Chapter 9 - Story Time

18 3 2
                                    

Alas dose ng hating gabi ay nagising si Clarinza. Agad n'yang tinignan ang lumang cellphone na pinag lumaan pa ni Ianna, kanina pa ito tumutunog.

"H-hi" panimula ni Clarinza. Kinusot  kusot n'ya ang kan'yang mata. "S-sino to? Wala ka bang orasan? Alas dose singkwenta pa lang"

"Clarinza hahahaha it's me Sammie your gorgeous friend" napabuntong hininga na lang si Clarinza. "Sorry for disturbing you–"

"Nang iistorbo ka talaga! Ang sarap ng tulog ko Sammie Jasiel! Atsaka p-pa'no?"

"Ay yung number mo? Hays Clarinza. Best friend mo ako pero hindi mo pa talaga ako kilala?" Hindi alam ng dalaga kung maiinis ba s'ya kay Sammie. "Haler! Anak ako ng teacher mo at syempre alam ni Sir. Randney mo yung number ng guardian mo atsaka number mo"

"Sabi mo sa akin hindi mo Papa si Sir. Randney..."

"Hay nako!" Narinig ng dalaga ang mahinang tawa ni Sammie sa kabilang linya. "Malalaman mo ang lahat kapag...tayo na"

Hindi narinig ng dalaga ang huling sinabi ni Sammie. Masyado itong mahina para marinig.

"A-ano?" Inaantok na tanong ni Sammie.

"Gan'yan ba talaga ang magaganda? Bingi? Hay di bale wag mo nang intindihin yon. Sige, matulog kana d'yan. Good night ganda" agad pinatay ni Sammie ang telepono. Napahiga na lang si Clarinza at pinilit na maka tulog ulit.

"Clarinza!" Napa bangon si Clarinza ng maramdaman n'ya ang malamig na tubig sa kan'yang katawan. Gulat na gulat ang dalaga dahil basang basa na s'ya ngayon. "Nagpuyat ka bang bubwita ka? Hindi ka ganitong oras nagigising noon? 'Yan ba ang itinuturo ng tomboy na 'yon sa'yo?!"

"Maaga pa para mag away" mahinang tugon ng dalaga. Agad tumayo si Clarinza at pumunta sa salas nila.

Napatingin sakanya ang kan'yang stepmother. "Oh bakit kakagising mo lang? Napaka tamad mo talaga!"

Gustuhin mang sagutin ng dalaga ang asawa ng ama ngunit mas pinili n'yang manahimik. Hindi n'ya gusto masira ang araw n'ya lalo na't may usapan sila ni Sammie na mag kikita silang dalawa sa plaza.

Halos ilang oras nag handa si Clarinza. Hindi n'ya alam kung bakit mas pinili n'yang ayusin ang sarili kaysa gawin ang mabibigat na trabaho sa bahay ng ama. Nakatingin ngayon si Clarinza sa salamin. Pinag mamasdan ng maagi ang sarili.

"Mama kung nandito ka paniguradong matutuwa ka. Look oh, marunong na akong mag ayos ng sarili" mahinang tumawa si Clarinza. Ngumiti s'ya sa reflection ng kan'yang sarili sa salamin.

***

"Sammie nasaan kana ba?! Ang init init dito" kausap ngayon ni Clarinza si Sammie sa telepono. Kasalukuyan s'yang nakatayo sa may sakayan ng tricycle.

"I'm sorry hahahaha takot ka bang umitim?" Narinig ni Clarinza ang malakas na tawa ng dalaga sa kabilang linya.

"Eh, kung hambalusin kita?! Ikaw ang gusto na makipag kita sa akin tapos...nakakainis!"

"Clarinza kumalma ka nga hahahaha" mas lalong nainis ang dalaga dahil mapang asar ang tono ng pananalita ni Sammie. "Papunta na ako–"

"Kanina mo pa sinasabing papunta kana pero until now wala ka pa din! Pinag loloko mo ba ako bent ruler?!"

"Hahahaha grabe Clarinza" patuloy pa din sa pag tawa si Sammie. "Grabe pala mainip ang mga magagandang tahimik" nagulat si Sammie ng bigla s'yang pinatayan ng telepono ni Clarinza.

"Manong para! Dito na lang po" inihinto ng driver ang tricycle sa may gilid.

"Ep ep! Yan! Singkwenta, hija" nanlaki ang mata ng dalaga.

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now