Chapter 2 - Section A

11 2 0
                                    

Halos isang linggo nang nakakalipas simula noong makilala ni Clarinza ang bent ruler ng unibersidad. Hindi nya alam kung kinaiinisan nya ba ito.

Araw ng linggo ngayon kaya mayroong meeting ang lahat ng estudyante nang section A. Tuwing linggo ay nag papatawag ng meeting ang kanilang teacher na si Sir. Randney.

Halos nagmamadaling kumilos si Clarinza dahil malapit na mag ala una. Tuwing ala una ng hapon, araw ng linggo nagsisimula ang meeting ng mga estudyante nang section A.

Habang tumatakbo sa kalsada si Clarinza papunta sa unibersidad ay biglang may mabilis na kotseng dumaan sa gilid nya at halos nasalo niya ang lahat ng alikabok, ang puting damit na suot ni Clarinza ay punong puno na ng alikabok.

Ang ayaw sa lahat ni Sir. Randney ay madumi ang damit ng kanyang mga estudyante kaya kahit gustuhin man ni Clarinza na magpatuloy ay pinili na lang nyang umuwi at magpalit ng damit. Bago sya umalis sa bahay nila ay tinignan nya muna sa kanilang lumang orasan kung anong oras na. Alas dose singkwenta.

Nang marating nya ang gate ng unibersidad ay agad nyang pinakita ang kanyang id sa guard na si Mang Volcio. Pinapasok naman sya agad ng matanda.

"Oh Zein bat ngayon ka lang?" Binati ni Clarinza si Sir. Randney. "Tapos na ang meeting"

"Sorry po" nakayukong saad ni Clarinza.

"Sayang at di mo nakilala ang new classmate nyo. Matalino naman sya kaso pasaway. She's from section B, by the way " napatingin si Clarinza kay Sir. Randney. "Gusto ko sanang ikaw ang unang makakilala sakanya kasi i know na you don't have friends sa section natin so baka maging kaibigan mo sya, ayaw ko namang maging forever walang friend ka" tinapik tapik ni Sir. Randney ang balikat ni Clarinza.

"You are smart and kind ewan ko nga bat wala kang kaibigan. Dahil ba ayaw mo o natatakot ka?" Ngumiti si Sir. Randney. "Deserve mong magkaroon ng madaming kaibigan. Di bale bukas makikilala mo din yung new classmate mo hahahaha"

Inutusan ni Sir. Randney na bumili ng tubig sa canteen si Clarinza dahil hindi naman ito nakaabot sa meeting nila. Habang nasa cashier si Clarinza ay narinig nya ang pag-uusap ng dalawa nyang kaklaseng babae.

"Iba talaga ang nagagawa ng pera" natatawang sabi ng isa. "Tignan mo from section B naging section A"

"Kaya nga e ang unfair naman sa ating nagpiga ng braincells para mapunta sa section A" pag-sang ayon ng isa. "Pasalamat sya at laki sya sa mayamang pamilya"

"Sa true lang sis pero ito yung tanong e. Bat ginusto nyang mapunta sa section A? E kilala naman yang walang pakealam sa pag-aaral nya"

"I don't know. Siguro gusto din nyang sabihan na matalino?" Nagtawanan ang dalawa. "Kung hindi lang pamangkin ni Sir. Randney yan si Samm–"

"Ito na yung sukli mo oh" napatingin si Clarinza sa cashier. Hindi nya na narinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil lumabas na ang mga iyon sa canteen. Kinuha ni Clarinza ang sukli nya at lumabas na.

Hindi mapigilang isipin ni Clarinza kung sino ang kanilang bagong kaklase. Ang sabi ng isa ay pamangkin iyon ni Sir. Randney pero wala namang syang alam sa mga kaanak ng teacher nya.

Alam nya sa kanyang sarili na hindi nya makakalimutan ang kauna unahang araw na hindi sya nakaabot sa meeting ng section A. July 19, 2018. 

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now