Chapter 1 - Unang Pagkikita

20 3 0
                                    

Walang buhay na naglalakad si Clarinza Zein Sancho papunta sa unibersidad na kanyang pinapasukan. Gustuhin man nyang ngumiti at ipakitang natutuwa sya dahil isa sya sa scholar ng unibersidad ngunit hindi nya magawa.

Papasok na sana sa loob ng unibersidad si Clarinza ng bigla syang nabunggo ng nag mamadaling babae. Napaupo si Clarinza sa lakas ng pagkakabunggo sakanya. Imbes na magsalita o magalit ay marahan lamang na tumayo si Clarinza. Tatalikuran nya na sana ang natulalang babae ng bigla itong magsalita.

"Uhm...h-hi?" Malamig syang tinignan ni Clarinza. Hindi nya pa kahit isang beses nakita ang babaeng iyon sa unibersidad. "Miss bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita e at tsaka–ay naks ganda natin ah"

"I don’t talk to strangers"

"Ay wow englisherist pala" natatawang sabi ng babae. Hindi nya maitanggi sa sarili na nagandahan sya ng husto kay Clarinza. Ngayon nya lamang ito nakita sa unibersidad kaya naisip nyang baka transferee ito. "Transferee ka ba dito ganda?"

"I don't talk to strangers" pag-uulit ni Clarinza. Hindi alam ng babae kung ano ba ang nakain ng kausap nya ngayon.

"That's all you know to say?" Walang reaksyon lamang na tinignan ni Clarinza ang babae. Wala syang nakikitang rason para kausapin ito ng maayos.

May sasabihin pa sana ang babae pero nagpatuloy na si Clarinza sa paglalakad. Malapit na sya sa kanilang classroom ng madaanan nya ang dalawang lalake na nag-aaway. Napairap si Clarinza dahil hindi sya makadaan dahil sa dami ng estudyante na nanonood sa dalawa. Ni hindi man lang nagawang awatin ng mga estudyante ang dalawang nag-aaway.

"Excuse me" sabi ni Clarinza sa mga estudyante na nakaharang sa dadaanan nya. "Excuse me..." Hindi alam ni Clarinza kung maiinis ba sya dahil kahit isa ay parang walang nakarinig. Para lang syang hangin doon.

"Anong nangyayari dito?" Napahinto ang lahat ng biglang dumating ang pinaka striktong teacher sa unibersidad. "Bakit may nag-aaway?! Yan ba ang tinuro ng mga teachers nyo sa inyo?! Mga walang respeto!"

Hindi na magawang magpatuloy ni Clarinza sa paglalakad kahit wala na ang mga estudyante sa dadaanan nya.

"Kung hindi pa sinabi ni Sammie na may nag-aaway dito hindi ko pa malalaman!" Napatingin ang lahat sa babaeng nasa kanan ni Ms. Wixy, ang striktong teacher.

"Hephep! Guys kalma hahahaha ano? Kamusta ang pustahan? Sinong nanalo? Waley" parang ewan na natatawa si Sammie. "Kung di pa nga ako nabunggo nung babaeng botipol edi sana kanina ko pa kayo nasumbong!"

"Pero guys alam nyo ang ganda nung babae na yon jusko kung may betlog sana ako niligawan ko na agad yon hahahaha" Napa-ew naman ang mga estudyante sa sinabi ni Sammie. Kahit si Ms. Wixy ay naweirdohan sa sinabi ng bent ruler ng unibersidad. "Sinasabi ko sa inyo pang Miss U yung beauty ni ate nyo–uy nandito ka pala hahahaha"

Hindi alam ni Clarinza kung mahihiya ba sya o iiyak. Hindi sya sanay na binibigyan sya ng atensyon nino man. Nasanay na sya sa pagtrato ng kanyang ina inahan at pamilya nito. Ngayon nya lamang naranasan na titigan ng maraming tao at purihin sa publiko. Nais nyang tumakbo palayo doon ngunit hindi nya magawa.

"Hi miss I'm Sammie Jasiel Tolentino. Hindi ko napakilala self ko sayo kanina kasi para kang wala sa mood. "Can I know your name?"

"I don't talk to strangers" agad tumalikod si Clarinza.

Alam nya sa kanyang sarili na hindi nya makakalimutan ang araw na nakilala nya si Sammie Jasiel Tolentino. July 12, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now