CHAPTER 12

21 5 0
                                    

CHAPTER 12

"Okay, boss!" rinig kong sagot ni Jaze kay Kael.

Napayuko ako at napailing. Matapos ang ilang segundong nakatayo ay muli akong nag-angat ng tingin bago lumapit sa table ni Ma'am Syrane.

"Nailagay ko na po, Ma'am."

Tiningnan ako ni Ma'am bago dahan-dahan tinanguan. "Thank you, Ms. Irviene. You may go now."

Maliit na napangiti ako at tumango.

"Saan ka galing?" bungad sa akin ni Anathiel nang makarating ako sa room namin. Lumapit ako sa upuan ko kung saan katabi ng sa kan'ya.

I raised a brow. "Bakit?"

He smirked. "Sana tinagalan mo pa."

Napalabi ako sa kan'yang sinabi. "Gan'yan mo ba ka-ayaw ang presensya ng pinsan mo, Anathiel?!"

He sighed as he held his chest. "Sobra."

Inirapan ko ang lalaki bago naglabas ng libro sa bag ko. Balita ko ay may inaasikaso pa ang professor namin kaya medyo matatagalan daw. Mabuti nga 'yon at marami ring bumabagabag sa aking isipan ngayon.

Karzleigh... Siya iyong babaeng kasama ni Kael sa story niya noong isang gabi na nandoon ako kila Nialle. Hindi ko inakalang makakalimutan ko 'yon. Marahil ay sumunod 'yong babae kay Kael para dito rin mag-aral kagaya ng lalaki.

Hindi ako sigurado kung anong namamagitan ng dalawa. Ngunit kung hindi man sila ay paniguradong gusto nila ang isa't-isa... base na lamang sa kung paano sila magkatitigan kanina.

Hindi pa nga ako sigurado ay nasasaktan na ako. At mas lalo ring ginugulo ng lalaki ang isipan ko sa kan'yang mga sinasabi noon. He said he was never been in a relationship before. Kung totoo man ang kan'yang sinabi ay baka nga wala talaga. Gusto lang nila ang isa't-isa pero wala "pang" namamagitan sa kanilang dalawa.

I mentally laughed. Pwede pala 'yon, 'no?

All those things he said and he did for me was just... nothing. Marami siyang sinasabing nakapagpagulo lang ng isipan ko ngunit matapos ang lahat, matapos dumating ang babae, ay wala lang pala ang lahat ng iyon. He made my hopes up with those things and words he had been saying and doing for me but I really didn't expect it to be like this.

Na ang akala ko ay magiging wala lang pala.

Minsan na nga lang umibig, bigo pa.

Napailing ako sa sariling isipan. I can't believe I loved him to the point that seeing him with someone else made my heart broke into a little tiny pieces. Gusto ko siya mula noon... at ngayong mukhang nakahanap na siya ng babae na hindi ako ay parang sinasakal nito ang puso ko.

But of course, it wasn't his fault and neither did mine, too. Hindi niya kasalanan kung bakit ang pinili ng puso niya ay ang babae at hindi ko rin kasalanang ang pinili ng puso ko ay siya.

Bumuntong-hininga ako bago yumuko sa mesa ng upuan ko.

Gusto kong mapag-isa ngunit dahil nasa classroom ako ngayon ay sinikap kong i-udlot ang pa-d-drama ko. Ampangit naman kung dito ako mag-d-drama. Nakakahiya.

Ilang minuto ang lumipas nang ganoon lang ang posisyon ko. Lumilipad sa kung saan-saan ang utak ko kaya kahit wala akong ginagawa ay parang pagod na pagod ako.

Doon lang ako napaangat ng tingin nang marinig ang mga tilian ng mga estudyante sa labas ng classroom namin. Tuloy ay nagsi-unahan din ang mga kaklase namin para makasilip din sa pinto.

"Anong meron?" hindi mapigilang tanong ko.

Anathiel shrugged. "Ewan. Ako talaga dapat 'yong titilian nila, nagkamali lang."

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now