CHAPTER 6

36 6 0
                                    

CHAPTER 6

"You should always take care of yourself..."

I gulped as I turned my eyes to somewhere else. Dahil kung hindi, paniguradong sasabog na ang puso ko sa mga mata niyang nakapukaw lang sa akin. Ilang beses na kaming magkaharap-harapan pero ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Walang nagbago... at mukhang hindi na talaga iyon magbabago.

Lalo na ngayon dahil ramdam ko ang mga titig na iginawad ng mga estudyante sa aming dalawa. Nakakailang at kung ano man ang iniisip nila ay alam ko na iyon.

I heard him heaved a sigh. Laking gulat ko nang bigla niyang hawakan ang kamay ko na hindi ko napansing may maliit na sugat pala doon. Siguro'y dahil 'yon sa mga maliliit na pirasong bildo na nabasag kanina.

He then looked at me. "Does it hurt, Aniezka?"

My eyebrows furrowed as I looked at him. Aniezka...? Hindi naman ako si Anieszka! And how did he knew about my... sister?

Hindi na ako nakasagot pa nang bigla niyang lagyan ng bandage ang sugat ko. Nang matapos ay gulong-gulo ang isipan ko sa kaiisip kung paano niya nalaman ang pangalan ng kapatid ko. Kung paano niya ako tinawag gamit ang pangalan ng kapatid ko kahit hindi naman ako 'yon. Kahit na wala na iyon.

Kahit na walang ibang nakakaalam pa no'n.

"Hey, what do you think you guys are doing?" suway ni Kael sa dalawang bully na sina Kacy at Allys. "Can't you guys stop from hurting someone? It isn't funny at all."

The girls both gulped as they looked down.

Kael tsked. "Grow up. You guys are old enough," tanging sabi ng lalaki bago hinatak ang kamay ko para magsimulang maglakad na papaalis.

Hindi ko 'yon inasahan pero hindi ko na ito nabigyan pa ng pansin dahil bumabagabag pa rin sa utak ko ang paraan ng pagtawag niya sa akin kanina.

"We aren't the one who started this!" biglang sigaw ni Kacy dahilan para mapahinto kami sa paglalakad.

Muling lumingon kami kay Kacy.

"You guys are known as bullies," he said as he smirked sarcastically. "Right, hindi nga kayo ang nagsimula nito."

Kacy gulped again before answering. "I'm telling you the truth."

I saw boredom passed through from Kael's eyes as if he just heard something that isn't interesting at all. Ramdam ko ang tensyon ng dalawa at alam kong hindi lang ako ang nakakaramdam noon dahil halos lahat ng estudyanteng nandito ay nakatingin lang sa dalawang nagsasagutan. Animo'y nag-aabang sa maaaring mangyari.

"Nonsense. Get back your act together, Kacy."

"Bakit ba ayaw mong maniwala na hindi talaga kami, Kael?" mahinang sambat ni Allys. Mukhang kinakabahan sa lalaki. Si Kael kasi ang SSG president, for sure, maga-guidance sila kung isusumbong sila ni Kael.

Still, Kael didn't show any emotions. Walang ekspresyon at mukhang walang pakialam.

Lumingon si Allys sa ibang direksyon at tinuro ang babaeng nakaupo sa gilid habang nagbabasa ng libro. Napakunot tuloy ang noo ko dahil hindi tulad ng iba, wala itong pakialam sa nangyayari sa paligid niya na para bang may sariling mundo.

"It's h-her!" sigaw ni Allys habang tinuturo pa rin ang babae.

Doon ay umangat ang tingin ng babaeng nagbabasa kay Allys. Tulad ni Kael ay wala rin itong ekspresyon sa mukha. Her face was emotionless at mukhang mataray... but I admit she's pretty... really pretty.

"What?" the girl asked coldly.

Allys gulped. "Why can't you tell them that you started this mess, Prez?"

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz