumingin kay Clarinza.

"Hindi 'yon" nag taka ang dalaga dahil parang seryoso talaga si Sammie sa itatanong nito. Ngumiti si Clarinza at tumango kay Sammie. "Ano kasi..."

"Ano?"

"Kunwari, kunwari lang ha" tumawa si Clarinza dahil parang ewan si Sammie sa harapan n'ya. "Paano kapag nag kagusto ang kaibigan mo sa'yo? Magugustuhan mo rin ba s'ya?"

"Uhm...depende sa sitwasyon. Kung wala naman akong nakikitang mali para gustuhin din s'ya, why not?" Nakita n'ya ang pag ngiti si Sammie. "Pero wala naman akong kaibigan maliban sa'yo"

Napatingin si Sammie kay Clarinza. Bakas sa mukha ni Clarinza na nag-iisip ito ng mabuti.

"Ayaw kong itanong 'to sa'yo dahil ayaw ko naman na isipin mong kumekeme na din ako. Pero Sammie gusto mo ba ako? Do you like me Sammie Jasiel?"

"Paano kung sabihin kong–" hindi natuloy ni Sammie ang sasabihin nang makita nya si Yuaño papunta kung nasaan sila.

Tulala s'yang napatingin kay Yuaño nang ngumiti ito kay Clarinza at binigyan ng juice ang dalaga. Hindi n'ya gustong isipin na...

"Let's go Clarinza? For sure hinihintay kana ni Grandpa" ngumiti si Clarinza kay Sammie.

"Sige Sammie mauuna na muna kami" hindi pa nakakalayo si Clarinza at Yuaño ay napatingin s'ya kay Sammie. Hindi ito gumalaw sa pwesto nito. Hindi n'ya alam kung bakit tila malungkot ang mga mata at dahan dahang tumutulo ang mga luha nito.

Alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi n'ya makakalimutan ang araw na nakita n'ya ang pag tulo ng luha ni Sammie na hindi n'ya mawari kung ano ang dahilan. August 11, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now