CHAPTER 11

27 6 0
                                    

CHAPTER 11

"Death anniversary ngayon ni Aniezka..."

Pareho kaming natahimik ni Papa sa sinabi ni Mama. Labing apat na taon na ang nakalipas pero ganito pa rin kalungkot ang mukha ni Mama sa t'wing maalala na naman niya ang araw ng pagkamatay ng kapatid ko.

I looked down. Malamang, favorite nila 'yon noon. Mas mahal nila 'yon... at kung hindi lang namatay ang kapatid ko ay paniguradong nasa pangalawa pa rin ako sa puso nila. Palaging hindi nauuna... sa lahat.

I mentally laughed. Silly.

"Pinuntahan ko s'ya kaya ako nawala. Bakit? Nakalimutan mo na ba?" tanong niya kay Papa. "Nakalimutan... n'yo na ba?" baling naman sa akin ni Mama.

I closed my eyes and heaved a deep sigh. Nang muli akong mag-angat ng tingin ay nahuli ni Papa ang mga mata ko. His lips then formed a small smiled and gently nodded his head, telling me that I should go to my room.

I gulped. "Aakyat na muna po ako, Ma..."

Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Mama at dire-diretso nang umakyat sa kwarto ko. Muli akong nagpakawala ng mabigat na buntong-hininga bago humiga sa kama. Naramdaman ko agad ang lambot ng kama sa likuran ko.

Labing apat na taon na ang nakalipas pero ganoon pa rin... Mukha pa ring hindi sila sanay sa pagkawala ng kapatid ko hanggang ngayon. Not that I was happy about what happened to my twin. Walang may gustong mawalan ng kapatid. Ngunit hindi ko lang mapigilang isipin na hanggang ngayon ay si Aniezka pa rin talaga ang mahal niya.

We have to look forward in able to move forward. Though, hindi man natin kayang kalimutan ang nangyari noon ay kailangan pa rin nating tanggapin dahil doon nagsisimula ang lahat. We will start to let go when we are ready to accept the situation. When we are ready to accept the things that have happened in our life...

Ngunit ang salitang "tanggap" ay hindi ko pa rin kita sa mga mata ni Mama hanggang ngayon.

Muli akong nagpakawala ng mabigat na bungtong-hininga.

Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at agad na bumungad sa akin ang iba't-ibang kulay ng kalangitan. I walked towards the window and gently slide it to the side.

The different colors of the sky... birds and trees and the setting sun...

I smiled. "The view is too peaceful. Sana ganoon din ang mundo, 'no?" I whispered to myself.

Just then, I just found myself painting the view I've seen right now. I painted my window and the beautiful view behind of my window glasses on my canvas. May dumaang pang grupo ng mga ibon kaya sinali ko rin iyon. What I saw in my eyes was all painted on the square canvas.

Nang matapos ay kinumpara ko agad ito sa nakikita ko.

"Pwede na pala, Architect Irviene." I chuckled. "Gago, parang hindi bagay. Ampangit pakinggan."

Nilinis ko na ang mga kalat ko pagkatapos at dinisplay ang nai-paint sa wall. It wasn't really that bad, though. Maganda naman siya. Pero hindi pa ako masyadong confident sa nagawa ko kasi mukhang may kulang. Hindi ko lang alam kung ano.

"Future architect pero kung hindi papalarin..." I shrugged my shoulders. "Edi papalayasin."

Matapos ang sariling kalokohan ay naligo ulit ako. Pinagpapawisan ako kanina kaya medyo nalalagkitan ako sa sarili. Saka, mas maganda ang tulog ko kapag naliligo ako dahil mas nakakatulog ako nang mabuti at maayos.

Kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok nang biglang may maalala.

Astraea:
scam ka sa part no'ng sinabi mo saking nag-order ka sa chowking :(

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now