CHAPTER 21

33 4 0
                                    

CHAPTER 21

I laughed sarcastically. “Stop bothering me, Kael. Just leave me alone.”

Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata ng lalaki nang marinig ang sagot ko. Iniwas ko na lang ang tingin sa kan’ya at napatikhim. Nang namataan ko si Sierra na papalapit na sa direksyon ko ay pinandidilatan ko ito ng mata dahilan para dali-dali siyang lumapit sa gawi namin.

“Oh, hi!” bati pa ng babae kay Kael ngunit mabilis ko nang hinablot ang kamay nito para makaalis na kami kaagad sa harapan ng lalaki.

Just with that, Kael was left there alone. I didn’t bother looking back at him again, not when I can feel that he was still staring at us from behind.

Nang makalayo-layo na kami sa gawi ng lalaki ay doon lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko gusto ang patuloy na panggugulo sa akin ng lalaki. Kung saan gusto ko na siyang kalimutan at iwasan, saka pa kami palaging pinapatagpo ng tadhana.

I know, alam kong hindi maiiwasan iyon lalo pa at parehas lang kami ng paaralan na pinapasukan. Kahit malayo pa ang building niya sa building ko ay may tyansa pa ring magkatagpo kami.

But the thing here is, bakit siya nandidito?! Out of all places, really?!

“Lover’s quarrel yarn?”

Napukaw ang atensyon ko sa kaibigan nang magsalita ito. Binalingan ko ito ng tingin at nakitang nakangisi itong nakatingin sa akin.

“Quarrel lang, hindi kami lovers.”

Her forehead creased. “Hindi mo pa sinagot ‘yon?!”

“Hindi na,” sagot ko. “Hindi mo alam ‘yon?”

Umiling siya sa akin. “Hindi. Ang akala ko ay kayo na.”

I chuckled. She really thinks that we’re together, huh?

Ibinaling ko ang atensyon sa labas at napahinga nang malalim. “I turned him down, Sierra.”

“Ano?!”

Hindi ko man nakita ang mukha ng babae ngunit alam kong nanlaki sa gulat ang mga mata nitong nakatingin sa akin ngayon. Mabilis niyang hinawakan ang magkabilang balikat ko at niyugyog iyon. Tuloy ay wala na akong nagawa kung hindi ang humarap sa kan’ya.

I sighed. Hindi naman sa big deal iyon!

She looked at me, eye to eye. “Totoo?” she asked.

I nodded my head. “Yes. At siguro nga ay... tama ka, Sierra. Ayaw ko lang na... ipagpilitan pa ang sarili ko sa kan’ya,” I uttered. “Obvious rin naman, simula noong dumating ang babae ay palaging nandoon na ang atensyon ni Kael. Binabalewala ko lang iyon kasi ayaw kong mag-isip nang gano’n.”

Nakatutok lang ang mga mata ng babae sa akin kaya kahit nakakapanibago ay pinigilan ko na lang ang sariling matawa sa reaksyon niya.

“He said they’re just friends, but...” I smiled bitterly. “Friends lang ba talaga?”

Her eyes soften and that made me laughed a bit.

“Bakit gan’yan ka makatingin?” hindi mapigilang tanong ko neto.

She then pouted her lips. “Baka ni-reject mo siya dahil sa mga sinabi ko, ah? Saka, alam ko naman kung gaano mo ‘yon kagusto simula noon pa, Astraea. Mahirap ‘yon, panigurado.”

“Well, to be honest, your advice really helps me a lot to realize things. Pero hindi naman iyon ang main na dahilan, Sierra.”

She heaved a deep sigh. Tinapik niya ang balikat ko at maliit na ngumiti sa akin. “Okay lang ‘yan. Marami pa namang mas gwapo kay Kael.”

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon