CHAPTER 14

27 5 0
                                    

CHAPTER 14

"Ayan at naghihintay na naman ang manliligaw mo, Astraea."

Inayos ko ang buhok kong nililipad ng hangin bago nag-angat ng tingin. Sierra was right. Naghihintay na naman si Kael sa gilid ng school gate namin.

After what happened that day, araw-araw ko nang nadadatnan ang lalaki sa gate, naghihintay sa pagdating ko tuwing umaga. Malayo ang building namin sa building niya kaya naman ay minsan lang kaming nagkikita. Isa pa, hindi rin kami parehas ng schedule kaya kapag nagkataong may vacant ang lalaki ay pinupuntahan niya lang ako sa room namin.

Weeks have passed but I was still not used to it. Nakakailang pa rin ang mga estudyanteng nagchichismisan tungkol sa amin na para bang interesado sila sa buhay naming dalawa.

Well, kung sa lalaki, pwede pa.

Hindi rin nakakaligtas sa pandinig ko kung bakit daw ang bilis ng pangyayari para ligawan ako ni Kael. Ang alam kasi nila ay girlfriend ni Kael ang transferee namin, which was I can't complain because if we're going to talk to someone who had think first some sort of things about the two, alam nating ako 'yon.

And of course, it would surely surprise the students upon knowing that their long-term crush—Kael—has already found someone he's interested with.

At kahit mahirap mang paniwalaan ay masaya akong sabihin na ako iyon.

"Hi, are you okay?"

Napakurap ako nang mapagtantong nasa harapan na ako ng lalaki.

Tumango ako. "Oo, may iniisip lang," I chuckled shyly. "Sorry."

"It's fine," sagot ni Kael sa akin bago ngumiti. "Pero nandito naman na ako. So you don't need to think about me anymore."

Pabirong inirapan ko ang lalaki dahilan para marinig ko ang nakakakilig nitong mga tawa. He was wearing his usual uniform, reason why he looks so neat and fresh. Unlike before, nasa maayos na gupit rin ang buhok nito kaya kahit sa malayo ay maiisip mo talagang mabango ang lalaki. Which was true!

"May problema ka?"

Umiling ako sa kan'ya habang ang mata ay nasa daan dahil nagsisimula na kaming maglakad papasok ng gate.

"What are those things you are worrying about, then?" mahinahong tanong ng lalaki, para bang kinukumbinsi akong sabihin sa kan'ya ang nasa utak ko kahit wala lang naman talaga 'yon.

Umiling ulit ako sa kan'ya. "Wala 'yon. Hindi naman big deal, hindi naman na kailangang aalalahanin pa."

Nang makitang hindi pa rin kumbinsi si Kael ay nginitian ko ito.

"Wala nga, Kael."

Tinignan niya ako sa mata ngunit matapos ang ilang segundo ay wala na itong nagawa kundi tumango.

Napangiti na lamang ako nang maisip na may ganitong side pala si Kael. Nag-aalala siya 'pag nakikita niya akong tulala. To think na ang akala niya ay may problema ako pero ang totoo, lutang lang ako sa time na 'yon. Ang mas malala pa ay ayaw pa nitong maniwala.

Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad nang tanungin ko rin siya.

"Ikaw, okay ka lang din ba?"

He pursed his lips. "Not really."

My brows arched. "Bakit?"

He sighed. "I have a lot of school works to do today. Hindi ata kita makakasama ngayong lunch break."

I smiled and nodded understandably. "Okay lang 'yon."

"It isn't fine with me, Astraea," aniya at napahinto sa paglalakad. Tiningnan niya ako. "Hindi ko matitiis na hindi kita nakikita sa isang araw."

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now