Chapter 14 - Selos

9 2 3
                                    

"Weh 'di nga?" Gulat na sambit ni Sammie. Marahan lang na tumango si Clarinza. Hindi n'ya alam kung bakit sobrang laki ngayon ng mata ni Sammie. "Sampalin mo nga ako"

"Sigurado ka?"

"Yes! Para malaman ko kung panaginip lang ba 'to" itataas na sana ni Clarinza ang kan'yang kanang kamay para sampalin si Sammie ng bigla itong mag salita "Mahina lang ha" tumango si Clarinza at agad sinampal ng mahina si Sammie.

Napatalon talon ang dalaga kaya agad n'ya itong hinampas ng malakas. "Hoy! Naiihi ka ba? Ba't ka tumatalon? 'Wag mong pigilan baka imbes na ihi ang lumabas d'yan dugo na hala ka" napatigil naman si Sammie sa pag talon at ngumiti kay Clarinza.

"Hindi...ako naiihi" todo ngiti nitong sabi. "Pero kinikilig aba syempre yes!" Nagulat si Clarinza ng bigla s'yang yakapin ng dalaga.

"Akala ko hindi mo ako gusto" ramdam ni Clarinza ang mabilis na pag hinga ni Sammie. "A-akala ko ayaw mo sa...k-katulad ko"

Iniharap ni Clarinza si Sammie sa kan'ya. "Puro ka kasi gan'yan Jasiel! Ni hindi mo nga ako tinanong no'n kung in love na ba ang magandang tulad ko sa abnormal na katulad mo, eh! Puro ka akala ko, akala ko. Bulok na 'yan beh" pareho silang natawa sa sinabi ni Clarinza.

Nang matapos mag-usap ang dalawa ay agad silang nag tungo sa malaking puno malapit sa field. Magkahawak kamay silang umupo sa bermuda grass. Tahimik lang ang dalawa na pinag mamasdan ang mga estudyanteng nag mamadali sa pag lalakad, ang iba ay takot mainitan at ang iilan ay takot na mahuli sa klase.

Magsasalita na sana si Sammie ng biglang tinawag ni Clarinza si Yuaño na nakatayo sa 'di kalayuan. Hindi alam ng dalaga kung bakit s'ya nakaramdam ng inis noong biglang binawa ni Clarinza ang kamay nitong nakahawak sa kan'yang kamay at nag mamadaling tumakbo kay Yuaño.

Pinigilan n'ya ang sarili at tahimik na sumunod kay Clarinza. Nang makalapit si Clarinza kay Yuaño ay agad itong ngumiti sa binata na lalong kinainis ni Sammie.

"Ba't wala ka sa classroom n'yo Clarinza?"

"Tangek syempre nandito s'ya field. Tumakbo tas lumapit tas ngumiti sa'yo. Di paba obvious? Kaya wala s'ya sa classroom namin kasi nandito s'ya. Bulag lang dong? Ganern ganern?" Mahinang tumawa si Clarinza sa pag sagot ni Sammie. Hindi n'ya alam kung bakit parang inis na inis ito. "Pwede ba umalis kana. Nag mmoment yung dalawa rito, eh! Panira ka"

"Hephep? Ako panira? Sino ba ang lumapit sa akin?" Nagtaas ng kamay si Clarinza. "Oh diba! S'ya ang lumapit sa akin ang aking soon to be girlfriend"

Tinignan ng masama ni Sammie si Yuaño. Hindi n'ya na matansa ang inis at ano mang oras ay sasabog na s'ya. "Hephep din? Soon to be girlfriend? Big wow sa'yo men! Ang tanong gusto ka ba? Sino ang gusto ni Clarinza. Ang eggplant ba o ang oyster? Tsk tsk tsk mukang di mo pa alam bata"

Napanganga si Yuaño sa sinabi ni Sammie. Habang si Clarinza naman ay halos mawalan na ng balanse sa sobrang tawa.

"Jusko babae ka ba talaga?"

"Hindi!" Taas noong sagot ni Sammie. "Hindi ako babae kasi trip ko. 'Wag kang panira kung ayaw mo itakbo ko yung mga ginagamit na stick ni Mang Bebot sa mga kwek kwek n'ya at itusok d'yan sa ngalangala mo" muli na namang natawa si Clarinza sa sinabi ni Sammie. "Wow Clarinza tawang tawa ah! Proud kana ba sa girlfriend na pwede ding boyfriend mo?"

"What?" Gulat na tanong ni Yuaño. Agad naman tumigil sa pag tawa si Clarinza at napatingin kay Sammie. "What did she say? Kayo na?!"

"Ha...ano–hindi pa" nagtatakang tinignan ni Sammie si Clarinza. Samantala, hindi naman makayang tignan ni Clarinza si Sammie sa mata. "U-umamin na pero...h-hindi pa kami" mahinang sambit ni Clarinza.

"O-oo! Kasi liligawan ko pa lang s'ya" pilit hinuhuli ni Sammie ang tingin ni Clarinza pero nakatingin lang ang dalaga sa malayo. "D-diba Clarinza? Ay shocks! Ba't ba ako kinakabahan hahahaha wala naman akong dapat ikakaba kasi umamin kana din Clarinza hahahaha"

Ilang segundo silang natahimik. Marahang ngumiti si Clarinza at tumingin kay Sammie. "Oo...liligawan n'ya pa lang ako" tumingin si Clarinza kay Yuaño na ngayon ay halatang nagulat. "Hindi ko na rin naman papatagalin kapag nanligaw s'ya. Syempre...bakit ko pa pag hihintayin ng matagal ang mahal ko?"

Nagulat si Clarinza ng biglang pumalakpak si Sammie. "Hays akala ko talaga babawiin mo na 'yung sinabi mo. Kinabahan ako ng bongga as in to the highest level as in ganon kaloka" agad hinawakan ni Sammie ay kamay ni Clarinza at itinabi ito sakanya. "Sige na Yuaño pwede kana mag walk out, go! Ingat" nasapo na lang ni Clarinza ang kan'yang noo sa huling sinabi ni Sammie.

***

Kanina pa ang uwian nila ngunit nasa labas pa ng unibersidad si Clarinza at Sammie. Hinihintay nila si Yuaño dahil ang sabi nito magkita silang dalawa ni Clarinza pagkatapos ng klase sa labas ng unibersidad.

Gusto na sanang paunahin ni Clarinza si Sammie dahil hindi naman sinabi ni Yuaño na isama ang bent ruler ng unibersidad pero dahil sadyang mapilit at makulit si Sammie ay hinayaan na lang ni Clarinza.

Ilang saglit pa ay natanaw na ni Clarinza si Yuaño. Kumaway s'ya sa binata ngunit tahimik lang itong lumapit kung nasaan sila ni Sammie. "Bakit nandito 'yan?"

"Eh gusto ko eh! Ba't ba! Baka may gawin ka pa dito kay bebe loves"

"Jusko Sammie mag hunos dili ka tumatayo balahibo ko sa mga tinatawag mo sa akin" biglang natawa si Yuaño ngunit ng tignan s'ya ng masama ni Sammie ay bigla s'yang tumikhim at tumingin kay Clarinza. "So, ano 'yon?"

"Half day lang tayo bukas kaya...sabi ni Lolo uhm...sa amin kana mag lunch and then tuturuan mo na ako sa hapon" tumango si Clarinza. "Tapos uhm...malapit na pala yung sembreak kaya matuturuan mo na talaga ako araw araw"

"Oo nga pala, 'no! O'sya sige. 'Yan lang ba sasabihin mo?"

"Yes, i have to go. Ay–gusto mo ba sabay ka na lang sa amin ni Lolo? Dating gawi? Hatid ka namin sa bahay n'yo"

"No need Yuaño. Sa akin sasabay si Clarinza. Kaya nga hinintay ko s'ya eh. Kahit kailan ka talaga. Dapat moment namin tong dalawa eh" hindi pinansin ni Yuaño si Sammie. Ngumiti s'ya kay Clarinza at nag paalam ng uuwi. Nang makaalis na si Yuaño ay agad lumapit si Sammie kay Clarinza. "Selos ako do'n ah!"

Alam n'ya sa kan'yang sarili na hindi n'ya makakalimutan ang araw na nag selos si Sammie kay Yuaño. September 30, 2018.

TO BE CONTINUED...

Sammie & Clarinza (on-going)Where stories live. Discover now