Chapter 15 - Maybe

8 2 1
                                    

Tahimik na naghihintay si Clarinza sa loob ng canteen. Kinausap s'ya ni Yuaño na sa loob ng canteen s'ya mag hintay. Ilang oras ng naghihintay si Clarinza, naiinip na ang dalaga ngunit mas pinili n'yang mag hintay ng tahimik.

"Hi Clarinza" napatingin ang dalaga kay Yuaño na basang basa ng pawis. "Kanina ka pa?"

"Hindi naman masyado" napangiti si Yuaño. "Muntik lang naman mamuti yung mata ko kakahintay sa'yo, muntik ko ng ihambalos sa'yo itong upuan tsaka lamesa sa sobrang tagal mo kaloka ka parang daig mo pa ang-"

"Hays nahawaan ka na nga ng bent ruler na 'yon"

"What—" hindi na tapos ni Clarinza ang sinasabi ng yayain na s'ya ni Yuaño na lumabas sa canteen.

Half day lang sila ngayong araw kaya doon s'ya manananghalian sa bahay nila Yuaño. Hindi na nakatanggi ang dalaga dahil Lolo na mismo ni Yuaño ang nagsabi.

Habang naglalakad sila palabas ng unibersidad ay napahinto si Yuaño at marahang lumingon kay Clarinza na tahimik lang na nakasunod sakanya.

"Can i ask you?"

"Nagtatanong kana" malamig na tugon ng dalaga.

"Fine! Clarinza kayo naba? I mean you and Sammie—"

"Nagkaaminan"

"Do you really like her?"

"Why not?"

"I mean—"

"Kahit ano pang sabihin mo o kayo wala akong pakealam. Yuaño hindi porket pareho kaming babae hindi na namin pwede magustuhan ang isa't isa. Yes, sabihin natin na mali...para sa inyo" huminga ng malalim ang dalaga. "But I like her even we're both girls"

***

Kahit naiilang ang pinagpatuloy pa rin ni Clarinza ang pagtuturo kay Yuaño. Alam nang dalaga na hindi nakikinig ang binata sakanya ngunit ipawalang bahala n'ya ito.

Simula noong tinanong s'ya ni Yuaño bago sila makalabas sa unibersidad ay naging tahimik na ito. Sa byahe ay hindi man lang nito magawang mag salita. Kahit alam ni Clarinza na may kakaiba sa binata ay hinayaan n'ya ito.

Hindi na napigilan ni Clarinza ang sarili at nagsalita na. "Yuaño, okay ka lang ba?" Saglit s'yang tinignan ng binata at muli itong bumalik sa pagsusulat. "Kung may problema ka sabihin mo sakin. Ang hirap kaya magturo sa taong hindi nakikinig"

"Don't teach me, then" napanganga si Clarinza sa sinagot ni Yuaño. Alam n'yang may pagkabastos ang bunganga ni Yuaño ngunit hindi n'ya napigilang magulat. "You can go now. Just leave me an assignment or something"

Magsasalita pa sana si Clarinza ngunit mabilis na tumakbo paakyat ng hagdan si Yuaño. Walang nagawa ang dalaga kundi sundin ang sinabi ng kan'yang tinuturuan. Habang inaayos n'ya ang ginamit nila ni Yuaño ay napansin n'ya ang notebook na sinusulatan ng binata kanina.

Dahil sa kuryusidad kung ano ang isinulat ni Yuaño doon ay binuksan n'ya ang notebook. Bumungad sakanya ang naka lettering n'yang pangalan. Natawa ang dalaga dahil parang elementary si Yuaño. Wala namang nakasulat sa mga sumunod na pahina ngunit sa gitna ay may nakaipit doon na picture. Akmang kukunin ni Clarinza ang picture ngunit nagulat s'ya nang marinig ang boses ni Yuaño.

"Ang sabi ko iwan mo ako ng assignment. Wala akong sinabing pakealaman mo ang notebook na 'yan" agad isinarado ni Clarinza ang notebook at nahihiyang ngumiti kay Yuaño.

"Ano kasi...nakita ko na sinusulatan mo kanina kaya ayon"

"Kaya?"

"Tinignan ko. Wala namang masama kung titignan ko. Tinuturuan kita at may karapatan ako na makita kung anong laman ng notebook mo para alam ko kung nag take notes ka ba sa mga sinabi ko"

"Okay"

"Okay lang?"

"What are you expecting me to say? Thank you?"

"Uhm...welcome" Napanganga nalang si Yuaño sa tugon ng dalaga. Hindi n'ya alam kung maaasar ba s'ya o matatawa.

Marahan n'yang kinuha ang notebook at tumingin kay Clarinza na nakangisi. "This notebook is very important"

"Important mo mukha mo. Eh, nakita ko nga d'yan na naka lettering yung name ko. Para kang grade 1 section 11" sandaling natigilan si Yuaño ngunit mas nilakihan n'ya ang ngisi.

"It is because ikaw na ang susunod" tumawa s'ya na parang mangkukulam sa mga palabas.

"Susunod na?"

"Secret hahaha" gustuhin mang sakalin ni Clarinza si Yuaño ngunit natanaw n'ya si Lolo Iño na nakatingin sa kanilang dalawa. Agad ngumiti ang dalaga sa matanda. "Lolo Iño n-nand'yan po pala kayo"

Lumapit si Lolo Iño sakanila at marahang ngumiti. "Uuwi kana ba, hija? Ihahatid kana ni Yuaño"

"Marami akong gagawin Lolo. Kaya n'ya na sarili n'ya"

"Yuaño"

"It's okay. Kaya ko na po ang sarili ko. Hindi na po ako bata at mas lalong hindi po ako isip bata" diniinan nang dalaga ang huli nitong sinabi dahilan para matawa si Lolo Iño.

Ilang sandali ay napagpasyahan na ni Clarinza na mag paalam sa mag-Lolo. Nakatingin lang si Yuaño sa hawak hawak na notebook. Hindi na napigilan ni Lolo Iño ang sarili at marahang umupo sa tabi ng apo.

"Kilala kita..." Paninimula nito. "I know you are rude, spoiled brat-pero noong nakilala mo si Clarinza nakita ko 'yung pagbabago sa'yo"

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Yuaño. Hindi pa rin n'ya inaalis ang tingin sa hawak hawak na notebook.

"I mean, noong nakilala mo si Clarinza ang laki ng pinagbago mo. May pagkarude pa rin minsan pero malaki ang pinagbago mo apo. Hindi ko nga alam kung ano ang pinakain sa'yo ni Clarinza at parang ibang Yuaño na ang kasama ko dito sa...bahay" tinapik ni Lolo Iño ang balikat ng apo. "Kaya nagulat ako the way ka makipag-usap kay Clarinza kanina. Parang may pinagselosan ka"

"What—"

"Do you like her, apo?"

"Ano bang tanong 'yan—"

"It's either yes or no" liningon ni Yuano ang kan'yang Lolo. "Hmm?"

"Fine! I do like her. Pero she likes Sammie. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan n'ya doon"

"Apo, walang masamang magkagusto. Ang masama ay yung hinuhusgahan mo ang gusto ng taong gusto mo. You can admire her without judging the person she likes" huminga ng malalim si Lolo Iño. "Normal lang na magkagusto, apo. Pero sa kaso mo mukhang hindi mo lang s'ya gusto. I think...you already love her"

"Maybe" akmang tatayo na si Yuaño nang bigla nilang marinig na nahulog ang isa sa mga mamahaling vase na nakalagay malapit sa pintuan.

Nanlaki ang mata ni Yuano nang makita si Clarinza na mabilis na pinupulot ang bubog mula sa vase. Nang mapansin ni Clarinza na nakatingin sakanya si Yuano at ang Lolo nito ay agad s'yang tumayo.

"W-wala akong narinig" kahit naiilang ay tumawa ng mahina ang dalaga. "A-ano po...naging bingi po ako ng ano po...ilang minuto—ah oo ganon!"

Alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi n'ya makakalimutan ang araw na narinig n'ya ang usapan ni Lolo Iño at ang apo nitong si Yuaño. October 1, 2018.

TO BE CONTINUE...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 11, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now