CHAPTER 2

47 11 0
                                    

CHAPTER 2

Song Used: Only You - Joseph Vincent

***

"Sobrang epal mo, Anathiel."

He chuckled. "Look, I'm sorry! Malay ko ba na nanghingi pala iyon ng number mo? At hindi ko rin kasi alam na nag-uusap pala kayo. Akala ko ay hinanap lang ako, okay?" paliwanag niya.

"Dasurv," pang-iinis naman ni Sierra sa gilid.

Napasimangot na lang ako at pinagpatuloy ang paglalakad. Galing na kami sa McDo, at kasalukuyang papunta na sa parking lot ng school para hintayin si Papa sa pagsundo sa 'kin.

Puno ng paghihinayang ang puso ko nang hindi ko man lang naibigay ang number ko kay Kael! Kung naibigay ko lang, edi sana, nagtetext na kami ngayon! O hindi kaya ay naglalandian na!

Pero mukhang hindi talaga siya para sa 'kin.

I was about to get his phone to type my number but unfortunately, Anathiel arrived. And guess what? Imbis na ibigay ko ang number ko ay sila na ang nag-usap! Syempre, nahiya na ako dahil iba na ang kanilang pinag-uusapan so expectedly, umuwi akong bagsak ang balikat dahil sa paghihinayang.

I sighed.

Gusto ko mang sisihin si Anathiel sa nangyari, alam kong kahit ano pa ang gawin ko ay hindi na magbabago pa ang nangyari na.

Hindi ko inasahan 'yon! At aaminin kong ginugulo nito ang isipan at puso ko. His moves made my hopes up, at wala man lang siyang kaalam-alam na muntik na nitong pinasabog ang damdamin ko kanina! Who would've expect that? Kahit ni-isang sulyap man nga lang ay alam kong wala akong chance noon.

But look what happened?

Hindi niya lang ako dinapuan ng tingin at kinausap, kung hindi pati na rin hiningan ng number! At alam ko sa sarili kong gustong-gusto ko ito dahil matagal ko nang pinangarap na mapansin niya ang presenya ko. At nangyari nga iyon.

Wala akong kahit isang ginawa noon para mapansin niya dahil bukod sa natatakot ako na baka mapahiya, ayoko ring ipilit ang sariling mapansin sa taong hindi iyon magawa. At ngayong parang may pag-asa na ako ay hindi ko maiwasang mainis sa nangyari kanina! Hindi ko man lang talaga nabigay sa kan'ya ang number ko.

"Okay lang 'yan, Astraea. Deserve mo rin naman ang nangyari. Tinatawanan mo 'ko sa nangyari sa 'kin kanina, aba't dapat lang ring hindi mo nabigay sa kan'ya ang number mo 'no!" si Sierra.

"Sierra," I called her.

Tinignan niya ako. "Bakit?"

"Ba't 'di ka pa kinuha ni Lord?"

She laughed. "Huling kukunin 'yong mga magaganda, Astraea. Kaya ikaw, mag-iingat ka."

Inirapan ko siya at lumapit na sa sasakyan na kakarating lang dahil sigurado akong si Papa na 'yon.

"Uuna na ako, bye!" paalam ko sa dalawa bago tuluyang sumakay na.

Pinaandar na ni Papa ang sasakyan nang matapos kong mag-seatbelt kaya ibinaling ko na lang ang atensyon sa bintana at baka mapansin pa ni Papa ang mukha kong halatang malungkot.

I sighed as what happened earlier flashback on my mind.

Hindi ko man naibigay kanina, hindi naman ibig sabihin no'n ay wala nang bukas o pag-asa. At saka, number lang naman 'yon! That's not a big deal. Hindi dapat ito ang rason para maging malungkot ako dahil bukod sa pwede ko siyang masilayan sa school, pwede ko rin naman siyang kausapin... kung hindi ako mahihiya.

"Ano at malungkot ang anak ko?"

Napabalik ako sa sarili at nilingon si Papa.

I smiled. "Wala naman, Pa. May iniisip lang at... inaalala," sagot ko. Binalik ko ulit ang tingin sa harap at pilit inalis ang paghihinayang sa damdamin.

Under the Dazzling Night Sky (Hearst Series #1)Where stories live. Discover now