CHAPTER 19

27 4 0
                                    

CHAPTER 19

Matapos ang gabing iyon, bihira na lamang kaming nagkakasama ni Kael. Hindi dahil wala kaming sapat na oras, kung hindi ginagawan ko ng walang oras ang isa’t isa.

At alam kong pansin niya iyon.

I waited for him that night because he promised that he’ll be back immediately, but unfortunately, he didn’t.

Matagal akong naghintay sa kan’ya doon dahil pinaniniwalaan kong babalik siya. Pagod at inaantok na ako sa mga oras na ‘yon at kahit inaaya na ako ng pinsan kong umuwi na ay tumanggi pa rin ako dahil nasa isipan kong kapag uuwi ako, magagalit sa akin si Kael dahil hindi ko hinintay ang pangako niyang babalik siya.

I waited long for him, only to found out that he will never comeback again...

Not gonna lie, I was mad, impatient and jealous that time. Sino ba naman ang hindi maiinis sa taong pinangakuan kang babalik agad ngunit matapos ang isang oras, dalawang oras, tatlong oras, ni kahit anino neto wala? Naghintay ako ng tatlong oras tapos malalaman ko na lang pala na hindi na siya babalik?

“Astraea, I... I bought some foods from chowking. Gusto mo ‘to, ‘di ba?”

Napaangat ako ng tingin sa lalaki at tiningnan ito ng walang ekspresyon sa mukha. Alam kong kinakabahan ito ngayon, hindi ko nga lang matukoy kung dahil ba sa akin o dahil baka hindi ko tanggapin ang pagkaing dala niya.

Huminga ako nang malalim. “Huwag mo akong guluhin, Kael. Kita mo namang may ginagawa ako, ‘di ba?”

I saw pain passed through his eyes so I immediately looked away.

Nandito ako ngayon sa room namin at ginagawa ang iba kong plates. Kami lang tao ang nandidito dahil vacant time namin ngayon kaya kadalasan sa mga kaklase ko ay nasa cafeteria o library.

Hindi ako tanga at hindi rin ako manhid para hindi makaramdam na gumagawa ng paraan ang lalaki para magkaayos kami. Simula kasi noong mabasa ko ang text niyang hindi na siya babalik ay hindi na ako nag-reply pa sa kahit anumang mensaheng natatanggap ko mula sa kan’ya.

I’m ignoring him for almost a week now. Kinausap niya agad ako matapos ang gabing iyon ngunit dine-dedma ko lang siya. Binibigyan niya ako ng kung anu-anong pagkain ngunit tumatanggi ako sa lahat ng binibigay niya. Inaaya niya rin akong lumabas pero ni isa doon ay wala akong sinipot.

Call me names, OA man o sensitive, ngunit wala na akong pakialam. Galit ako at totoong nasasaktan na ako sa mga pinaparamdam ng lalaki sa akin. Nasasaktan ako sa tuwing nagiging bale-wala ako kapag nand’yan ang babae. Nasasaktan ako sa tuwing nagiging abala ako kapag nand’yan si Leigh.

And that’s why I’m doing this. Ginagawa ko ito hindi dahil para magpapapansin ngunit para makita niya ako... makita niya ang presensya ko.

Isa pa, sinusukat ko kung gaano siya katunay bilang isang manliligaw ko. Kasi base sa nakikita ko ay tama si Sierra, Kael’s courting me but he’s doing it to Leigh, instead to me. Naging manliligaw siya ngunit hindi sa akin, kung hindi sa ibang babae.

“Hey, Astraea.”

Napalingon ako sa kung saan nanggaling ang pamilyar na boses.

“Oh, Nialle? Kumusta?” nakangiting tanong ko sa lalaki. Akmang papasok na sana ako sa loob ng library nang makita ko siyang nakatayo sa gilid ng pintuan.

He smiled. “Well, I’m fine,” he answered. “Ikaw? Kumusta ka?”

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ang huling pag-uusap namin ni Nialle na hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok sa utak kong gusto niya ako.

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now