Chapter 8

47 3 0
                                    

4H club

Maaga akong nagising kay Caius. Di ko alam na tulog mantika pala siya. Mukhang di sanay gumising ng maaga kahit na maaga naman ang tulog niya.

Lumapit ako sa higaan nito. Bakit kaya ganon 'no? Kahit nakaawang ang labi niya kung matulog ang gwapo parin niya tingnan, ang unfair.

I looked into his lips. My lips touched this once. And I can't believe that. Sa sobrang gulat ko nung mga oras na iyon ay di ko man lang na-enjoy ang first kiss ko.

Nilapit ko ang mukha ko dito. Kitang-kita ko ang mahahabang pilik-mata nito. Ang pag-galaw ng talukap ng kanyang mata. At rinig ko ang hingang pinapakawalan niya mula sa bunganga niya.

I closed my eyes as I made my lips pressed unto his. Tanging ang pang-ibabang labi lang nito ang nadadampian ng aking mga labi. I opened my eyes and to my horror, his eyes are already open.

Looking at my eyes with his sleepy expression. Agad akong lumayo sa kanya at nag-iwas ng tingin.

Kung lalaki lang talaga ako magiging baliko ata 'ko neto e. But I am a guy to him, and it is strange to kiss him. Baka di siya pumapatol sa lalaki. But he kissed me first right? So that means pumapatol siya?

"A-Ang baho ng hinanga mo." sabi ko dito habang nakaiwas parin ang tingin. Narinig ko ang pagbangon nito at pagpapakawala ng hininga saka inamoy.

"It's not that bad." komento nito sa sariling hininga. Well, di naman talaga e, palusot ko lang 'yon sa kagagahan ko.

"But what's bad is what you did." nanlamig ako sa kinatatayuan ko ng sabihin niya iyon. I panicked.

"It's n-not what y-you think, I just... It j-just that–"

"Kissing someone at their sleep is rude. So next time, wake me up." he said while smirking. I looked at him with disbelief. My jaw dropped on what he said.

"I... hate you." I said saka na lumabas. Buong klase ay lutang ako dahil sa nangyare. Di ko man lang namalayan na tapos na ang araw at 'yun parin ang iniisip ko.

I was so tired ng makabalik sa dorm. Wala pa si Caius. Wala rin ako sa mood para makita siya. So I changed my clothes at naghanda na sa paglabas.

Nasa gate ako at ang isang guard ang nagbabantay. Sa pader ng gate ako dumaan dahil ayokong tanungin pa ako ng guard.

Kanina lang kumalat ang usap-usapan na ako na ang bagong Sekretarya. Maraming nagtatakha kung bakit ako dahil nasa mababang rangko lang naman ako. Pero may mga alam din ang dahilan kung bakit ako. At 'yun ay dahil nasa iisang room kami ni Caius.

And that Mr. Gen, the former Secretary, siya pala ang dapat na roommate ko. Kaso ng dahil sa pagpapaalis ni Caius sa kanya sa posisyon, malaking kahihiyan sa pamilya nila kaya nakapag-tranfer ito sa ibang school.

Madaling makapasok sa school na 'to. Pero madali ka ring makakalabas kapag nakagawa ka ng kahit maliit na pagkakamali.

I dialed a number of a known person nang makalabas na sa school. I was wearing an black fitted jeans and a leather jacket. Sa loob nito ay ang plain white crop top ko.

"Hello." bati ng nasa kabilang linya.

"Boys' front gate, make sure that you're bringing my favorite." sabi ko dito.

"Ihh, nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa e. You're lazy as always." pagrereklamo nito agad.

"C'mon Ziah, work your butt of. I'll wait, be here in three minutes." narinig ko ang padarag na pag-galaw nito sa kabilang linya. I just tsked at binaba ang tawag. I waited for her at di pa nga nag-tatatlong minuto ay nakarating siya.

Nakasakay ito sa motor ko. Inalis niya ang helmet saka tinapon sakin ang susi. I catched it saka sumakay sa motor.

"Wait, uuwi rin ako, baka hanapin ako ni mama e. Di na nga 'ko nakapag-paalam." sabi nito. I rolled my eyes on her and dialed a number. Dalawang ring bago sinagot ng nasa kabila.

"Hello?" bati ng nasa kabilang linya.

"Ma, kasama ko po si Ziah, gagabihin po kami ng uwi." paalam ko sa Mama niya.

"Ganon ba? basta mag-iingat kayo ha." I said opo saka binaba na ang tawag.

"Wear that." I said to her. Sinuot naman nito ang helmet saka ko pinaharurot ang motor.

Nakarating kami sa 4H night club ng wala sa oras. I parked my motor bike. Kakaopen pa lang ng bar kahapon kaya maraming tao.

"Surname." sabi ng malaking lalaki na nagbabantay sa front door.

"Davis." I answered. Tumango ito sa akin. Akmang tatanungin niya rin si Ziah nang unahan ko na siya.

"She's with me." tumango ang lalaki saka kami pumasok pareho.

The Davis are famous at least. So mga well known people lang ang pinapapasok sa bar na ito. That's great.

Marami nang tao sa loob. Nagsasayawan sa dance floor at nag-iinuman sa table. Dumeretso ako sa counter at nag-order na. I looked at Ziah pero umiling lang ito sa akin. I just shrugged.

"Dapat nagbabasa ako sa ganitong oras e." reklamo na niya. Madali siyang mabagot sa mga lakad lakad kaya madalang ko ring isama.

"Cr lang ako, di ako iinom dahil alam kong ako pa ang maghahatid sayo." Inismiran ko lang siya na sinuklian niya ng malaking ngiti saka umalis.

Dumating din ang inumin ko kaya nagsimula na akong uminom. Ilang minuto ang lumipas pero di parin dumadating si Ziah. Wala pa naman akong ganon tama.

I was enjoying my peaceful drink when someone sat on the chair next to me. I know it's not Ziah dahil sa amoy niya pa lang. And everything went block inside my mind when he uttered "hello"

"Shut up." maliit na boses na sagot ko dito.

"So, what school are you?" Inismiran ko ito, but still, I answered.

"Girls." he uttered a "woah" and my patients are tearing apart little by little.

"I heard Girls are really good at singing, let me hear a songy song action." I fake–sweetly smiled at him.

"Sure." he smirked on me. Lumapit ako sa dj saka binulong sa kanya ang title ng kanta. Kinuha ko ang mic doon at tumayo sa maliit na stage na nasa harap. Napatigil naman ang iba sa pagsayaw ng tinigil ng dj ang kanta. The beat change and I ready myself.

"Why am I always hit on by the boys I never like
I can always see 'em coming, from the left or from the right

I don't want to be a priss, I'm just try'na be polite
But it always seems to bite me in the." I started singing habang nakatingin sa lalaking nasa counter. Nakikisabay pa ito sa kanta.

"Ask me for my number, yeah, you put me on the spot
You think that we should hook up, but I think that we should not

You had me at "hello", then you opened up your mouth
And that is when it started going south
Oh!." I started walking towards him habang kumakanta parin. Everyone made a way for me para makalapit sa kanya. Marami na ring nagsisigawang tao sa paligid.

"Get your hands off my hips, 'fore I'll punch you in the lips
Stop your staring at my hey!
Take a hint, take a hint

No you can't buy me a drink, let me tell you what I think
I think you could use a mint
Take a hint, take a hint
T-take a hint, take a hint." Natigil ito sa pag-galaw ng maintindihan ang meaning ng kinakanta ko. Seems like he's offended but I care less.

Nagpatuloy ako sa pagkanta at di na nito nakayanan pa ang kahihiyaan ay lumabas sa bar.

Nagsitawanan ang nga tao saka pumalakpak. Di ko ito pinansin at umupo sa kinauupuan ko kanina. Kung di lang niya 'ko inabala, tsk.

"That was an epic show." Marahas akong napahinga ng makarinig na naman ng sagabal. I looked at him with my really pissed expression pero agad na natunaw iyon ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko.

Caius.

Zephyr.

Devil's Disguise [Series Two] (✓)Onde histórias criam vida. Descubra agora