CHAPTER 17

25 4 0
                                    

CHAPTER 17

Buong byahe ay tahimik lang ako hanggang sa makarating kami sa chowking na pagmamay-ari ng pamilya ng lalaki. Hindi ko na din nagawa pang basahin ng malakas ang text kay Kael at hinayaan na lang na siya na ang magbasa no'n.

Sa buong byahe na kasama ang lalaki ay lumilipad ang utak ko.

Sa sinabi ni Leigh noong isang gabi na maaaring si Kael nga ang tinutukoy niya, sa mga salita at aksyon ni Kael na hindi ko alam kung totoo ba, at sa akin na hindi man lang alam kung saan maniniwala.

I trust Kael. But, my mind couldn't stop thinking otherwise.

Nang mabasa ko ang text ng babae ay doon ko nakumpirmang si Kael nga ang gusto ng babae na tinutukoy niya noong isang araw.

At hindi ko lang mapigilang hindi masaktan kahit na wala naman talaga akong magagawa kung gusto nga ng babae si Kael, lalo pa at hindi naman natin kayang pigilan ang nararamdaman ng isang tao. Saka, ilang beses naman nang inamin ni Kael na walang namamagitan sa kanila ni Leigh at hindi niya gusto ang babae kaya bakit naman ako mag-iisip ng iba? Kung gusto nga ni Leigh si Kael, kung gano'n ay labas na ako do'n.

And we all knew that Kael is courting me so I'm sure he turned her down!

Hindi dapat ako mag-isip ng iba. Naniniwala rin ako sa lalaki kaya alam kong hindi niya magagawa ang mga bagay na alam niyang makakapagpasakit sa akin o sa damdamin ko.

I sighed.

"Dito tayo sa second floor," saad ng lalaki sa akin at hinawakan ang kamay ko para alalayan papunta sa itaas.

I bit my lower lip. Bukod sa pag-iisip ng kung ano ay kanina pa ako kinakabahan na baka makita ko ang Mommy ni Kael. Nagkita na kami noon at napagkamalan ko pa talagang sugar mommy ng lalaki! Buti na lang at hindi ko natanong sa Mommy niya na sugar mommy ba siya.

"Your hands are cold. Kinakabahan ka ba?" tanong ng lalaki at napabaling sa akin.

I chuckled nervously. "N-nandito ba Mommy mo?"

He shook his head. "No," he said. "Why? Do you want me to tell her to come here?" he asked, grinning.

Mabilis akong umiling sa kan'ya. "'Wag! Nakakahiya naman at talagang hindi ako nag-ayos ngayon!" Nakasimpleng T-shirt lang ako at pantalon at ayokong ganito ako haharap sa Mommy niya!

His forehead creased. "You don't need to dressed up, Astraea. Maganda ka naman palagi kahit anong suotin mo."

Hindi ko magawang samaan ng tingin ang lalaki dahil nag-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya.

Minsan lang akong nakakatanggap ng compliment. Sina Anathiel at Sierra naman ay puro saway lang ang ginagawa sa akin kaya hindi ko maiwasang mamula kapag nakakatanggap ako ng papuri. Lalo na ngayon na galing 'yon sa taong... special sa 'kin.

Magtatanghali na rin kaya nang makarating kami sa second floor ay bumungad sa amin ang sobrang daming taong kumakain. Sa first floor naman ay halos wala ng upuan, idagdag pa natin ang mahabang pila ng mga taong umo-order.

"Pina-reserve mo 'tong table natin?" tanong ko nang makitang ito na lang ang upuang hindi occupied. Maganda rin ang pwesto dito dahil tabi iyon sa glass wall dahilan para makita ko ang mga taong palakad-lakad sa labas.

He nodded his head. "Madaming customers so I told them to reserve this one for us."

Tanging tango lang ang naisagot ko sa lalaki bago ibinaling ang atensyon sa labas. Hindi na rin kami naghintay pa ng mahabang oras dahil matapos ang ilang sandali ay ni-serve na nila ang mga pagkain namin.

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now