CHAPTER 18

21 4 0
                                    

CHAPTER 18

With an unwanted thoughts, I turned my back against them.

Ngayon ay alam ko nang si Nialle pala ang gusto ni Leigh. Pero bakit gano’n? Parehas lang naman silang walang nararamdaman sa isa’t isa pero bakit masakit pa ring isipin ang pigura nilang dalawang nagyayakapan kanina? Kahit sabihin pa nating magkaibigan lang sila ay paulit-ulit pa rin nitong sinasakal ang puso ko.

At ayoko ng ganitong pakiramdam.

I breathe heavily. Am I too sensitive or am I too considerate?

Palagi kong kinukumbinsi ang sariling normal lang ‘yon, na okay lang ‘yon, na walang masama sa mga ‘yon, pero sa tuwing makakaramdam ako ng kirot sa puso ko ay nagagawa kong tanungin ang lahat ng iyon.

Na normal lang din bang masaktan ako? Na okay lang din bang maramdaman ko ‘to?

Nanliligaw pa lang ang lalaki ngunit marami na akong mga agam-agam sa kan’ya at sa sarili ko.

And it bothers me. It made me asked myself.

Should I let this feelings go down or should I turned him down? But, imagining myself telling him to stop courting me scares the hell out of me.

Mahal ko rin naman kasi siya. Mula noon pa, hinihiling ko nang sana ay mapansin niya rin ako. At ngayong nagkatotoo nga, sasayangin ko pa ba ‘tong pagkakataon na ‘to?

Alam kong mali. Maling ipilit na maging kami kahit ayaw ng tadhana. Dahil kung ipagpapatuloy ko itong nararamdaman ko at hayaan na lamang ang mga bagay na nakakapagpadulot ng sakit sa sarili ko, alam kong sa huli, ako pa rin ang magdudusa. Sa huli, ako pa rin ang kawawa. Sa huli, ako pa rin ang masasaktan.

Ika nga nila, kailangan mo nang putulin ang ugnayan bago ka pa masaktan nang tuluyan. Pero ano bang magagawa ko? Mahal ko na ‘yon, eh. Kahit paulit-ulit pang sabihin ng isip kong itigil na, nagpupumilit pa rin ang puso kong ituloy pa.

And it sucks.

The battle between my mind and heart sucks because we don’t know which of the two of them should we follow. Dahil ngayon, kahit nasasaktan man, alam ko sa sarili kong dadating din kami sa puntong parehas kaming masaya. Na walang ibang iniisip kung hindi ang pagmamahalan lang naming dalawa. Hindi pa man kami ngunit wala na akong nakikitang iba bukod sa kan’ya.

Bukod kay Kael...

At siguro, napakababaw ko lang talagang tao. At alam kong hindi ‘yon deserve ni Kael.

Dahil sa pag-iisip ay nakita ko na lang ang sariling napahinto sa paglalakad, hindi malaman kung saang daan ang tinungo ko kanina.

I sighed. Great! Hindi ko na alam ang daan ngayon!

“Do you need help?”

I looked back where the voice came from and saw that it was from Javier Vaughn, Jy’s one-year younger brother. Iyong tinutukoy ni Jy sa tweet niya noon at ‘yong tinutukoy nina Jaze at Kyaide kaninang ka-loveteam ni Xyviera.

I nodded my head. I was surprised to see him here but I couldn’t get myself back to its right senses. Lumilipad pa rin ang utak ko sa tuwing naiisip ko ang dalawa kanina.

“Ano, hindi ko kasi alam kung saan papuntang entrance, malapit lang kasi do’n ‘yong table ng mga kaibigan ko,” sagot ko sa lalaki.

“You’re one of my brother’s friends, right?”

I small smiled as I nodded again. “Oo. Pwede mo bang ituro sa ‘kin ang daan?”

Tumango siya. “Of course. But...” he trailed off. “Can I ask you one thing?”

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon