CHAPTER 22

30 4 0
                                    

CHAPTER 22

His lips parted. Hindi agad siya nakasagot at nanatiling nakatulala habang nakatitig sa akin. My classmates, on the other hand, were screaming in excitement. Parang sila pa itong kinikilig sa amin.

“Oy oy! Live show! Shuta, after so many years, in a relationship na ulit ang ating queen!” sigaw ni Unica.

“Kaya nga,” sabi naman ni Ellaine. “Gago, parang naiiyak ako.”

Umingay ulit silang lahat. Kung titingnan mo sila ay masasabi mong lasing na lasing na ang mga ito. Ang iba nga naming kaklase ay natutulog na. And of course, my classmates, being a naughty one, kept on taking a picture of them and laughed it off after seeing how ugly their friend’s face is.

I mentally laughed. Parang mga sira.

Nakatutok lang ang atensyon ko sa kanila nang makita ko ang bahagyang pag-iling ni Kael. Kanina ay nakatulala lang ito sa sahig at ngayong nakatingin na siya sa akin ay parang ngayon lang nagsisink-in sa utak niya ang mga sinabi ko kanina. Patuloy pa rin sa pag-iingay ang mga kaklase ko at doon lang sila tuluyang natahimik nang biglang magsalita ang lalaki.

“No. You’re just drunk, Astraea,” aniya. “You are not in your right mind,” umiiling pa ring saad niya.

My eyebrows furrowed. “I’m not drunk, Kael. And I’m in my right mind!” I stated. “Ano bang pinagsasabi mo?”

Aaminin kong nahihilo na ako pero alam ko sa sarili ko kung ano ang pinagsasabi at ginagawa ko ngayon. Hindi ako lasing. Nahihilo lang ako pero hindi pa ako lasing.

He breathed and looked deeply into my eyes. “Sabihin mo na lang iyon ulit sa akin kung hindi ka na lasing o hindi ka nakainom, okay?” mahinahong tanong niya. “I wanna... hear it again, love.”

Napabuntong-hininga ako. “I’ve told you, hindi nga ako lasing,” madiin kong ani, medyo naiinis na sa sinasabi ng lalaki.

Napapikit siya at napayuko. Ilang minuto siyang nanatiling ganoon bago napaangat ulit ng tingin sa akin. “I know you, Astraea. You can’t just... say like those kind of words so easily,” he uttered. “Especially when you are in front of your friends and classmates.”

I scoffed. Ngayong gusto ko na siyang bigyan ng karapatan sa ‘kin, siya na naman itong aayaw?! Gusto niyang payagan ko ulit siyang manligaw sa ‘kin at ngayong sinagot ko na siya ay parang ayaw niya pa!

Seryoso ko itong tiningnan. “Ano ba talaga, Kael? You’re confusing me! Sinagot na nga kita pero parang ayaw mo—”

“Guys?” Jaze suddenly said, cutting me off.

Napalingon ako sa kanila at doon ko lang napansin na nasa amin na pala ni Kael ang atensyon nilang lahat. Hindi man lang sila nagsalita at talagang nakikinig lang sa aming dalawa ng lalaki.

“Uh, I guess... you guys need to talk privately?” Jaze then said. “I’m sorry for interrupting, anyway. But I think you two need to talk... nang kayo lang dalawa.”

Dahil sa sinabing iyon ni Jaze ay muling natahimik ang paligid. Binalingan ko ng tingin si Kael at nakitang nakatingin din ito sa akin. Iniwas ko na lang ang mata ko sa kan’ya at itinuon na lang ang atensyon sa iba.

Ilang minuto kaming ganoon nang may bigla na lang umiyak, dahilan para mapabaling ang atensyon naming lahat doon.

“Guys,” naiiyak na saad ni Yasmine. “Miss ko na ex ko, guys,” umiiyak nitong sabi.

Mabilis ang ginawa kong pagkagat sa sariling labi para mapigilan ang sariling matawa. Sina Unica naman ay tuluyan nang tumatawa nang napakalas. Ang iba nga ay kumukuha na ng video sa babae!

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now