CHAPTER 8

26 8 0
                                    

CHAPTER 8

To say that I'm surprised is an understatement.

Is this it? Did he just confessed his feelings in an indirect way? Ginawa lang ba niyang laro 'to para sabihin sa aking... gusto rin niya ako? Do we have a mutual feelings?

Pinigilan kong mapasigaw sa kilig. I even bit my lower lip to suppress from smiling. Thank You, Lord, for this wonderful gift. Mahal na mahal po Kita.

I gulped, countless time. "I-I... don't know wh—"

He cut me off by his nervous chuckles. "No, don't take this seriously. It... it was just a game. I'm just kidding."

My jaw dropped, completely dismay of what he just said.

He just what...?

Kidding?

Just a game?

Don't take this seriously?

Eh pa'no kung gusto kong seryosohin, may magagawa ba siya para mawala ang pagkadismaya ko?!

Biglang nag-init ang ulo ko sa kan'ya.

Bakit napakahilig niyang bawiin ang mga sinasabi niya, ha? Noong una, 'yong tweet niyang dinelete at hindi man lang naging magandang bungad sa akin. Tapos ngayon, sinabi niyang one point na naman sa kan'ya dahil mali ang sagot kong lie sa sinabi niyang gusto niya ako pero biro lang pala?!

Paasa ang ampota. Talagang binigyan ako ng lesson na huwag na ulit mag-assume para hindi na masaktan!

Ilang mura na ang nasabi ko sa isipan. Pinigilan ko pa ngang mapairap sa sagot niyang 'he was just kidding'. Kung pwede lang talagang bawiin ang pagkakagusto ko sa kan'ya ay siguro ngayon, nasa tamang relasyon na ako. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi niya kasalanang nahulog ako sa kan'ya.

Hindi niya kasalanang siya ang pinili ng puso ko. Kaya sana naman sa pagdating ng panahon na mag-c-confess siya sa crush niya at sasabihin naman ng crush niya na gusto rin siya, sana after no'n ay sasabihin rin agad ng babaeng nagbibiro lang siya para naman fair sa akin.

Tangina, magmomove-on na talaga ako! Promise na 'yan! I swear!

Nagpakawala ako ng mabigat na buntong-hininga.

"Baka naghihintay na pala si Anathiel sa 'kin, aalis na ako," paalam ko sa kan'ya bago niligpit ang mga librong kinuha ko kanina.

"Uhm... tapos na kayo sa exam n'yo?" he asked.

I nodded. "Hmm... Baka nga hindi na kami babalik bukas."

Ilang minuto pa ang lumipas bago siya sumagot.

"Okay..." mahinang sabi niya. Hindi ko alam ang reaksyon nito dahil busy pa ako sa pagsusuli noong mga libro. Saka, parang ayoko na ulit makita ang maamo nitong mukha dahil baka masira ang pagmomove-on kong ipinangako ko ngayon lang.

Muling dumako ang tingin ko sa kaniya matapos kong iligpit ang mga librong pinanggamitan.

"Aalis na ako. I enjoyed the game, anyway." I lied. Muntik ko lang talagang ma-enjoy kung hindi mo lang sinabing nagbibiro ka lang, Kael!

Salamat na lang sa lahat. Sisiguraduhin kong sa susunod ay hindi na ako kikiligin kasi hindi na kita gustong hayop ka.

"That was..." he trailed off.

"That was?"

He heaved a sigh as he shook his head. "No, nevermind," he said. "But really, I liked talking to you..."

Nag-iwas agad ako ng tingin doon. Calm, Astraea. You promised earlier that you will not fall again for him at magmove-on! Naka-pin na 'yan sa puso at utak mo kaya wala ka nang magagawa pa.

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now