Chapter 6 - Guidance

17 2 1
                                    

Tahimik na kumakain ng umagahan si Clarinza. Araw ng lunes kaya nag mamadali s'yang kumilos. Alas syete ng umaga nag sisimula ang flag ceremony nila at bawal s'ya mahuli.

"Clarinza" napalingon ang dalaga kay Ianna, kapatid n'ya sa labas.

"May kailangan ka?" Hindi man gustong pansinin ni Clarinza ang kapatid ngunit nakatingin sakanila ang kanyang stepmother.

"How lucky I am" naupo si Ianna sa bakanteng upuan sa harapan ni Clarinza. "I have a caring Dad. Tapos buhay pa yung nanay ko. Kumpleto–"

"Tama ka" pag puputol ni Clarinza sa sinasabi ni Ianna.

"Hahahahaha di ka ba naawa sa sarili mo ate Clarinza"

"Hindi ba't kayo ang dapat kaawaan? Pinipilit nyo ang sarili nyo na legal? Kahit alam nyo naman saling kitkit lang kayo!" Napataas ang boses ni Clarinza dahilan para lumapit sakanila ang kanyang matapobreng stepmother "Hindi ko 'to gustong sabihin pero halos araw araw nyo nalang pinapamukha sakin na kayo yung pinili ni papa! Na mas pinili nya kayo kaysa sa legal..."

"A-alam nyo po ba kung gaano yon kasakit! Namatay yung nanay ko ng dahil sa inyo!" Isang malakas na sampal ang umalingawngaw sa bahay. Halos mangiyak ngiyak si Clarinza, mahapdi at namumula ang kanyang mga pisngi. "G-gusto kong m-magalit! P-pero ako n-naman ang lalabas na masama"

Tumayo sa kinauupuan nya si Clarinza at lumabas ng bahay. Tahimik lang syang nag lalakad sa kalsada. Hindi nya ininda ang hapdi ng pisngi. Nasanay na s'ya sa pag trato ng mama ni Ianna pero kahit ganon nasasaktan pa din ang dalaga.

Hindi namalayan ni Clarinza na nasa harapan na s'ya ng classroom nila. Agad nyang inayos ang kanyang sarili at naupo sa kanyang upuan. Napatingin si Sammie sa dalaga. Agad nya itong nilapitan at binati.

"Hi Clarinza" hindi sya tinignan ng dalaga. Nakatingin lang ito sa bintana at mukhang may malalim na iniisip. "Bakit wala ka sa flag ceremony? Hindi ka ba umaattend sa ganyan?"

Hindi pa din sya tinitignan ng dalaga. Biglang tumawa ng malakas si Sammie dahilan para makuha nya ang atensyon ng kanyang mga kaklase. "Hoy Clarinza! Diba friends na tayo? Bat di mo ako pinapansin?" Napailing iling nalang ang mga estudyante ng section A dahil mukhang nangugulit lang si Sammie sa isa nilang kaklase. "Clarinza may problema ba?"

"Wala" tipid na sagot ng dalaga. Mag sasalita pa sana si Sammie ngunit dumating na si Sir. Randney.

"Okay class, may kasama ako ngayon" ngumiti si Sir. Randney bago pinapasok ang isang lalake. "This is Mr. Canindo, Yuaño's father. Hindi nyo magiging kaklase si Yuaño pero gusto ng daddy nya na ipakilala sya sa inyo" tumango si Sir. Randney kay Mr. Canindo.

"Yuaño is not my son, I'm his grandfather. Pasaway na bata si Yuaño pero mabait naman sya sa'kin tsaka sa kapatid nya hahahaha okay na din 'yon" tumingin si Mr. Canindo sa labas ng classroom ng section A may tinawag sya at agad naman pumasok ang isang mistizo at matangkad na lalake. Nangingibabaw ang kagwapuhan nito. "This is Yuaño"

Napatingin ang lahat ng biglang mag taas ng kamay ang isa sa mga babaeng estudyante ni Sir. Randney. Tumayo ito at ngumiti. "Hi Yuaño. I'm Shandina. Can I ask you?

"What is it?"

"May girlfriend kana ba?" Biglang nag tawanan ang mga estudyante ng section A maliban kay Clarinza na hanggang ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa bintana.

"Oo" natahimik ang lahat. "When that girl answered me" nakangiting tinignan ni Yuaño si Clarinza na hanggang ngayon ay tahimik lang. Napaupo naman si Shandina at agad silang nag bulungan ng mga katabi nya.

Samatanla, hindi naman mapinta ang mukha ni Sammie. Napansin nyang kanina pa nakatingin sakanya si Havier at mapang asar itong nakangiti. Gusto nya man lapitan at suntukin ang binata ngunit ayaw nyang ma guidance.

Natapos ang lima nilang subject na walang naintindihan si Clarinza. Hindi nya rin nabigyan pansin ang nag salita sa harapan kanina. Gustuhin man nyang umalis sa kinauupuan at bumili muna ng pagkain ngunit mas gugustuhin nya nalang mapag isa at tumingin sa bintana. Nakatingin sya ngayon sa langit. Naalala nya ang araw na magkasama nilang tinitignan ng kanyang mama ang langit.

"Mama bat po gustong gusto nyo tignan ang langit? Gaano nyo po ba ito kagusto?" Marahang pinisil ni Clara ang pisngi ng anak.

"Sobra..." Ngumiti ito sa anak. "Kapag malungkot ka tumingin ka lang sa langit. Mawawala ang lungkot mo anak"

"Kapag malungkot si mama tumitingin lang si mama sa langit. Tapos gumagamaan agad ang loob ko. Tsaka pag may namimiss kang tao na kinuha na ni God tumingin ka lang sa langit" napatingin si Clarinza sa kanyang mama. Ngumiti ito sakanya at pinag masdan ulit nila ang langit.

"I miss you, Ma" agad tumayo si Clarinza sa kinauupuan. Habang nag lalakad sya sa labas ng kanilang classroom ay may nadaanan syang dalawang lalaki na pinag titingin ng mga estudyante.

"Alam mo ba kung gaano kamahal ang relo ko?! Mas mahal pa 'to sa buhay mo!" Nag simulang mag bulungan ang mga estudyante.

"H-hindi ko s-sinasadya..." Patuloy pa din sa pag sakal ang lalake sa kaaway nito. "B-bitiwan mo a-ako...d-di na ako makahinga"

Hindi na napigilan ni Clarinza at agad nyang inihagis ang notebook na hawak sa lalake. Napatingin ang lahat sakanya. "H-hindi mo dapat 'to ginagawa"

Nabitawan ng lalake ang sinasakal at agad tumingin kay Clarinza. Naalala nya ang muka ng dalaga. "Quite but strong" bulong n'ya sakanyang sarili.

Napalunok si Clarinza. Dahil halatang nakakatakot ang lalake. Hindi nya man 'to mamukaan ngunit halatang sa unibersidad din ito nag-aaral. Akmang aalis na ang lalake ng bigla nito maitulak si Clarinza. Tumama ang dalaga sa pader dahilan para mapahiga ito at manghina.

***

Kasalukuyang nasa guidance ang lalake at si Clarinza. Matapos dalhin sa clinic ay dinala ito sa guidance. First time ng dalaga makapasok doon. Napatingin si Clarinza sa lalake na nakayuko lang.

"Hays ano ba kasing ginawa mo kay Clarinza ha! Lakas ng amats mo bago ka pa lang dito pero gumawa na agad ng gulo!" Napatingin si Clarinza kay Sammie, hindi nya napansin na nasa loob din pala ng guidance office ang dalaga. "Ewan ko nalang kung matutuwa ba si Mr–"

"What happened?" Napatingin silang lahat sa bagong dating. "Ano na naman 'to apo"

"Nakailang sabi na ako na aksidente yon! Hindi ko sya tinulak! Mag kaiba yung natulak sa tinulak"

Mag sasalita pa sana ang binata ngunit nag salita na ang principal. "Hija, ano ang phone number ng guardian mo? Need namin papuntahin dito"

Napatingin si Clarinza sa principal. "Kalimutan nyo na lang po. Kalimutan natin ang nangyari di nyo na ho kailangang gawin yon. Aalis na ako" hindi na pinag salita ni Clarinza ang principal. Akma na s'yang aalis nang bigla syang mapatid, napatid sya sa paa ng binata

"Yuaño! Jusko kang bata ka!" Pinatayo ng lolo ni Yuaño si Clarinza. "Pasensya na kayo"

Lumapit si Sammie kay Clarinza. "Nako Mr. Canindo! 'yang apo nyo hanep talaga" hindi na pinansin ni Clarinza si Sammie at agad na syang umalis doon.

Alam nya sakanyang sarili na hindi nya makakalimutan ang araw na napagtaasan nya ng boses ang kanyang stepmother at ang kauna unahang nakapasok sya sa guidance office. July 27, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang