CHAPTER 1

81 11 0
                                    

CHAPTER 1

"Huwag mo na ulit 'yon ulitin, ha? Lalo na't kapag wala kang kasama. Delikado ang magcommute, Astraea."

Tumango lang ako kay Papa bago nagpaalam nang pumasok sa school. Bumaba na ako sa sasakyan at saktong dumating na rin ang dalawa kaya agad akong lumapit sa kanila. Napansin ni Sierra ang pagdating ko kaya agad na bumungad sa akin ang malaking ngisi nito.

"Anong sabi ni Tita?" tanong niya, tinutukoy si Mama. Sa mukha ko ay paniguradong alam na niyang pinagsabihan ako.

I shook my head. "Wala naman, sabi pa nga ay ulitin ko daw para wala na akong bahay na uuwian."

At doon siya napatawa nang malakas.

Totoo 'yon! Sa kanila kasi ni Papa ay mas mahigpit si Mama pagdating sa mga ganoong bagay. Wala rin naman silang nagawa dahil sinabi kong wala akong alam na mag-OT pala si Papa. At hindi rin naman nagreply si Papa nang magtext ako kaya hindi nila ako pwedeng sisihin.

Hindi ko naman 'yon kasalanan pa.

"Dapat sinabi mong ako ang nagsimula no'n," si Anathiel nang matapos niyang ilagay sa box ang helmet nilang dalawa ni Sierra.

"Baka hindi na ako papuntahin sa Raynn's, 'wag na lang," tukoy ko sa café na pagmamay-ari nina Anathiel.

Mahina nitong pinitik ang noo ko. "Hindi 'yan. Alam mo namang favorite ako ni Auntie."

Nagsimula na itong maglakad kaya sabay rin naming sinabayan ni Sierra. At dahil mahaba ang kan'yang biyas ay halos takbuhin na namin ang daan para lang makasabay sa kan'yang paglalakad.

"Punta tayong chowking mamaya. Ge?"

Kasabay ng panlaki ng mga mata ko ay napangisi rin ako nang malaki dahil sa biglaang pag-anyaya ni Sierra.

"Sure ka ba?!" masayang tanong ko kay Sierra. "Walang halong kaplastikan?"

Aba, mukhang may mabuting sumapi sa katawan nito at biglaang nang-aya, ah? Sana lang talaga ay hindi na ito umalis sa katawan nitong babae at baka bumalik na naman ito sa pagiging demonyo.

First time 'to, kaya natural na magugulat ka talaga.

Sierra nodded her head. "Oo. 'Wag kang masyadong excited at libre mo 'yon."

Bigla akong napatigil at tuluyang napasimangot sa sinabi nito. Napansin nitong dalawa ang pagtigil ko kaya napatigil din sila sa paglalakad at sabay na napalingon sa 'kin.

Narinig ko ang pagtawa ng babae.

"Sis, hindi ako mayaman kaya 'wag kang mag-expect. Promise, ililibre ko kayo pero saka na kapag napasayo na si Kael," she then laughed, halatang inaasar ako.

Gusto ko siyang sapakin pero kumaripas na ito ng takbo bago ko pa magawa iyon. Hanggang dito ay rinig ko pa rin ang pang-aasar niyang tawa dahilan para mapatingin ang ibang mga estudyante sa kanya.

I sighed. Ang aga pa, pero ang araw ko ay sira na.

Napailing na lang ako at nang mapansing nagsimula na ulit maglakad si Anathiel ay tumakbo na ako para makasabay.

"Students, examination is coming so you should study hard. Bilisan n'yo na rin ang paggawa noong mga projects ninyo dahil hindi pwedeng mag-take ng exam kapag hindi pa kayo kompleto sa mga pinapagawa ng mga teachers n'yo, lalo na sa mga majors, ha. Tandaan n'yong kayo ang gumagawa no'ng grades n'yo, hindi kami."

Iyon lang ang sinabi ni Ma'am Ivie bago umalis na sa room, dala-dala ang mga gamit niya. Nang tuluyang makaalis na ito ay agad kong narinig ang mga reklamo at mabigat na buntong-hininga ng mga kaklase ko.

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now