Chapter 12 - Tutor

10 2 1
                                    

Hindi maintindihan ni Clarinza ang nararamdaman. Hindi n'ya maitanggi ang malaking tanong sa isipin. Simula noong nakita n'yang lumuha si Sammie ay hindi na s'ya mapanatag.

Habang naka sakay sa sasakyan ni Yuaño ay naalala ni Clarinza ang pag uusap nila ni Mr. Canindo noong sabado.

Hindi pa nakaka pasok ng kanilang tahanan si Clarinza ay may pumaradang magarang itim na sasakyan sa harap ng bahay ng kan'yang Papa. Napalingon si Clarinza sa matandang bumaba doon. Nag tataka s'yang napatingin kay Mr. Canindo.

"Hija..." Paninimula nito.

"Po? Ano pong ginagawa n'yo dito?" Lumapit si Mr. Canindo kay Clarinza na ipinagtaka nang dalaga.

"Ah...kasi hihingi sana ako sa'yo ng pabor?"

Parehong natigilan ang dalawa ng dumungaw sa bintana ang stepmother ni Clarinza. Nakataas ang isang kilay nito habang nag pabalik balik ang tingin sa dalawa. Nang makita nito ang magarang sasakyan ay bigla itong lumapit kay Clarinza at magiliw na ngumiti kay Mr. Canindo.

"Ano po ang kailangan ng isang Don sa anak ko?" Nakangiting sambit nito. Bumuntong hininga si Clarinza at marahang napailing iling. "Gusto n'yo po ba pumasok sa bahay namin–"

"No need. I just want to talk to Clarinza" ngumiti si Mr. Canindo kay Clarinza. "Hija, tara sa kotse?"

Walang nagawa si Clarinza kundi ang sumunod. Nag papasalamat din s'ya kay Mr. Canindo dahil inilayo s'ya nito sa kan'yang mapag panggap na stepmother.

Nang makapasok sila sa loob at makaupo nag salita na si Clarinza. "Ano po ba 'yon?"

Tumikhim si Mr. Canindo at marahang ngumiti sa dalaga. "Kilala mo naman ang apo ko diba? Si Yuaño, ang pasaway na si Yuaño" tumango lang si Clarinza. "Sorry nga pala sa ginawa ng apo ko sa'yo. I know it's unlikely you'll do the favor I'm asking because of what happened"

"Hindi n'yo pa nga po nasasabi ang pabor pero nega agad ang nasa isip n'yo" natatawang tugon ni Clarinza. Hindi n'ya alam pero parang nahahawa na s'ya kay Sammie.

"Hahahaha sabagay, tama ka. Lagi nga naman tama ang mga babae" parehong natawa ang dalawa. "Anyways, 'yon na nga. Gusto ko sanang maging tutor ka ni Yuaño. Alam ko na malaki na s'ya para d'yan pero...gusto kong s'ya ang mag mana ng company namin someday"

"Napapansin kong mahina ang apo ko para hawakan ang company balang araw kaya..." Napabuntong hininga si Mr. Canindo. "Gusto kong maging tutor ka n'ya. Alam kong marami s'ya matutunan sa'yo. Besides, you're smart enough to teach my grandson"

Hindi alam ni Clarinza kung bakit s'ya biglang napapayag nang sabihin ni Mr. Canindo na malaki ang ibibigay na sweldo sakanya. Naisip ng dalaga na maaari n'yang gamitin ang makukuhang sweldo upang maka alis sa puder ng Ama.

"Clarinza are you alright?" Napatingin si Clarinza kay Yuaño na ngayon ay nag tatakang nakatingin sakanya. "I'm asking you"

"Ah, ano 'yon?"

"Are you sure about this? Uhm...I know you are mad at me because of what happened uhm...last week? Well, hindi ko naman–"

"Forget it. I need money" malamig na tugon ni Clarinza. Tumingin s'ya sa bintana ng sasakyan. Hindi n'ya mapigilan na intindihin si Sammie.

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now