CHAPTER 24

52 3 0
                                    

CHAPTER 24

After that, I stood up and went home.

It's painful knowing Kael needs someone who isn't me. Parehas nilang kailangan ng isang taong masasandalan ngunit masakit isiping matutupad lang nila iyon nang sila lang. Nang hindi na nila kailangan ng... ako.

And it's kinda... unfair. Ako 'yong girlfriend ni Kael pero nagpapadamay siya sa iba. Ako 'yong mahal pero hinahayaan niya lang na samahan siya ng iba. At ako 'yong mas may karapatan pero nagpapa-alaga siya sa iba.

Nandito rin naman ako. Tulad ni Leigh ay kaya ko rin siyang damayan. Kaya ko rin siyang mahalin nang mas higit pa sa pinaparamdam sa kan'ya ng babae. Kaya ko ring gawin ang lahat... para sa kan'ya.

But still, he chose her.

And if he really thinks that he could only find comfort with Leigh, then I have nothing to do with it. Wala na akong magagawa do'n dahil sa salita pa lang na iyon ay talo na agad ako.

I'm not mad at Kael neither did I to Leigh. Kung kailangan talaga ng lalaki ang babae, kahit masakit man, ay okay lang. Alam ko rin namang kailangan ng babae ang isang taong masasandalan at mapagkakatiwalaan. Bukod din ni Kael ay wala na akong ibang kilalang maaasahan ni Leigh. Tanging ang lalaki lang ang nakakakilala sa kan'ya nang tunay.

So, I should understand him... them.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagiging ganito gayong dapat pa nga akong maging kampante dahil may isang taong nandiyan para sa lalaking mahal ko. As long as I know that he belongs to me, then there's no point for me to feel some sort of things anymore. Isa pa, I don't want him to think that I didn't trust his love because for sure, it will only ruined our relationship. It will only ruined... us.

"Nakapasa ka na kay Ma'am Ivie?" tanong ni Anathiel sa akin habang nagliligpit siya ng gamit niya. Birthday ni Unica at nang-aya ang babae sa aming mag-lunch sa labas kaya nag-aayos kami ng gamit namin para makalabas na.

Hindi na sana ako sasama sa kanila at baka sakaling yayain ako ni Kael mag-lunch sa cafeteria pero dahil hindi iyon nangyari ay wala akong nagawa. Bukod din do'n ay hindi rin ako sigurado kung pumasok ba ang lalaki, hindi ko kasi ito nakita mula kaninang umaga pa. Hindi ko rin naman magawang pumunta sa building nila dahil bukod sa wala akong sapat na oras ay busy rin ako.

Tumango ako. "Bakit?"

"Binalik 'yong akin, tangina. Pinaghirapan ko rin naman 'yon pero mukhang hindi pa rin sapat." Huminga siya nang malalim. "Gagawa ulit ako nito panigurado. Hindi ko na naman makikita bebe ko."

I cringed. "'Di ka sure. Araw-araw mo nga 'yong binibisita."

"Noon, oo," sagot niya. "Pero ngayong mga nagdaang araw, hindi na masyado. Ang dami ko kasing kailangang gawin at ipasa. Badtrip pa na patuloy pa rin sa pagpapapansin si Claire."

Nang matapos naming ayusin ang gamit namin ay lumabas na kami ng room. Nauna na si Unica kasama ang mga kaibigan niya kaya sa McDo na kami magkikita, kung saan sinabi ng babaeng doon kami kakain. May klase pa kasi kami ngayong hapon at isang oras lang ang lunch break namin kaya hindi pwedeng mapapalayo pa kami sa school.

I raised a brow. "Hindi pa rin nakakamove-on 'yon?!"

He shrugged his shoulders. "Ewan. Sobrang papansin, eh. Okay lang sana kaso, nanggugulo pa. Ayon, naging cold tuloy si Von."

Kumunot ang noo ko. Talagang hindi tumitigil 'yang Claire na 'yan, ha? Siya na nga itong lumandi sa iba at ngayong malaya na siyang makapaglandi ulit, manggugulo na naman?

Narinig ko ang pagpakawala ng mabigat na buntong-hininga ng lalaki. "O baka hindi ata talaga ako gusto ni Von, 'no?" he asked. Nangingiting umiling siya ngunit alam kong pilit iyon. "Sakit no'n, gagi."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon